Talagang sobrang higpit nang pagkakahawak ko sa bakal na kulungan at hindi ako bumitaw rito. Kitang-kita ko naman ang galit ni Xavier habang patuloy akong hinihila nito para ilabas na rito. May dahilan ako kaya ayaw ko pang lumabas. May mga tao pa akong kakausapin dito sa loob. Ngunit masyadong epal ang lalaking ito. Bigla na lang susulpot para ilabas ako ng kulungan. Hayop naman talaga, oh! “Ano ba! Ayaw ko pa ngang lumaya sa kulungan na ito, masarap ang buhay ko rito kaysa sa labas. . . Sa labas kasi ay hahanap pa ako ng kakainin ko. Kaya rito na lang ako sa loob. Ipakulong mo na lang ako ng apat na taon!” Sigaw ko sa lalaki. At pilit na kumawala mula sa pagkakahawak nito sa akin. “Hindi puwede ‘yon, Gurauten. Alisin mo muna ang sumpa mo sa akin, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin

