KABANATA 1
Mainit, Davao de Oro.
"Wag kang pumunta sa Maynila, Saela!" Halos mabitawan ni Nanay ang sinampay habang nagtititili sa gilid ng kubo namin.
"Hindi ka marunong mag-commute! Hindi ka marunong sumakay ng elevator! Sa CR nga ng mall naliligaw ka—sa Maynila pa kaya?"
Ako? Naka-backpack na. Nakalugay ang buhok at naka tsinelas na rin. Tumatango-tango habang pinipilit ngumiti.
"Pero Nay... kung hindi ako pupunta, paano natin maaayos 'tong bahay? Tingnan mo 'yung bubong natin, Nay. 'Yung tarpaulin ni Congressman... nabutas na." Tiningnan ko pa ang kisame. May tumutulo. Konting ambon pa, parang maliligo na kami lahat.
"Maghahanap lang ako ng trabaho, Nay. Kahit janitress, okay lang. Para lang makatulong ba."
Napasimangot siya. Kumunot ang noo.
"Paano mo gagawin 'yan? Paano kung maligaw ka? Paano kung mawala ka sa airport? Huwag na lang, Saela. Dito ka na lang. Marunong ka naman maglaba."
"Nay... 'yung paglalaba po kasi... limang taon na akong hindi nababayaran."
"Anak, damit mo ang nilalabhan mo! Sino gusto mo magbayad kapag nilabhan mo ang damit mo?" Tila napasinghap ang nanay ko.
"Gusto ko naman po maranasan 'yung sahod. 'Yung may payslip. Gusto ko po ipagmalaki sa inyo na kahit minsan... kahit minsan lang... ako naman ang magpapadala ng bigas."
Tahimik siya. Napahawak sa pusod niya, sa damit niyang may mantsa ng zonrox at uling.
"Hindi mo na kailangan magmalaki, anak. Kahit anong gawin mo, proud na ako sa 'yo." Ngumiti ako.
"Pero mas proud po kayo kung may padala akong libo, 'di ba, Nay?"
Kinindatan ko siya.
Napabuntong-hininga siya. "Tignan mo nga. Paalis ka pa lang, nagyayabang ka na."
Nilapitan ko siya at mahigpit siyang niyakap. "Promise, 'Nay. Babalik ako. At pagbalik ko... may yero na tayo. Galvanized."
Tumingin siya sa akin, may luha na sa gilid ng mata.
"Basta ingat ka, anak. Wag kang magpapaloko. At wag kang basta-basta huhubad ng pantalon kung may tanong ang boss mo, ha?"
Napatawa ako.
"Sus, 'Nay naman. 'Di naman siguro mangyayari 'yon. Common sense na 'yan."
Pinunasan ko ang luha niya. Nakapagpaalam naman na ako sa kaniya last week, ayaw niya maniwala hanggang ito ngayon aalis ako saka lang siya naniwala.
"One-way lang gyud, ate. Wala pa koy pabalik."
Francisco Bangoy International Airport, Davao City
6:57 AM
"Piso lang gyud ni, te. One-way pa-Manila. 'Di ko rin gets paano nangyari basta naghulog lang ako ng barya sa Pisonet tapos—confirmed booking!"
Iyan ang proud na sabi ni Ann, habang nasa pila kami sa check-in counter ng eroplano.
Katabi niya si Ervin, ang boyfriend niyang may dalang backpack na malaki. Naka-white tshirt, tsinelas, at may earphones na hindi nakasaksak.
Ako naman ay naka-bag din. Bitbit ko rin ang takot, kaba, at pangarap kong makaahon sa buhay.
"Sure gyud ka ani, Saela?" tanong ni Ervin.
Tumango ako, hawak ang ID ko na may luma kong picture na nakaside bangs.
"Sure na gyud. Wala na man koy choice. Kung dili ko pa mularga, kinsa pa? Gusto ko lang talaga makatrabaho. Kahit sa linis-linis lang ba. Basta may sweldo. Kahit 'di masyadong taas."
"Janitress ra diay ang target nimo?"
Ann squinted at me, half-joking.
"Oo kahit ano, basta legal. Gikan sa linis, dili sa landi." Tumawa kami kahit kabado ang tiyan namin.
Matitigas pa magtagalog, nakakakilabot kapag may nabibigkas na Tagalog.
Pag-akyat namin sa eroplano, ako ang pinaka-excited—pero ako rin ang pinaka-kinakabahan. Pinipilit kong huwag magpahalata, pero grabe ang tuhod ko sa nginig.
"Grabe, parang spaceship," bulong ko habang hinihila ang seatbelt.
"Kapit ka, Saela," bulong ni Ann. "Baka mawarak ang airplane, pisodeal lang 'to. Oy! Utang mo, ah!"
"'Wag kang ganiyan! God is good! Saka oo at babayaran kita!"
"Tanga, joke ra!" sabay tawa nilang dalawa. Ako? Hindi natatawa. Kumapit sa armrest nang makaupo ako.
Pinanood ko ang magandang babae na tinuturan kami kung paano sakalin ang bewang namin.
Habang umaandar na ang eroplano, napasigaw ako ng mahina. "Lord! Kailangan ko gyud ni para sa yero!"
Natahimik kami habang pa-takeoff na ang plane.
Napatingin ako sa bintana. Dumadaan ang mga ilaw ng runway, habang lumilipad na kami paitaas. Iniwan ko ang Davao. Iniwan ko ang bahay na may bubong na tarpuline ng kandidato. Iniwan ko si Nanay.
Pero dala ko ang dahilan kung bakit ako lalaban.
Si Bunso. Ang yero. At ang future namin magpapamilya.
Ninoy Aquino International Airport – Terminal 3
Pagbukas pa lang ng pinto ng eroplano, sinalubong na kami ng init na parang binugahan ako ng dragon sa mukha ko.
"Teh, grabe ang init dito. Parang iba," reklamo ko habang inaayos backpack ko.
"Sanay-sanay lang, Day," sabi ni Ann, habang pinupunasan ang batok niya. May dala siyang shoulder bag.
"Wala pa gyud tayong plano 'no," sabat ni Ervin na mukhang gutom na agad.
"Pero no worries, doon daw tayo muna sa bahay ni Tito sa Zapote, Bacoor. Sabi niya, medyo siksikan, pero okay lang basta huwag lang daw tayo maingay at ayaw ng Tita na maingay."
Sunakay kami ng jeep pa-Cavite.
Bago makasakay ay lintek na lakad ang ginawa namin! Okay lang, sanay naman—ang kaso ang init! Parang pakiramdam ko ketchup at toyo na lang, masarap na ako, e!
Medyo mahaba ang biyahe. Nakatitig lang ako sa mga building habang sinusubukang intindihin ang mga signboard na Cubao, Pasay, Alabang, at "
Las Piñas.
"Teh, saan banda diyan ang mall?" tanong ko habang dumadaan kami sa highway.
"Hindi pa ako nakapunta rito, Day. Ngayon lang."
Pagtapak ng gulong sa Zapote, Bacoor—ang paligid ay halo ng sari-sari store, karinderya, at tricycle at maraming jeep.
"Dito lang daw," sabi ni Ervin, bitbit ang gamit niya. "'Yung bahay ni Tito Nonoy, green gate. May sticker ng AlDub sa pader."
Pagbaba namin, sinalubong kami ng matabang lalaking may hawak na electric fan sa isang kamay, at cellphone sa kabila.
"Tara! Kumusta byahe? Pagod?" Tanong nito.
"Sakit sa tainga, 'To." Si Ervin at nakangiti lang kami ni Ann—nahihiya pa kaming dalawa. Nang makarating sa bahay nito na may greengate ay may AlDub nga na sticker! May shade pa ng black ang ngipin ni Alden.
"O, pasok. May space pa sa kwarto ng anak kong nasa abroad. Basta huwag niyong galawin 'yung gamit, ha?"
Dalawa na tao na ang nandito. Ngayon, lima na kami.
"Okay lang ba sa inyo ang banig?" tanong ni Tito.
"Oo naman po!" sagot ko agad. Sa Davao nga, minsan upuan lang ang tulog ko.
Pinagbigyan kami. May bentilador. Maluwag kami sa kwarto pero ang isip ko ay kung ano na ang lagay sa bahay.
Napatingin ako kay Ann habang nilalatag ang bag ko sa sulok.
"Pahinga lang tayo, tapos bukas hanap ka na work?" Tumungo naman ako kay Ann. Gusto ko talaga ang Janitress sa Makati na sinabi niya sa akin noong una, ang sabi naman ni Ervin, maghanap pa raw ako incase na hindi ako matanggap may na apply-an pa akong iba.
Pagkalabas ko ng bahay ni Tito Nonoy, ang tiyuhin ni Ervin, plano ko lang sanang bumili ng shampoo sachet sa tindahan.
Pero sa ‘di ko alam na paanong lakas ng tadhana, napatingin ako sa kabilang kalsada—may malaking bakery, kulay kahel ang pintura, may tarp sa harap na nakasulat: WANTED: PANADERA / PANADERO – ALICE BAKERY
Parang may spotlight na bumaba mula sa langit.
Lumapit ako agad.
Nang mapakilala ko ang sarili ko ay ito agad ang tanong sa akin. "Miss, marunong ka magmasa?"
"Gamay lang, Teh. Marunong ko gamay—pero willing to learn ko!" Saka ko nalaman na taga-Davao rin siya. Kaya agad nalapit ang loob sa akin.
Tiningnan niya ang damit ko. Tiningnan ang katawan at tumango.
"Start ka bukas. 5:30 AM. Puti ang suot ha. Malinis."
"Salamat gyud, Ate Alice!"
Kinabukan ay excited na ako! Sa aming tatlo ako na ang nakahanap agad ng trabaho.
Naka-puting T-shirt ako.
Busy ang mga tao sa bakery. May amoy pandesal sa hangin at tunog ng kalansing ng barya sa kahera.
Habang nag-aayos ako ng tray, may kumatok sa salamin ng mga bagong bake na tinapay. Isang lalaking may suot na helmet at backpack. Pawisan. May singko sa kamay na ikinatok niya sa salamin para tumunog at nagpapahiwatig na bibili.
Sa excited ko ay agad akong nagtanong. “Ano po ‘yon?” Ang tigas ng tagalog ko!
"Miss, magkano putok mo?" Diretso ang tanong. Walang hiya-hiya.
Kumunot ang noo ko.
Hala ka, nabebenta pala ang baktol dito?
Tiningnan ko ang kilikili ko. Maayos. Walang amoy. Dry. Malinis. Pinilit ko pa amuyin ang sarili ko.
Negative.
Tumingin ako sa kaniya, pero seryoso siya. Talagang bibili siya no’n? Grabe! Kung nandito lang ang kapatid ko, baka mayaman na kami!
"Sir... bibilhin niyo po ba?"
"Kaya nga ako nagtatanong."
"Sure po kayo?" Tanong ko pa muli.
"Magkano nga? Iplastic mo, ha." Agad akong nataranta. Wala akong putok, wala akong ilalagay sa plastic!
Napatingin ako sa katabi kong babae na naglalagay ng iba pang tinapay sa salamin.
Lumapit ako sa kaniya at inamoy ang kili-kili nitong ikinagulat niya. “Ginagawa mo, be?” Takang tanong sa akin ni Ate.
Nang mapagtanto kong mayroon siyang putok ay sumigaw ako kay Sir.
"Sir... okay lang sa kaniya na lang na putok?. Sa 'kin kasi, wala talaga, Sir. Dapat pala hindi ako naligo, Sir.” Sambit ko.