Dali-dali akong sumakay ng aking kotse. Mabilis kong pinalitan ang ibang plate number ang sasakyan ko. Pagkatapos ay mabilis ko nitong pinatakbo papalayo. Bigla naman akong napatingin sa side mirror ng kotse ko ar nakita kong nakasunod ang tingin nito sa aking sasakyan. Mabuti na lang at mabilis kong napalitan ang plate number ko. Pagdating sa aking bahay ay agad akong nag-alis ng damit, hanggang sa panty at bra ko na lang ang naiwan. Ngunit gusto ko pang uminom kaya nakaubos pa ako ng isang bote. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na akong bumagsak sa ibabaw ng kama. Hindi naman nagtagal ay tuluyan akong nilamon ng karimlan. Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay ng aking cellphone kaya nagising ako. Nang tingnan ko ang aking cellphone ay nang lalaki ang mga mats ko nang makita ko si Dakido.

