SAMANTHA "She did what?!" Sabay-sabay pang tanong ng mga kaibigan ko sa akin matapos ko ikwento sa kanila ang disaster na nangyari sa amin ni Wayne after graduation. Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng lumipat kami sa bagong bahay namin sa Tagaytay. At inaamin ko na mas naging mapayapa at masaya ang buhay namin kasama sina Nana Floree saka sina Cecil at Nancy. Nagsisisi s'ya kung bakit sa Condo Unit n'ya pa ako naisipan dalhin imbes na dito sa Tagaytay pero kaagad ko rin s'yang sinawata dahil para naman sa pag-aaral ko ang dahilan kaya doon n'ya akong naisipan dalhin. Mas malapit kasi ang eskwelahan sa Condo kaysa dito sa bahay sa Tagaytay. Hindi n'ya intention na saktan ako ng dahil sa mga praning na babaeng 'yon na humahabol sa kanya. Naisip ko mas okey na din 'yon, na ganun

