Knock... Knock... Malalakas at sunod-sunod na katok sa office ni Austine ang kanyang narinig, kaya napatigil ito sa kanyang pag babasa ng ilang mga folder na nakalatag sa kanyang table. "Come in," pagod na saad ni Austine. "The magnigicient Austine Kient, masyadong busy yata ang Mr. CEO," saad naman ni Markus na agad umupo sa harapang upuan ni Austine. "Anong masamang hangin at napadpad ka dito bro?" seryosong tanong ni Austine habang patuloy itong nagtatrabaho. "Gusto ko lang e-remind ka about sa ating boys night out mamaya. Baka kasi mamaya n'yan hindi ka na naman sumipot," tugon ni Markus. "Tssssk.. Oo, darating ako," pangiti ngiting at pailing-iling si Austine sa kaharap n'yang kaibigan. "Are you sure? Eh, mula nang bumalik ako ng Pilipinas naka ilang tawag na ako sa

