"Anak, how are you? How's work? Bakit parang malungkot ka?" sunod-sunod na tanong ng ina ni Austine ng makita ito na wala sa mood habang papasok ng mansyon. "Its ok mom, everything is ok," tugon ni Austine at napahalik pa ito sa pisngi ng ina. "Hmmp....Hindi ako naniniwala, you look unhappy why? Is it MISS LORRAINE?" may diin na tanong ng ina ni Austine sa kanya na tanging simpleng ngiti at tango ang kanyang ganti. "Hmmmp... Something bad? Sige na kwento ka na sa akin." Hinaplos ng ina ni Austine ang pisngi nito saka hinala at pinaupo sa kanilang mahabang sofa. "Manang Carmen prepared meryenda may mahaba kaming pagkukwentuhan ng baby bunso ko," utos ng ina ni Austine sa kanilang katulong. "Mom... Stop calling me baby bunso, look binata na ako at remember I am now the CEO of Mendoz

