Parang pinagpawisan ako ng malapot habang nakatingin sa lalaki. “Hayaan mo muna akong magpaliwanag sa 'yo, Dakido—” “Magpaliwanag ka na, ngayon din, Paula!” malakas na sigaw ni Dakido. At talagang halos mabingi ako. Pero bigla akong napatingin sa pinto habang tuloy-tuloy na pumasok ang secretary ng lalaki. “Excuse me, Mr. Dakido. Pero ang Ama mo na si Mr. V, ay agad na isinugod sa ospital ngayon –” Mabilis na tumakbo si Dakido. Nilagpasan niya lang talaga ako. Hindi man lang niya ako pinansin o kahit magpaalam man lang sana sa akin, ngunit hindi 'yon ginawa ni Dakido. Nagkibit balikat na lang ako. Naiintindihan ko naman si Dakido kung bakit nagagalit siya sa akin dahil hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Pagbalik ko, ipapaliwanag ko kay Dakido ang lahat- lahat. Sa ngayon, kailangan k

