TGS04: DALAW

1577 Words
Habang nag-eensayo sa firing range si Kaleb ay wala siyang ibang iniisip sa mga oras na iyon kundi ang pagkamuhi at maghiganti sa sariling pamilya, lalo sa sa kanyang kambal. Ngunit sa isang banda ay nami-miss niya rin ang mga ito lalo na ang kanyang ina. Nais niya itong mahawakan at mayakap. Ang yakap at pagmamahal ng ina na hindi na niya na matagal na niyang hindi naranasan. Pakiramdam niya ay bago iuon sa kanya. May nais siyang patunayan, kung talagang isa ang ina sa nagbalak na ipapatay siya, hindi siya magdadalawang isip na idamay ito sa paghihiganti. Isa rin sa pinag-aalala ni Kaleb, hindi niya masasabing kakampi nga ba o kaaway ang taong nagngangalang Andra. Nais niya itong makilala ng personal lalo pa't nakakatanggap siya ng suporta, pinansyal man o kagamitan. Maging personal niyang gamit ay halos nanggaling kay Andra. May sarili siyang pera dahil isa siya sa tagapagmana ng mga Sorrento ngunit nakadeklara na siyang patay kaya wala siyang choice kundi tanggapin kung ano man ang inaalok at binibigay galing kay Andra. Hindi niya alam kung ano ang kanyang koneksyon sa taong iyon ngunit isa lang ang nakakasiguro siya. Si Andra ay hindi basta bastang tao. Alam niya na walang libre sa mundo at lahat ng kanyang natatanggap na tulong ay may kapalit na paniningil. At handa siyang magbayad, ang mahalaga, nakapghiganti siya. “Boss, eto na ang mga nirerequest mong mga kakailanganin sa susunod mong schedule.” sabi ng kanyang isang bodyguard at ipinatong ang bitbit na kulay na itim na bag sa mesa. “Tawagan mo si Arah, I need her.” _____ “Mga minamahal kong kababayan, kapag ako ang binoto niyo sa darating na halalan, mas magiging magaan po ang buhay nating lahat dahil sa mga programang ihahain ko para sainyo. Handa po akong paglingkuran kayo, pantay at patas na serbisyo. Walang mayaman o mahirap.” Kasalukuyang nagtatalumpati si Klaeb, at dahil sa nangyari ang pamamato ng itlog noong nakaraang buwan, mas lalong tumaas ang rating nito at maraming naawa. Habang pinapanood ang live campaign ng kapatid ay di maiwang matawa ni Kaleb sa kanyang isip. Agad na ini-off ni Kaleb ang screen ng kanyang telepono at ipinasok ito sa bulsa. Habang busy si Klaeb sa kaliwa't kanang pangangampanya, madalas maiwan nito ang ina sa bahay. Pagkakataon naman ni Kaleb na puntahan ang bahay ng pamilya. “Ihatid mo ako sa bahay ng mga Sorrento,” utos ni Kaleb sa driver. Nang makarating sa kanilang lugar, sampung metro mula sa kanilang gate ay bumaba na siya. Habang papalapit, agad siyang namataan ng security guard at panandaliang nagpanic ang mga ito. “S-sir Kaleb..?” anas ng isang gwardya. Tatlong dekada ng naninilbihan ang mga ito sa kanila kung kaya naman kilala siya ng mga ito. Nanlaki ang mga mata nito. Sumenyas lamang siya na huwag maingay at inilabas ang bundle ng pera. “Off the surveillance camera, gusto ko lang makita si Mama.” utos niya dito na agad namang tumalima. Nasa main gate din nakapwesto ang surveillance system king kaya naman ito ang inuna niya. Kung iisipin ay maaari na siya tumuloy ng hindi kailangan ng permiso ng gwardya dahil alam niyang papasukin siya ng mga ito. Sa pagkakaalam nila at patay na ito kaya totoong nagulat ang dalawang gwardya. Hindi sila nagkakamali, si Kaleb ay may nunal sa leeg kung kaya naman hindi nila makakalimutan at hindi pa sila nagkamali kahit halos walang pinagkaiba ang kanilang hairstyle at pananamit. Napangisi si Kaleb ng lihim. Kinopya talaga niya ang kasuotan ng kambal ngunit sadyang ang mga kinalakhang gwardiya ay nanatili na loyal sa kanilang pamilya. “Walang makakaalam nito, maliwanag ba?” babala niya sa dalawang gwardya na tumango lamang ngunit nanginginig ang kamay na inabot ang bundle ng pera. Napalunok ang mga ito. “Tuloy lang sir, raradyuhan ko na lamang ang iba pa, sa bandang kusina na lamang po kayo dumaan pansamantala.” bilin nito at nagsimula ng iadjust ang mga camera sa buong mansion. Kinakabahan si Kaleb, hindi niya alam ang magiging reaksyon ng ina. Malamang magagalit ito o magugulat. O di naman kaya ay yayakapin siya agad. Alin man sa mga iyon, nakahanda siya. Nadaanan niya ang iba pang gwardya ngunit tango lamang ang iginanti niya sa mga ito. Mabilis maunawaan ng mga ito ang sitwasyon ngunit hindi pa siya sigurado kung hanggang saan at kailan niya kakampi ang mga ito. Pagpasok ni Kaleb sa kusina at nagulat ang chef at assistant nito. Senenyasan lamang noya ang mga ito at nagpatuloy sa ginagawa. Bago umakyat ng pangalawang palapag ay hinudyatan siya ng inner guard na malaya siyang makakaakyat sa kwarto ng ina. Kinakabahan siya, pagbukas niya ng pinto ay agad niyang natanaw ang rocking chair malapit sa terrace ng kwarto nito. “Mama…” impit niyang sambit. Ngunit narinig siya ng ina at lumingon ito. “Kaleb, anak!” Napatayo ito at agad na lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Halos hindi makahinga si Kaleb ngunit hinayaan lamang ang ina habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. Ramdam na ramdam niya ang lungkot ng ina hindi man ito nagsasalita. Mamaya ay inalayo niya ito sa kanyang dibdib at tinitigan ang ina. “Mama, sabihin mong na-miss mo ako, na may rason ka kung bakit di mo ako dinalaw.” “Kaleb, alam mong hindi ko magagawa iyon. Simula mawala ang iyong Papa ay si Klaeb na ang masusunod sa bahay na ito. Anak, mahal na mahal kita pero wala akong magawa.” hagulhol na paliwanag ng ina. “Mama, kung nahihirapan ka ilalayo kita dito. Sumama ka sa akin. Ako ang bahala sa'yo.” “Hindi pa oras, paano ka nakapasok dito. Mahigpit ang security at walang ibang nakakapasok sa mansion, kailangan mo ng umalis, nanganganib ang buhay mo, natin.." “Mama, did Kaleb hurt you? Bakit takot na takot ka? Let's go, umalis na tayo sa bahay n ito.” “Kaleb, 'wag muna ngayon, please.” Naiiyak na paliwanag nito. Niyakap ni Kaleb ang ina, ngayon ay nauunawaan niya na ito. Alam niyang pinagbawalan ito ni Klaeb na madalawa siya sa piitan at alam niyang may masamang balak din ito sa ina. “Pero Mama, may gustong pumatay sa akin at ikaw daw ang–” nahinto sa pagsasalita si Kaleb ng makarinig sila ng katok sa pinto. “Mrs. Sorrento!” sigaw ni Zoe sa likod ng pinto at pinihit nito ang doorknob ngunit nakalock iyon. Dinig nila ang galit na boses ng babae. “Dali, magtago ka o umalos ka muna, hindi pa ito ang oras.” sabo noto at niyakap siya ng mahigpit, inayos ang kanyang kowelyo at ginawaran siya ng halik sa pisngi. Ayaw pang bumitaw ni Kaleb habang naluliha ngunit kailangan niyang umalis. Ngunit kuryos siya kung kaya naman naisipan niyang magtago sa loob ng walled closet ng ina. Bumalik sa rocking chair ang ina at inayos ang sarili na tila walang nangyari. Maya-maya lamang ay nakapasok si Zoe gamit ang susi na hinatid ng butler. “Hey you, b***h! Baliw-baliwan ka na naman? Sino ang kausap mo?” tanong ni Zoe sa harap ni Mrs. Sorrento ngunit hindi umimik ang matanda. Tuloy lamang ito sa paglalaro ng rocking chair. “Hindi ako nagkakamali, may narinig akong kausap ka!” sabi nito at naglalakad patungo ng banyo at kung saang sulok na maaaring pagtaguan, maging sa walled closet ay wala siyang nakita. Bumalik ito kay Mrs. Sorrento at isang malakas na sampal ang ginawad dito. Hindi man lang nakitaan ng sakit o reaksyon ang matanda. Tumigil lamang ito sa paglaro ng rocking chair, ngunit ilang segundo lamang ay ginalaw itong muli. “Aaargh! Balie ka talagang matanda ka!”Gigil na gigil na sumigaw sa inis si Zoe. Paglabas ay binalibag nito ang pinto. Pagkalipas ng isang minuto ay halos mapugto ang hininga ni Kaleb. Ngunit hindi niya iniisip ang sariling kalagayan. Nag-alala siya para sa ina at nilapitan agad ito. “Mama, sino 'yun at bakit ka sinasaktan? Bakit ka pumayag na saktan? Mama… pangako. Kukunin kita.” sabi niya at niyakap ito ng mahigpit. Humagulgol lamang si Mrs. Sorrento. Ngayong nandito na si Kaleb, mas malakas na ang loob niya ngunit kailangan niya pa ring magpanggap. Malayang nakalabas ng mansion si Kaleb at ngayon ay alam na niya na inosente ang ina sa pagpatay sa kanya. Hindi man niya nakita ang mukha ng babaeng nanakit sa kanyang ina, sisiguraduhin niyang hindi na ito hihinga sa susunod na mag krus ang kanilang landas. Mas lalong nadagdagan ang galit at poot ni Kaleb para sa kambal. Hindi siya makapapayag na sinasaktan ang ina ng kahit sino ngunit paano naatim ni Kaleb na gawin ito ng kanyang kasintahan? Kasintahan nga ba ito ni Kaleb? _______ “Arah, glad you came on time." sabi ni Kaleb sa dalaga at hinagod ang maliit na bewang nito habang nakakandong sa kanya. “Sabi ko naman sayo diba? Isang tawag mo lang, darating ako,” sabi nito sa mapanuksong boses at nilaro pa ng daliri ang labi ni Kaleb at kinintalan ito. Sa oras na iyon, si Arah lamang ang nakakapawi ng kanyang lungkot kahit panandalian lamang. Sa tuwing ginagamit niya ang babae, lahat ng frustrations niya ay nawawaglit hanggang siya ay ay magsawa at mapagod, at makatulog na hubo't hubad yakap ang katawan ng dalaga. Sana lamang ay laging loyal at mapagkakatiwalaan si Arah. Ayun ang huling naisip niya bago igupo ng antok at pagal na katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD