Agad kong kinabig ang aking kotse papunta sa bar. Dali-dali kong isinuot ang aking facemask upang hindi makilala ang aking mukha. Pagkatapos ay mabilis akong lumabas ng sasakyan para sundan ang taong nakita ko. Walang kahirap-hirap naman akong pumasok sa loob ng bar. Agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Hindi ako puwedeng magkamali si Mr. Akol ang aking nakita. Ngunit gusto kong magmura dahil hindi ko na ito makita sa buong paligid ng bar. Hanggang sa lumapit na lang ako sa bartender para mag-order ng alak. Subalit kitang-kita nang mabilis kong mga mata ang inilagay sa aking inomin ng bartender. Aba! Aba! Ano ‘yon? Mukhang may mga kagagohan na nangyari rito sa loob ng bar. Agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Ngunit nakikita kong parang mga naka-high ang mga tao

