Nag-aalala si Andra. Alam niyang madalas maisip ng asawa ang kambal nito. Maging siya ay nag-iisip na rin mung nasaan nga ba si Klaeb ngayon. Paano nga ba kung walang kinalaman si Klaeb at biktima rin. Sa ngayon ay ayaw niyang ma-involve sa kahit anong gulo lalo pa nakakasama niya ang mga anak. May mga tao siyang kikilos upang alamin ang kalagayan ni Klaeb. “What are you thinking of?" pukaw ni Kaleb sa asawa. Matapos ang nakakapagod na buong araw, nagyon lamang makakapaghinga ang dalawa. Magaling na ang sugat ni Kaleb sa labas ngunit kumikirot pa rin ito sa loob kapag nadidiinan. Malikot ang kambal nilang anak kaya naman kung minsan ay aksidente itong nahahagip kung minsan. “I was thinking about the kid's birthday present." ngumiti si Andra at umusog ng konti upang bigyan ng space ang

