"Tavi, tara sama ka sa amin, sabi ni Lolo Dem magku-kwento daw ulit siya about powers powers" My friend Fin said, he was my bestfriend since then that's why we're this close at each other.
I was raised in Spain and my Mother wants me to go back here in Philippines with them. She's always talking with someone on phone and there's always 'beloved' in every sentences.
"Noong unang panahon, may apat na kaharian na gumagalang sa Saligan ng pananampalataya at propesiya ng bawat isa. Ang apat na kaharian ay may kanya-kanyang kapangyarihan na minamana mula sa kanilang mga ninuno, ngunit hindi lahat nabiyayaan ng kapangyarihan."
"Abuelito, I'm here to listen your historia." He's started na kaya sumingit nalang ako.
"Aba'y nagagalak akong makita ka hija." Abuelito said and I just smiled at him. There's something in the way he look at me. I can say that's he's eyes telling me everything but I don't know what it is.
"Magpapatuloy na ako mga apo." He said without breaking his eye contact with me. "Ang Easteria o Fire Kingdom ay kilala hindi lamang sa tapat nitong pamumuno, subalit, nakilala din ito dahil sa lakas ng kapangyarihan nito at mas hasa sila sa kanilang kapangyarihan kompara sa ibang kaharian na mas pinipiling mamuhay ng normal." I was stilled for what Abuelito said for no reason.
"Ang Suria o Earth Kingdom naman ang isa sa mga tumatak dahil sa pagpapanatili nito ng preskong kahanginan at maberdeng lupain, maliban pa dito ay kilala din sila dahil sa malawak na lupain na nasasakop rito. Samantalang ang Norteria o Water Kingdom naman ang pinakamaskilala sa pagiging mayaman na kaharian." I don't know what Abuelito wants to say but he keeps on staring at me.
'Why you're so creepy Abuelito?'
"At ang isa pang kaharian ay ang tinatawag na Oesteria o Air Kingdom."
"May magaganap na kaguluhan sa buong mundo... Mag-aaway ang apat na kaharian... May isang kaharian na mababalot ng puot at galit, magiging ganid ito sa kapangyarihan at sasakupin ito ang buong mundo at may sumpang darating dala ng isang nilalang na magpapabagsak dahil sa siya ang batang tatapos ng kaangyarihan ng may dugong bughaw magiging katatakotan yun " Nagising ang isang ministro ng Oesteria na nagngangalag Eliseo nang mapanaginipan niya ito. May nais itong sabihin sa panaginip niya, mula noon ay naalarma sila.
"Hades, nais kong ipakilala sayo ang anak na babae ng Duke, si Felicia Makipag-mabutihan ka sa kanya dahil aasikasuhin na namin ang kasal ninyong dalawa." Wika ng ama ni Hades na ikinabagsak ng mundo niya.
May ibang minamahal ang binata, may kasintahan siyang hindi alam ng lahat. Ito ay ang anak ng Duke ng Oesteria at alam nilang dalawa na bawal ito ngunit hindi nila maturuan ang pusong huminto sa pagnanais ng isa't isa.
"May nais akong sabihin sayo..." Sabay na sabi ng dalawa nang magkita silang papuslit lamang.
Si Haring Hades ay isa sa mga kilalang hari at tinitingala dahil natalo niya ang tatlong hari sa isang paligsahan. Kilala siya bilang isang malakas at marunong. Isang nabubukod tanging hari at isinakripisyo ang pag-ibig para sa kaharian niya.
"Patawad..." Sabay nilang sabi nang matapos na marinig ang isa't isa. Sa kaparehong petsa ay siya ring pagpapakasal ni Samirah sa magiging Hari ng Oesteria na si Prinsipe Shu.
Nagkapaalamanan sila sa isa't isa ay nangakong maging masaya sa magiging buhay nila kahit hindi sila ang magkasama. Naging maliwanag sa kanila ang lahat at sinunod kung ano ang propesiya.
Si Prinsipe Shu ay anak ng Reyna Hilga (Reyna ng Oesteria bago ang pamumuno ni Samirah at Shu) sa Hari ng Suria at kapatid niya sa ama ang Prinsesa ng Suria na magiging Reyna rin pagdating ng panahon. May dugong Surian ang Prinsepe Shu ngunit Oesterian parin ang nanaig sa kanyang dugo. Dito nagsimula ang paunang sumpa.
Sa ika-isang daan at labing walong henerasyon, nagbago ng pamumuno ang lahat ng kaharian.
Reyna Felicia ang Reyna na pinakasalan ni Prinsepe Hades nga ngayon ay Haring Hades na. Si Haring Hades ay Hari ng Easteria [Fire], na may nakaraan kay Samirah, ang Reyna ngayon ng Oesteria.
"Kahit anong pilit ko Samirah! Mahal kita at hindi ako napapanatag na nasa kamay ka ng iba... Ako dapat ang kasama mo, ngunit-"
Mapusok na sinakop ng Reyna ang mga labi nito at nagpadala na sila sa bugso ng kanilang damdamin na huli na nang mapagtanto nila na mali ang ginawa nila.
"Hindi lang ikaw ang nahihirapan Hades! Ngunit kasal na tayo at magkaiba ang mundong ginagalawan natin, hindi pwedeng ipagpapatuloy natin ito. Masakit man... Subalit... Paalam mahal ko."
Umalis na ito sa tagpuan nilang dalawa at naiwan ang Haring Hades na tulala at hindi makapaniwala na may nangyari sa kanilang dalawa.
Makalipas ang ilang buwan hindi matiis ni Samirah ang lihim na nangyari sa kanila kaya't umamin na rin siya lalo pa't nagbunga ang nangyari sa kanila ng Hari ng Easteria
"Pa-Patawarin mo ako... Mahal na Hari, tatanggapin ko ano mang parusa huwag mo lamang alisin ang sanggol sa sinapupunan ko, kahit patayin ninyo ako pagkatapos ko itong mailuwa-" hindi niya matapos ang pagsasalita sapagkat humahagulgol na siya sa pag-iyak.
Tahimik lamang ang hari at nakatitig sa kawalan, halata sa mga mata nito ang pagkadismaya ngunit ayaw niyang magkamali ng desisyon para sa Reyna.
"Anak ko yan, tandaan mo." Umalis sa silid ang Hari at naiwan siya sa ganoong sitwasyon.
Makalipas ang isang taon ay nanahimik ang lahat at walang may nakakaalam patungkol sa anak niyang si Hadev na iniinsayo ang ama-amahan nitong hari upang maging magaling sa pag-gamit ng Kapangyarihang hangin.
Samirah naman ay sinusubukang magsimula ulit kasama ang asawang Hari na si Haring Shu, isang hari ng Oesteryan na hindi nababagabag sa kabila ng pagtataksil ng kanyang asawa, nanatili siyang tahimik at hindi kailanman pinarusahan ang kanyang asawa, iniligtas niya ito at inangkin ang bata bilang kanya.
Tahimik lamang ang kaharian ng Suria na pinamumunuan ni Reyna Odessa ang kapatid sa ama ni Haring Shu, sa kadahilanang may relasyon ang kanyang ama na Hari ng Suria sa yumaong Reyna ng Oesteria ngunit walang nakakaalam na sila ay magkapatid maging silang dalawa, kaya nanatili itong katahimikan. Si Casimir ang napiling pakasalan ni Odessa na ngayon ay Hari na ng Suria, nakalaan ang panahon niya sa pagpaparami ng produkto para sa ikabubuhay ng sambayanan at mas lalo pa nitong pinapalago ang buhay ng nakararami.
Kagaya ng Suria, tahamik na nagpapalago at nagpapalakas ang Norteria sa Pamumuno ni Haring Constantine at Reyna Andromeda hanggang sa may nangahas na dukotin ang Reyna dahil sa kaakit-akit nitong ganda, nagawa niyang makatakas gamit ang kapangyarihan niya subalit, naubos ang lakas niya dahil nadamay ang innoseteng tao sa paggamit niya nito.
Napunta ang Reyna sa isang masukal na kagubatan at hindi ito pamilyar sa kanya, hindi siya makahanap ng taong maaring makatulong sa kanya.
Sa panahong iyon, nag-eensayo ng kapangyarihan ang Hari ng Oesteria sa mismong kagubatang kinaroroonan ng Reyna, dahil sa takot ng Reyna, lumusong siya sa tubig at doon nagtago. May lahing Surian ang Hari kaya nalalaman niya kung may nilalang bang malapit sa kanya.
"Reyna Andromeda?"
Nang marinig ito ng Reyna ay mabilis siyang umahon sa tubig at napayakap sa Hari, kakaiba ang ganda ng Reyna kahit sinong lalaki ay maaakit rito. Kahit saan ang tukso ay naroroon.
'Kahit ang pinakamatapat na nilalang ay natutukso rin.'
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nangyari ang hindi dapat mangyari. Nagkaroon ng pagitan sa Dalawa na siyang ikinatakot ng Reyna ng Norteria. Dahil sa kahihiyan, lumayas siya dahil hindi niya kayang sabihin ang nagawa niyang kasalanan, may alipin siyang tapat sa kanya na isinama niya, tinungo nito ang napakalayong lugar, makalipas ang sampong araw na paglalakad ay nakita nila ang malawak na karagatan at napagdisesyunang doon na lamang manatili. Ngunit napansin ng Reyna Andromeda na may nakatira na doon ay dumiretso sila at sumakay sa trosong nasa gilid ng dalampasigan. Ginamitan niya ng kapangyarihan upang mapasunod ang tubig sa dagat. Wala na silang ibang nakitang tao kaya nakapag desisyon silang doon na manirahan.
Mahalimuyak na hangin ang palaging sumasalubong sa kanila sa tuwing namumulaklak ang puno ng Narra, huni ng mga ibon na para siyang hinaharana at agos ng tubig mula sa bagsak na talon na para bang sumasabay sa ritmo ng kaluskos ng mga dahon.