(PAULA’S POV) Lalo akong napangiwi dahil sa aking narinig na tinuran ni Dakido. Teka nga muna, bilang ba ng Doggy-Doggy na ito ang bigas niya? Anak na palaka naman, oh! Ang galing naman ng lalaki ito. Hanggang sa muli kong narinig ang iba pang sasabihin nito sa matandang kausap nito. “Nagtaka rin po ako sa ayos ng upuan dito sa hapagkainan, wala na po siya sa tamang pwesto. Kung tama ang aking hula ay naghugas pa nang pinagkainan ang akyat bahay!” narinig kong anas ni Dakido at nasa boses nito ang galit para sa akyat bahay na ako naman talaga at nagtatago rito sa ilalim ng lababo. Pero sa totoo lang ay ang sarap tumawa ng malakas. “Sige po, Sir. Dakido, dadaan muna ako riyan bago umuwi sa province—“ “Hindi na po Manang, tumawag lang po ako para itanong kung nagluto ka po kanina. Ako n

