(PAULA’S POV) Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao habang nakatingin kay Dakido! Ano’ng nangyari sa utak nito? Malala na siya. Agad kong inagaw ang bulaklak na hawak ni Dakido. Aba! Binili ko ‘yon tapos basta na lang nitong kukuhanin ang aking magandang bulaklak. “Binayaran ko ang bulaklak na ito, hindi mo ito puwedeng kuhanin, Mr. Dakido! Kung gusto mo rin ng bulaklak, aba! Bumili ka ng sa ‘yo! Ang mahal-mahal nang bili ko sa bulaklak na ito! Hmmm! Puwede naman, ngunit bayaran mo na lang itong bulaklak, saka sampung libo rin ito. Ang dami mo pang sinasabi, eh, gusto mo talaga nitong bulaklak, dinahilan mo pa si Mr. Xavier!” Sabay lagay ko sa kamay nito ng bulaklak. Ngunit biglang kumunot ang aking noon dahil tiningnan lamang nito ang bulaklak. Parang namamagnito pa yata ito sa b

