"Bakit para akong kinakabahan na ewan? Hindi ko maintindihan ang puso ko, kanina pa kabog ng kabog," bulong ni Lorraine sa kanyang isip. Nasa conference room sila ngayon at pinatawag ang lahat ng nasa iba't ibang department kabilang si Riza na HR nila at may mahalaga raw anunsyo si Mr. Mendoza. "Riz, ano sa palagay mo, anong mahalagang anouncement ang sasabihin ngayon ni sir. Mendoza?" tanong ni Lorraine sa katabing si Riza. "Ewan ko Rain, hindi ko rin alam baka importanteng bagay, maybe ganun," tugon ni Riza. "Hmmmp siguro? Ahmm.. Riz, may kilala ka bang may initial na S.A. A. K ?" muling tanong ni Lorraine kay Riza. "Hu! Bakit? Wala eh," pagtatakang tanong ni Riza. "Kahapon at kanina kasi may nagpadala ng 3 rose sa akin may quotes pang kasama. Ang cute nga eh, kaso 'yun

