Awang ang bibig ni Saraya nang makita ang sabay-sabay na pagdating ng tatlong lalaki sa ilog. Wala iyon sa usapan nilang magkakaibigan kaya napakagat labi siya at nakaramdam ng inis sa dalawang kaibigan. Ilang sandali lang ay sabay-sabay na lumusong sa tubig ang mga ito. Nagtatawanan na kaagad ang dalawa kasama ang boyfriends ng mga ito bago lumapit ang mga ito sa kanya. “Saraya, ito nga pala si Ben, kapitbahay namin. Nagtatrabaho na siya sa bayan. Isang manager na ‘yan sa mall!” nakangising pakilala ng boyfriend ni Holy sa lalaking kasama ng mga ito na pinangalanan nitong Ben. Nang tingnan niya ang lalaki ay nakatitig na kaagad ito sa kanya pero mas lamang ang paninitig na ginagawa nito sa gawing dibdib niya kaya napahawak si Saraya sa dibdib niya. May kanipisan pa naman ang sando na s

