Gusto kong magmura nang naramdaman ko ang sakit ng aking likod. Ngunit hindi ako basta magpapatalo sa hayop na nilalang na humampas sa likuran ko. Ngunit mabilis kong kinuha ang aking kutsilyo nang maramdaman kong biglang gumiwang -.giwang angkotse. Agad kong sinaksak ang ibabaw ng kotse upang hindi ako mahulog. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang maramdaman kong balak na naman akong hampasin sa aking likuran ng taong nasa likod ko rin. Pero hindi ko na hahayaan na maulit ang paghahanap sa akin. Mabilis akong umikot habang nakatihaya at nakalapat ang likod ko sa bubong ng kotse. At agad ko ring inangat ang aking kamay na may hawak na kutsilyo at walang pakundangan na sinaksak ko ang paa nito. Maliksi ko ring itinaas ang aking paa paitas at buong lakas kong sinipa ang lalamunan ng

