Agad kong kinuha ang bote ng alak at balak ko sanang ihampas sa ulo nito nang magsalita si Kapitan Mamboro. “Huwag, please! Pangako, magpapadala ako ng tulong sa mga nasunugan, pasensya ka na, wala naman kasing nag-report sa akin may sunog pa lang nangyayari. Pasensya na talaga!” pagmamakaawa ng lalaki. Gusto ko naman itong murahin. Paano nito malalaman ay busy ito. Naku naman! "Sige, ang gusto ko ay ngayon mo sila padalhan ng pagkain, tiyakin mong mabibigyan silang lahat. Ngunit kung hindi ka sumunod sa pangako mo. Susunugin ko ang bahay at ang dalawang groceries store mo—” Agad kong inilagay sa katawan nito ang maliit na device. Malalaman ko rito kung sumunod ito sa pinag-usapan namin. “Oo, papadalhan ko na sila ka agad ngayon din—” Agad ko itong binitawan. Ngunit agad kong inumang a

