(PAULA’S POV) Talagang nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kotseng mabilis ang takbo papalapit sa akin. Halos magmura ako nang wala nang isang dangkal at talagang babanggain na ako ng kotse. Inis na inis akong tumingin sa kotse. Mayamaya pa’y bumukas ang pinto ng kotse at iniluwa ang bulto ni Dakido. Ang sarap nitong sakalin ng kawang. “Gusto mo ba akong patayin, ha?!” tanong ko sa lalaki at halos lumaki ang butas ng ilong ko. “Kung balak kitang patayin! Dapat noong unang kita ko pa lang sa ‘yo, babae. Umalis ka sa daraanan ko dahil nagmamadali ako!” Pasigaw na utos sa akin ng lalaki. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Ganoon-ganoon lang ‘yon? Pagkatapos akong takotin at halos maihi ako sa kaba. Bigla ko tuloy nahawakan ang aking dibdib dahil sobrang lakas pa rin

