Ang magandang ngiti na ibinigay ko sa lalaki at talagang sinuklian din nito ng matamis na ngiti. Balak ko sanang magsigarilyo nang biglang agawin ni Lared ang isang stick ng sigarilyo na hawak ko. Biglang sumama tuloy ang timpla ng aking mukha. Parang gusto ko tuloy manapak. “Hindi nababagay sa isang katulad mong magandang babae ang magsigarilyo, hindi magandang tingnan.” Sabay tapon nito ng sigarilyo sa basurahan. At mas lalong sumama ang tingin ko sa lalaking kaharap koi. Ngunit nagulat ako nang biglang pisilin ni Lared ang kabilang pisngi ko. Balak ko na sana itong tabigin nang-- “Lared---!” narinig ko ang malakas na sigaw ng lalaki. Walang iba kundi si Dakido. Mabilis akong nagpaalam kay Lared para bumalik sa loob ng V- Private Detective, dahil ayaw kong makausap si Doggy-Doggy, nas

