Hindi ka agad ako nakapagsalita at parang may bara sa aking lalamunan ng mga sandaling ito. Kahit si Dakido at parang nawalan din ng boss dahil sa tanong dito ng kanyang Ama. Hanggang sa tumingin ako sa ama ni Dakido na si Mr. V. Kahit kabado ay kailangan kong magpaliwanag sa Ginoo. Upang hindi ito mag-isip ng kung ano-ano sa amin ni Dakido.. “Mr. V- Pasensiya na po, ngunit hindi ako ang nobya ni Mr. Dakido. Ang totoo pa niyan ay sumakit ang aking ulo kanina kaya pinahiga muna ako ni Mr. Dakido rito sa kama niya—” Agad na paliwanag ko sa Ginoo. “Dakido anak, totoo ba ‘yon?” biglang tanong ni Mr. V sa kanyang anak. “Yes, Pa.” Agad na tumalikod ang lalaki para iwan kami ng ama niya. Nakita ko namang nagbuntonghininga si Mr. V. “Sayang akala ko’y magkakaroon na ako ng manugan! Ngunit a

