Kinabukasan nagising ako dahil sa alarm clock na sinet ko dahil maaga ang alis namin ni Beau. Uuwi na kami sa Pilipinas. 6:30 AM nang tumayo ako sa kama at naligo na. After I took a shower, I immediately put my clothes on and went outside the room with my luggage. White v-neck t-shirt, red jacket and high waist from Mango and white sneakers. Malamig dahil maaga pa kaya sakto lang itong suot ko. Nakita ko agad si Beau na paakyat sa ikalawang palapag ng villa. Nakaayos na rin siya. Nakasuot siya ng black denim pants at white long sleeve shirt na nakatupi hanggang siko niya. "Ako ng bahala sa mga 'to," sabi niya at kinuha ang luggage na dala ko. "Salamat!" He just nodded and grabbed my two luggages. Marami kasi akong nabiling mga pasalubong para sa pamilya niya at pamilya ko. I even brou

