Naramdaman ko ang sakit ng balikat ko dahil sa malakas na pagkakahampas sa akin ni Mama gamit ang payong. Ngunit wala akong pakialam kung masaktan ang katawan ko. Dahil ang mas masakit ay ang puso kong nagkapira-piraso dahil sa ginawa ng sarili kong Ina. At gusto ko ring alamin ay kung bakit tinawag ni Mama na anak si Ruffa, mukang hindi nito alam na peke lamang ang mukha nito. “Mom! Siya ‘yong sinasabi ko sa ‘yo naa gusto akong patayin. Bigla akong nakaramdam ng natakot, MOMMY!” Umiiyak na sabi pa ni Ruffa sa aking Ina, ngunit wala namang luha ang babae. “Tita Hasie, alam kong hindi mo ako matandaan. Ngunit huwag kang magpaloko sa babaeng ‘ya. Hindi mo siya anak!” Mariing sabi ko. Pinilit kong hindi maiyak sa harap nito at baka mahalata ako. “Si Ruffa lang ang anak ko! Kaya puwede ba

