Habang naglalakad sila ay gusto niyang mang-usisa kung paano maging isang boss si Clint. Kasi halatang ilag at takot ang empliyado nito sa kanya ayon sa obserbasyon niya. “Hmmm, mabait bang boss si Clint?” pag-uumpisa niyang mang-usisa. Bumadha nang pag-aatubili sa mukha ng babae kung sasagutin ba ang tanong niya o hindi. Ngunit naramdaman siguro nito na naghihintay pa rin siya ng sagot kaya napilitan itong magsalita. “M-mabait po si Sir Clint, Ma’am. Iyon nga lang may pagka-istrikto talaga siya. Ayaw niya nang babagal-bagal pero ang nagustuhan naman po namin sa kanya ay iyong pagiging generous niya. Lalo na po tuwing kapaskuhan,” sagot nito. Napakunot-noo siya sa narinig. “Gano’n ba? Mabait din pala siya kahit paano,” tanging tugon niya sa kawalan nang masabi. Hindi na siya ulit nagt

