“Tito Phoenix, nasaan sina Mommy at Daddy? Nawawala din si Uncle Klaeb, saan kaya nagpunta ang isang 'yun?” nakangising tanong ni Akeeva sa tiyuhin. Kasalukuyan silang nasa America upang iiwas ang mga bata sa gulo kasama si Mr. Harrison. “They will be home soon, right Ark?" kumbinsi ni Phoenix sa pamangkin. “Yeah, let's give Mom and Dad time for each other.” Sang-ayon ni Arkin. Natawa naman si Phoenix sa tinuran ng pamangkin. “I wanna go home, nami-miss ko na si Bipolar. Look, she is a smart but stubborn pony. And this is Alma, Ark's pony." bida ni Akeeva sa tiyuhin at tuluyan ng nakalimutan ang tungkol sa mga magulang. SAMANTALA, hindi maiwasan ni Andra ang gumawa ng sariling hakbang upang makatulong sa paglutas sa problema na kinasasangkutan ng asawa. “Walang fingerprint ni Kaleb

