Chapter 19

3069 Words
"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride." nakangiting sabi pa ng Judge sa'ming dalawa. Wala ako sa sarili sa buong seremonyas. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Parang kay bilis-bilis naman. Sing bilis ng pagpapatakbo n'ya ng kanyang sasakyan kanina. Sa loob ng dalawang araw ay biglang nagbago ang aking buhay. Ang aking kapalaran. Ayaw ko bumaba ng kotse n'ya kanina pero hinatak n'ya ako. Malaki s'yang tao, malakas, kaya ng hatakin n'ya ako napalabas din ako ng sasakyan. Napakalaking dalawang palapag na bahay ang bumungad sa harapan ko. Inisip ko agad bahay ng mga magulang n'ya para ipakilala ako. Kinabahan ako bigla. Ayaw kong sumama sa kanya sa loob. Natatakot ako kung ano ang sabihin nila sa akin. Sa pagkatao ko. Baka husgahan din nila ako kagaya nitong lalaking kasama ko kaya nandito ako ngayon sa magulong sitwasyon. Kung ano-ano pang negatibo ang pumasok sa utak ko kaya nakipaghatakan ako sa kanya ng aking braso. Pero 'di n'ya ako pinapakawalan. Subrang higpit ng pagkakahawak n'ya sa akin. Nakakalukong nginingisian n'ya lang ako. Kahit anong pagmamakaawa na ang sinabi ko sa kanya wala pa ring silbi. Ayaw n'ya akong pakinggan. "You can't run away from me." wika n'ya pa sa akin kanina. Kinaladkad n'ya ako palapit sa gate ng bahay. Alumpihit ako sa aking kinatatayuan. Malakas kong hinihila ang kamay kong hawak n'ya pero... bwesit at 'di matanggal-tangal sa pagkakahawak ng kaliwang kamay n'ya. May sa bakal ata ang lalaking 'to. Kahit anong kalas ang gawin ko walang nangyayari. Isang pindot lang ng doorbell ang ginawa n'ya at kaagad ding bumukas ang gate. Animo'y parang inaasahan ang aming pagdating. Anong nag-aantay sa akin sa loob? Nagrigudon kaagad ang puso ko. Isang nakangiting matandang babae ang nagbukas sa amin. Mayordoma ba s'ya dito? "Good morning sainyong dalawa. Pasok kayo. Kanina pa sila nag-aantay sainyo." Hinatak kong muli ang kamay ko. This time binitawan n'ya na ngunit malakas akong napasinghap ng hapitin n'ya naman ako sa aking baywang. Naramdaman ko ang mainit n'yang hininga sa aking punong tainga. "I told you, you can't run away from me." at iginiya n'ya na ako papasok. Halos buhatin n'ya na ako sa higpit ng hawak n'ya sa baywang ko. Parang nagmamadali. Parang may hinahabol at bawal ma-late. Hindi ako makasabay sa malalaking hakbang n'ya. Makailang ulit pa akong natisod sa bilis n'yang lakad. Kung hindi n'ya siguro ako mahigpit na hapit sa aking baywang baka kanina pa ako nadapa. Pumitlag ang puso ko ng maramdaman kong lumapat ang mainit n'yang labi sa mga labi ko. Napabalik bigla ang naglalakbay kong utak. Nasa bahay pa pala kami ng Uncle Robert. Kasalukuyan kaming kinakasal ng kanyang tiyuhin na isang Judge. Saksi ang kaibigan n'yang si Rald James at ang mayordomang si Manang Lucy. Ilang minuto na ang lumipas ay nakalapat pa rin ang labi n'ya sa akin. Parang kinakain n'ya na ang mga labi ko. Teka.. dapat smack lang dapat. Pero bakit ang tagal naman? Naasiwa ako ng marinig ko ang mahinang sipol ng kaibigan n'ya at pagtawa ng kanyang tiyuhin at ni Manang Lucy. Lumapat kaagad ang dalawang kamay ko sa dibdib n'ya para sana itulak s'ya ngunit mabilis n'ya akong hinapit sa aking baywang. Pambihira talaga ang lalaking 'to masyadong bulgar. Nakakahiya! He stoped and gasp for air. We're both panting. Damn him! Sinamaan ko kaagad s'ya ng tingin ng pagpantayin n'ya ang mga mukha namin. He grinned. "You're officially mine. My wife." Malakas na tumikhim ang Uncle Robert n'ya. Kaagad akong napalingon sa harapan namin. Makahulugang ngiti ang sumalubong sa akin. Uminit kaagad ang aking mukha. "Congratulations to both of you. I'm sure Vangie will be happy with your unexpected marriage, Wayne." sabi n'ya habang ang mga nakangiti n'yang mga mata'y nakatingin pa rin sa akin. Pakiramdam ko biglang inukit sa bungo ko ang katagang sinabi nito. "UNEXPECTED MARRIAGE." Ang weird. Tumakas ako sa arranged marriage ko tapos ngayon bumagsak ako sa 'di ko inaasahan na kasal. Ngayon ko lang din na realize kung bakit ganitong damit ang binili n'ya sa akin. Kagabi pa pala s'ya gumawa ng plano. 'Di man lang muna ako kinonsulta kung papayag ba ako sa plano n'ya o hindi. "Please don't tell them about this yet Uncle." Hinapit n'ya pa ako lalo. Tiningala ko s'ya. Nakangiting tinitigan n'ya rin ako. "I know, once they found out about her magkukumahog ang mga 'yon pumunta ng bahay ko. Ako na lang magsasabi sa kanila. But.. not now. I want to be alone first with my wife." wika n'ya sabay pisil ng chin ko. Palihim ko s'yang kinurot sa kanyang tagiliran. Aw! Malakas s'yang napadaing. Napaigtad pa s'ya sa ginawa ko. Kaagad n'ya akong binitawan at bahagyang lumayo sa akin habang hinihimas-himas ang tagiliran. Malakas na magkapanabay pang napahalakhak ang dalawang lalaking kasama namin. Nakita kong iiling-iling na nakangiti na lumabas ng opisina ni Uncle Robert si Manang Lucy matapos n'ya kaming batiin. "Ang secretary ko na ang maglalakad nitong na fill-up-an n'yong form bukas sa City Hall. These are application forms, pati na papeles na katibayan na nag-attend kayo ng pre-marriage counseling and family planning seminar. Pipikiin na lang natin ang date." wika ni Uncle Robert. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nagpaalam sa Uncle n'ya. Nagtungo kami ng Restaurant kasama ang kanyang kaibigan. Naiilang ako sa pailalim nitong tingin at makahulugang ngisi sa akin. Magkaibigan nga sila. Parehong nakakabwesit. Makailang ulit ko pa itong narinig na sumisipol sa tuwing binabaklas ko ang braso ng asawa kong nakapulupot sa baywang ko ng naglalakad na kami papasok ng Restaurant. Darn.. asawa ko talaga? Possessive? Napailing ako sa aking naisip. Hindi ko akalain na mangyayari 'to sa aking buhay. Minsan akong nangarap na magkaasawa ng katulad sa mga kabarkada ko. Bonus points na lang ang kagwapuhan at kakisigan n'ya. Tapos sa isang iglap naririto na ngayon. Natupad ang pangarap kong iyon na walang kahirap-hirap. My knight in shinning armour marry me! Kahit na sa Judge lang kami ikinasal, still I secretly treasure this precious moment in my heart. Mabangong amoy ng mga pagkain ang sumalubong pagpasok namin. Nanoot sa ilong ko. Kaagad nagrambulan ang mga alaga ko sa tiyan ko. Naramdaman ko ang kamay ni Wayne na humawak sa aking tiyan. Nahihiyang tiningala ko s'ya. Natunaw ako ng makita ko ang maganda n'yang ngiti. Damn.. alam n'yang sa'kin 'yong kumakalam na sikmura! Uminit kaagad ang aking mukha. Pati mga tainga ko uminit ng may ilan sa dinaanan namin ang napatingin pa sa amin. Narinig siguro yung ingay ng tiyan ko. Pambihira. Ang lilinis ng mga tainga. Ngayon ko lang naramdaman muli ang subrang gutom. Ngayon lang paunti-unti bumabalik sa normal ang senses ko. Gano'n pala 'yon? Kapag may problema ka at natotorete ang utak mo hindi ka makakaramdam ng gutom. Iwan ko lang sa iba... Sa akin kasi puro takot, nerbiyos, at kaba ang nangingibabaw. Isang open Restaurant ang napili nilang kainan. Ang daming tao. Halos puno na sa ibaba. Mukhang masasarap ang mga pagkain dito ganito karami ang customers. Busy day. Nagtungo kami sa second floor. Pumwesto sa gilid. Kaagad may lumapit sa aming waiter. May dalang tatlong menu at isa-isa kami binigyan. Nahihiyang kinuha ko ang inaabot n'yang menu sa akin at nagpasalamat. Umalis din ito agad para kunin ang order ng dalawang lalaking kasama ko na whiskey. Tubig lang sa akin. Nanlalaki pa ang aking mga mata ng makita ko ang presyo ng bawat order ng pagkain. Grabe.. gano'n ba sila kayaman para kumain sa ganitong mamahalin na Restaurant? Presyong makabutas bulsa. Nagkibit balikat na lang ako sa aking naisip. Tutal, sila naman ang magbabayad hindi ako. Binuklat-buklat ko na lang ang menu. Hindi ako familiar sa pangalan ng mga pagkain na nakikita ko. Mas nakikita ko pa ang presyo kaysa sa drawing na pagkain. Though may nakita akong seafood, kumusta naman ang presyo?Nakakalula. Tsaka malay ko ba naman dito. Mga ordinaryong pagkain lang naman ang alam ko. Mga Fastfood Chain at Korean Restaurant lang naman ang nasubukan kong kumain kasama si Ate. First time ko sa ganitong lugar kumain. Siguro kung ako magbabayad 'yong one month na budget ko sa school ubos. Uuwi akong luhaan. "Good morning Sir, Ma'am. May I take your order?" Napatingin ako sa waiter na bumalik muli sa aming pwesto makalipas ang ilang minuto. Matangkad siya. Maganda ang tindig at matipuno ang postura. May isang malalim na biloy pa akong nakita sa kaliwang pisngi nya ng ngumiti s'ya sa akin. Ang puti at pantay pantay pa ng ngipin n'ya. Waiter lang ba talaga s'ya dito? Hindi kasi halata sa itsura n'ya. Tiningnan ko muli ang menu. Wala akong mapili dahil sa presyo. "What's your order babe?" tanong sa'kin ni Wayne habang nakatingin pa rin sa menu. Bigla akong napalingon sa kanya ng maramdaman ko ang pagdantay ng kamay n'ya sa ibabaw ng aking hita. "I-I don't know what to order." mahina kong sabi sa kanya. Natigilan ako bigla ng paglingon ko ay nakita kong nakatitig ang waiter sa akin. Kinunutan ko s'ya ng noo. Kanina pa ba s'ya nakatingin? Nilingon ko si Wayne na busy pa rin nakatingin sa kanyang menu. Tiningnan ko ulit ang waiter. Nagulat pa ako na pati ang kaibigan n'ya hanggang ngayon nakakaluko pa rin ang ngisi habang nakatitig sa akin. Kaagad akong umiwas na ng tingin sa kanila. Naaasiwa ako sa kaibigan n'ya. Pakiramdam ko pinagtatawanan n'ya ako na 'di ko malaman kong sa anong kadahilanan. Pati 'yong waiter dumagdag pa. Kinikilabutan ako sa uri ng titig n'ya. Makatingin sa akin wagas. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Ang ganda at nakakarelax ang ambiance. Sa labas wala akong makita masyadong view. Puro nagtataasang building ang nakikita ko. Dumungaw ako sa ibaba. Napanganga ako ng makakita ako ng napakagandang infinity pool with fountain. "I don't know what to order too." narinig kong sigunda naman ng kaibigan n'ya. Nilingon ko s'ya kaagad ngunit mabilis din akong parang napapasong nag-iwas ng tingin ng makita kong nakatitig pa rin s'ya sa akin. Animo'y... kinikilatis n'ya ako. Eh? Iniinis n'ya ba ako or itong kasama ko? Narinig ko si Wayne na malalim na napabuntong hininga. "Ok... Will order, two Hot Seafood tower. Three USDA Rib-eye and Sea Bass Fillet. Three Potato Hash Salmon and Octopus Carpaccio. And stop gawking my wife, I'm warning you two." he said in a formal tone while closing the menu. Marahas akong napalingon sa kanya. Napahalakhak naman ng malakas ang kaibigan n'ya. Samantala, kaagad naman tumalikod ang waiter pero si Wayne madilim pa rin itong sinusundan ng tingin ang waiter at nagbabanta naman ang pinukol na sulyap sa kaibigan n'ya. Kung nakakasakit lang ang mga titig n'ya sigurado akong bumulagta na 'tong kaibigan n'ya pati ang waiter na 'yon kanina pa. "Possessive." wika ng kaibigan n'ya na halos gumalaw pa ang mga balikat sa pagtawa. Napailing ako. Ang weird ng James na 'to. Hindi man lang natinag sa matalim na titig nitong katabi ko. Pambihira talaga. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa hita ko sa ilalim ng mesa. "Wayne." mahinang tawag ko sa kanya. Nakita ko pang gumalaw ang panga n'ya ng humarap s'ya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Dahan-dahan naman humupa ang pagdidilim ng kanyang mukha. "I will tell the owner of this Restaurant to fire him." seryoso at inis na inis pang sabi n'ya. Then he stared his friend murderously. Lalong lumakas lamang ang halakhak nito. May ilan pang mga customer ang nakita kong napapalingon pa sa mesa namin. Natigilan ako. Kaya n'ya bang gawin 'yon nang dahil lang sa walang kakwenta-kwentang bagay? Madalas ba s'ya dito or kaibigan at kakilala n'ya kaya ang may-ari ng Restaurant na 'to? Bigla sumakit ang ulo ko. Hindi ko pa nga pala s'ya lubusang kilala. Mukhang mayaman pero 'di ko alam at 'di ako sigurado kung gaano s'ya kaimpluwensya. Kung ano talaga ang status n'ya sa buhay. Hinawakan ko na ng dalawang kamay ko ang kanyang kamay. Marahan kong minasahe iyon baka sakaling mabawasan ang galit n'ya. "Hayaan mo na 'yon. 'Wag mo na lang pansinin. Kawawa naman kung sakaling may pamilya 'yong tao at mawalan ng trabaho." mahinahon kong sabi sa kanya. Tinitigan n'ya ako. Hinawakan ko ang nakakunot n'yang mga noo at magkasalubong na mga kilay. I smiled at him. Natuwa ako ng lumambot na ang mukha n'ya. Nawala ang pagkakakunot ng noo n'ya at pagkakasalubong ng mga kilay. Bumaba ang tingin n'ya sa mga kamay namin. Malalim s'yang bumuntong-hininga. Pinatong n'ya ang isa n'ya pang kamay sa magkahugpong naming mga kamay. Marahan n'ya itong hinaplos. Kahit medyo may pagkagaspang ang kanyang kamay ramdam ko pa rin ang tenderness at init sa bawat pagmasahe n'ya sa aking mga kamay. The feeling is foreign and it feels good. "Lalamgamin tayo n'yan sa subrang tamis n'yong dalawa. Ini-itsapuwera n'yo na ako. Ayokong maging thirdwheel dito. Pambihira. Iniinggit n'yo pa ako. Baka pwede na akong umuwi? Kabuwanan pa naman na ni Rash. Nag-aalala ako sa kanya." Sabay pa kaming napalingon ni Wayne sa kaibigan n'yang nakaupo sa harapan namin. Teka... did I heard him saying kabuwanan? He must be have a wife? Sh*t. I was right then, iniinis n'ya ang asawa ko pati ako. I heard my husband evil smirked. "Mas maganda pa..." Kaagad kong hinatak ang kamay n'ya. Kaagad naman s'yang nagtatakang napabaling sa akin. Pinanliitan ko s'ya ng aking mga mata. Talaga naman! Kung kailan bumabalik na ako sa katinuan, sasakit na naman siguro ang ulo ko sa dalawang lalaking 'to. Binalingan ko ang kaibigan n'ya. "Kumain ka na muna J-James bago umuwi. Ayan naman na 'yong pagkain." nahihiyang wika ko sa kanya habang nakatingin sa aking kanan. Sinundan din nito ang direksyon na tinitingnan ko. Papunta na dito sa aming pwesto ang waiter dala ang pagkain namin. Tahimik na nilapag ng waiter ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa namin. Nanlalaki pa ang mga mata ko sa gulat ng makatatlong balik ang waiter sa mesa namin para ihatid ang inorder na pagkain ni Wayne. Subrang dami. Maubos kaya namin 'to? Sabagay dalawang lalaki ang kasama ko. Natural malakas kumain. Nagkibit-balikat na lang ako sa aking naisip. The Hot Seafood Tower, consist of oysters (Shucked or Rockefeller), clams, lobsters, welks, prawns, mussels, and Blue Swimmer crabs. The USDA Rib-eye served with Roasted Potatoes, Baked Carrots, Slow-cooked Red Onion and Baked Garlic and Sea Bass Fillet, with grilled vegetables and Rocket. The Potato Hash Salmon and Octopus Carpaccio, served with olives, tomato, basil, and dill. Nagutom lalo ako ng makita't maamoy ko ang pagkain sa harapan ko. Pinagtawanan naman ako ng dalawang kasama ko. Nangamatis bigla ang mukha ko. They started munching their food pero hindi pa rin ako gumagalaw. Bigla akong tinubuan ng hiya. Biglang inusod ni Wayne and upuan n'ya at dumikit sa akin. As in dikit na dikit. Inakbayan n'ya pa ang likod ng upuan ko. Kaagad ko s'yang nilingon. "Tsk. Very territorial." narinig ko pang sabi ni James na may kasamang mahinang tawa. Kaagad n'yang nilagyan ng pagkain ang plato ko. Mabilis kong pinigilan ang kamay n'ya ng makita kong halos punuin n'ya na ito. Nagtataka namang tiningnan n'ya ako. "Hindi ko kayang ubusin 'yan. Pambihira ka. Anong akala mo sa'kin dragon kumain? Kukuha na lang ako kung gusto ko pa." He smirked. "Akala ko kasi nahiya ka pang kumuha kaya nagvolunteer na ako. Nagrarambulan na ang tiyan mo pero nagde-dreaming ka pa ata habang nakatitig sa pagkain. Hindi yan sila magkukusang papasok d'yan sa tiyan mo. Tsaka kailangan mong kumain ng marami para may energy ka mamaya sa honeymoon natin--awww!" Kinurot ko s'ya sa tagiliran n'ya. Napaigtad pa s'ya at kaagad inalis ang braso sa likod ng upuan ko at hinimas ang parte na kinurot ko. Malakas na napahalakhak naman ang kaibigan n'ya. Sh*t... nakakahiya! "Ang daldal mo. At anong honeymoon ba ang sinasabi mo d'yan? May energy ka pang nalalaman. Energy-hin mo yang mukha mo!" inis kong sabi sa kanya. Nilingon ko ang kaibigan n'yang 'di na tumigil kakatawa. Sinamaan ko ito ng tingin. Tinaas naman nito kaagad ang dalawang kamay animo'y sumusuko at kaagad nagsubo ng pagkain. "E, kakakasal lang natin malamang mamaya may honeymoon--awww!" Sinamaan ko s'ya ng tingin. Pambihira ang lalaking 'to walang filter ang bibig kahit naririnig na ng kaibigan n'ya walang pakialam. Ramdam na ramdam ko na ang pangangamatis ng mukha ko. Kinurot ko s'ya muli. "Kumain ka na nga!" Pero nginisian n'ya pa ako at kinindatan. "Later will do that to you babe." Duh? Anong ibig sabihin n'ya? I rolled my eyes. Sabay pang nagtawanan muli ang dalawa. Napailing na lang ako at saka nagsimula ng kumain. Hindi ko na sila pinansin. Bahala sila. Nagugutom na ako. Biglang may dumaang anghel sa mesa namin ng magsimulang kumain na din ang mga ito. Maya-maya narinig kong nagkwentuhan ang dalawa habang kumakain. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Pawang tungkol sa mga negosyo. Napapaisip ako kung mga negosyante ba sila or ano? Narinig ko ring kinumusta ni Wayne ang babaeng nangangalang Rashmin, James wife. Sabi nito kabuwanan na ng asawa. Ayaw nito sanang iwan ito kaso madaling araw nambubulabog na itong si Wayne at pinapapunta ito sa bahay ng Tito n'ya para maging witness ng kasal namin. Pinagtulakan pa daw ito ng asawa na pumunta at umuwi din agad pagkatapos. Nasa pagkain ang buong atensyon ko pero ang tainga ko nakatutok sa kanila. Kaagad ko rin pinagalitan ang sarili sa ginagawa ko. Nagiging tsismosa pa ako ng palihim. Pagkatapos naming kumain kaagad nagpaalam sa'min si James na uuwi na. "Alagaan mo 'yang asawa mo, Sam. At 'wag kang papaapi d'yan. Kapag nambabae isumbong mo kaagad sa akin." biro pa nito sabay pasok sa kanyang kotse. "Ingat kayong dalawa sa pag-uwi. Best wishes ulit." pahabol n'ya pa saka pinasibad na ang sasakyan. Nang mapagsolo kami ni Wayne ay nawalan na itong kibo. Tahimik lang na nagmaneho matapos n'yang sabihin sa akin na iuuwi n'ya ako sa Condo Unit n'ya. Nagkibit balikat na lang ako. Kahit magwala ako hindi n'ya din naman ako papakawalan. Kanina pa ako napapatanong sa sarili ko kung bakit nag-abala pa s'ya na pakasalan ako. Wala naman kaming relasyon at isang pagkakamali 'yong nangyari sa amin. Malalim akong napabuntong-hininga. Kapag tinanong ko s'ya sigurado akong mauuwi lang din sa away. At wala ako sa mood makipag-away. Gusto kong ipahinga muna ang utak at buong katawan ko. 'Yong walang iniisip na kahit ano at walang inaalala. Kahit ngayon lang. Saka ko na problemahin itong nangyari sa amin. Sinandig ko ang aking ulo sa upuan at pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD