Kakatapos lang mag coffee ni Austine nang maubos na rin ang ang ginawang sandwich ni Lorraine, kaya naisipan nito na hugasan ang tasa at platong ginamit n'ya dito. Pa simpleng sinusulyapan ni Lorraine si Austine mula sa kanyang mini kitchen. "Mukhang wala pa 'tong balak umuwi ah, busy busy pa kasi kakapindot ng kanyang cellphone. Gusto ko na sanang matulog dahil pagod ako, pero paano ko nga ba ito paalisin? Saka hindi ko pa rin alam kung anong mayroon kami," bulong ni Lorraine sa kanyang isip habang patuloy na sinusulyapan si Austine na nanatiling nakaupo sa sofa at busy pa rin kakapindot sa cellphone. Kakatapos lang maghugas ng mga pinag kainan ni Lorraine ng may mga kamay na biglang pumulupot at yumakap sa kanyang bewang. "Austine!" Halos mapa iktad si Lorraine sa kanyang kinatatayu

