Marahan na haplos ang gumising sa'kin. I slowly opened my eyes and saw my husband. Ngumiti siya agad nang makitang gising na ako bago binaba ang kamay niyang nasa mukha ko. "Good morning, baby," he whispered, huskily. I smiled back. "Morning, love," bati ko pabalik bago sumiksik sa katawan niya. Sinubsob ko ang mukha sa dibdib niya at mahigpit siyang niyakap. I felt him kissed my hair. "Still sleepy?" marahan na tanong niya. Marahan din akong tumango at mahigpit siyang niyakap. "Hmm…" I mumbled. "let's stay like this for awhile." "Okay," mahinang sabi niya bago muling hinalikan ang hubok ko. "mamaya mo na lang ako ipag-bake ng cupcakes." Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Muli akong nagmulat ng mata at nakakunot ang noo na tumingin sa asawa. "Tuloy pa rin ba 'yon?" tanong ko.

