CHAPTER 3

1815 Words
NARAMDAMAN ni Alex ang init ng presensiya ni James nang tumigil ito sa harapan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang biglang nagkaroon ng commotion sa loob ng dibdib niya nang mapatingin siya rito. Ganito ba talaga ang feeling kapag nakaharap mo ang crush mo? Malay ba niya. First crush niya si James at first meeting din nila. Ang nakapagtataka pa, may kung anong pamilyar na damdamin ang lumukob sa puso niya. She cannot explain. But there was something familiar about this man. Gayong ngayon nga lang niya ito nakita sa personal. “Hindi mo ba alam kung ano ang nangyari sa loob ng dalawang oras na paghihintay ko sa’yo?” muling untag sa akin ni James sa tono na walang ka-emo-emosyon. Pakiramdam ni Alex ay lalong dumoble ang kaba niya. Hindi lang sa malamig na pakikitungo nito sa kaniya. But she was also shaken by the way he looked at her. Kahit masungit ito kung magsalita, hindi pa rin nawawala ang ganda ng mga mata nito. Kalma ka lang, Alex. Kaunting-kaunti na lang at mahahalata ka na ng fiancé mo. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Nakahanda na ang isasagot niya kay James nang maunahan siya ni Mang Jopoy na nasa bungad pa rin ng pinto. “Pasensiya na ho kayo, Sir James,” magalang na sabat nito. “Kasalanan ko ho kung bakit nahuli ng dating si Ma’am Charlotte. Naipit ho kasi ako sa traffic sa EDSA kanina,” paliwanag ng driver. Kunot ang noo na sinulyapan ni James si Mang Jopoy. “Next time, agahan n’yo na ho sa pag-alis para hindi kayo ma-late sa mga pinapagawa ko. Dahil simula ngayon, ayaw ko na ng late. And do what I say kung ayaw n’yo hong mawalan ng trabaho.” Kagat ang labi na napailing siya dahil sa pagsusungit din ni James sa mabait na driver. Hindi kaya kabaligtaran nang sinabi ni Mrs. Guanzon na mabait daw ang fiancé ng kapatid niya? Pati na rin ang pagkakakilala niya rito sa screen? Naaawa na napatingin si Alex kay Mang Jopoy. Halata rin sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa sinabi ng amo. Bakit parang hindi pa ito sanay? “P-pasensiya na ho kayo, Sir James. Hindi na ho mauulit.” Mayamaya ay yuko ang ulo na umalis na ang driver nang paalisin ito ng amo. Kunot ang noo na hinarap uli ni Alex si James. “Bakit mo naman ginawa ‘yon kay Mang Jopoy? Hindi mo ba alam na napakabait niyang tao?” Hindi niya napigilan na komento dahil awang-awa siya sa driver. “Hindi niya deserve ang ipahiya nang gano’n.” “He’s my driver, not yours. Sinasabi mo ba na mas kilala mo pa siya kaysa sa’kin?” katuwiran nito na parang nang-uuyam at sarkastiko ang boses. “Puwede mo siyang saluhin kapag sinesante ko.” Sa sandaling iyon ay parang umakyat ang dugo sa ulo niya. Maling-mali nga talaga siya ng pagkakakilala rito. Baka rin sinabi lang ni Mrs. Guanzon na mabait itong fake fiancé niya para pumayag siya. Dahil sa inaakto nito ngayon, daig pa nito ang lalaking nire-regla. Lihim siyang napakuyom. Ang gag*ng lalaking ito! Sayang lang pala ang paghanga ko sa kaniya. Wala sa character ni Alex ang pumayag na sungit-sungitan lang ng isang lalaki. Pero kailangan niya iyong pigilan dahil ayon sa mga nalaman niya, isa sa mga kaibahan nila ni Charlotte ay ang pag-uugali. Palaban si Alex habang weak naman ang character ng kapatid niya. Sunod lang ito nang sunod sa ano mang sasabihin ng mga magulang. At gano’n din daw kay James. Mahirap man, ngunit kailangan na maging gano’n din si Alex sa loob ng isang buwan. Hindi naman siguro siya mahihirapan dahil kung may ipinagkaiba man sila ng attitude ni Charlotte, may similarity din naman sila. At ‘yon ay ang pagiging sweet. “Sorry na. Huwag na tayong mag-away, please? It’s my fault,” hingi na lang niya ng paumanhin kapagkuwan. Lumapit siya rito at balak sana niyang humalik sa pisngi nito. Gano’n daw kasi ang gesture ni Charlotte sa tuwing nagkikita sila ni James. Pero natigilan siya nang titigan siya ng lalaki. Hindi naman ito umimik. Sinuklay lang nito ang buhok gamit ang mga daliri. “Just don’t do it again,” he answered irritably. Tumango lang su Alex. “Ahm, okay… hon.” Muntik na siyang mautal sa huling sinabi. Natatandaan niya na ‘honey’ raw ang tawagan ng dalawa. Pero mukhang si Charlotte lang naman ang nag-e-effort. Dahil wala palang kalambing-lambing sa katawan ang fiancé nito. Akala ko pa naman suwerte na ako dahil makakasama ko sa loob ng isang buwan ang dream boyfriend ko. Malas pala! Umangat ang gilid ng labi ni James at napailing habang nakatingin kay Alex. Sinalubong naman niya ang titig nito. Kumunot ang noo niya when he saw him smirked. “Why, hon? May problema ba?” nagtatakang tanong niya bagaman at nilangkapan niya ng lambing ang sariling boses. Pinakatitigan lang siya nito sandali hanggang sa tumalikod na ito. “Sumunod ka na lang sa’kin sa dining room. Kanina pa naghihintay ang pagkain,” malamig na sabi nito habang tuloy-tuloy na naglakad patungo sa sinasabi nito. Kaya ba siya naiinis sa’kin dahil pinaghintay namin ang pagkain? Sana nga gano’n lang ang dahilan ng pagsusungit nito ngayon. Sana totoong mabait ito para hindi mahirapan si Alex sa pagpapanggap. Ang hirap umarte kapag ganito ka-strikto ang taong kaharap mo. Baka ultimo pagkisap ng mga mata niya ay bantay-sarado nito. Mabilis na sumunod siya kay James. Agad siyang kumapit sa braso nito nang mahabol niya. Ramdam ni Alex ang pagkatigil nito sandali. Nagsalubong pa ang mga kilay nito nang lingunin siya. “Don’t be mad na, please? Ipagtitimpla na lang kita ng coffee.” Isa naman iyon sa expertise niya. Ang paggawa ng brewed coffee. At iyon ang panuhol niya sa kaniyang ama kapag nagtatampo ito sa kaniya o kaya ay kapag may gusto siyang hilingin. “I don’t drink coffee. It’s bad for my health.” She inhaled his manly scent and her body reacted. “No. It’s not. If it’s brewed with a paper filter. Mas delikado kasi ang unfiltered coffee—” “Stop explaining. Ipagtimpla mo na lang ako kung gusto mo.” A smile curved her lips. HINDI niya napigilan ang mamangha na naman sa paligid nang makarating sila sa dining room. Sumisigaw ito sa karangyaan! Ilan ba ang nakatira sa bahay na ito at twelve-seater talaga ang dining table? “Good morning po, Ma’am Charlotte. Kumain na po kayo ng almusal,” anang boses ng matandang babae mula sa kaniyang likuran. “Nakahanda na po ang mga paboritong pagkain n’yo.” Nakahanda na rin ang ngiti sa mga labi ni Alex nang lingunin niya ang nagsalita. Nakilala niya ang boses nito na si Manang Lily, ang mayordoma sa bahay na ito. Pati kasi ang boses ng mga taong posibleng makakasalamuha niya ay pinarinig din sa kaniya ni Mrs. Guanzon. “Good morning din po, Manang Lily. And thank you,” malambing na sabi niya. “Kumain na rin po kayo.” “Maraming salamat ho, Ma’am Charlotte. Pero mamaya na ho kami kakain pagkatapos n’yo,” nakangiting tugon nito. Napatingin si Alex sa suot na relo. “Pero past nine AM na po. Baka malipasan naman ho kayo ng gutom,” aniya nang tumingin uli rito. “Busog pa naman ho ako, Ma’am Charlotte. At saka, hindi ho magandang tingnan na mauuna pang kumain ang mga kasambahay kaysa sa amo nila.” Nakangiti pa rin si Manang Lily. Wala namang bitterness sa boses nito. “Tawagin n’yo na lang ho ako kapag may kailangan pa kayo, Sir James. Babalik na ho ako sa kusina,” anito nang sumulyap sa amo. Lumingon siya kay James at nahuli niya na sa kaniya ito nakatitig imbes na sa mayordoma. Pero wala siyang mabasa na kahit anong emosyon sa mukha nito. Umiwas na lang siya ng tingin at hinarap uli si Manang Lily. “Sige po. Thank you po uli.” Saglit na namayani ang katahimikan sa paligid nang maiwan silang dalawa ni James. “That's what I'm telling you,” may himig iritasyon na sabi nito kapagkuwan. “May taong magugutom dahil late ka na dumating.” Pagkatapos niyon ay tumalikod na ito at lumapit sa dining table. Hinila muna nito ang isang upuan bago umupo sa kabisera. Saglit namang napatitig si Alex sa likod ni James. Gentleman naman pala kahit masungit. At saka, may care din naman pala ito sa mga katulong. “Ipagtitimpla muna kita ng kape, hon. Susundan ko lang sa kitchen si Manang Lily,” paalam niya. Hindi ito sumagot kaya umalis na siya. Dahan-dahan lang siyang naglakad para makabisado niya ang paligid hanggang sa makarating na siya sa kusina. Nakita niya ang nakatalikod na mayordoma. “Manang Lily, nasaan ho ang kape n’yo? Igagawa ko ho sana ng brewed coffee si James, eh,” magalang na untag niya rito. Nilingon naman siya nito pero may pagtataka sa mukha. “Igagawa n’yo ho ng brewed coffee si Sir James?” Kaya siguro parang hindi ito makapaniwala dahil hindi nga raw nagka-kape ang fiancé niya. “Para maiba naman ho ang breakfast routine niya,” depensa na lang ni Alex. Parang naguguluhan pa rin na sumunod ang mayordoma. “Sige ho, Ma’am Charlotte. Pero tulungan ko na kayo.” “Huwag na ho!” mabilis na sagot niya. “Kayang-kaya ko na ho!” may pagmamalaki na dagdag pa ni Alex. Hindi na niya nakita ang lalong pagkalito sa mukha ni Manang Lily. Ilang sandali pa ay abala na si Alex sa pagfi-filter ng kape. Naisalin na niya sa tasa ang tapos na nang maramdaman niyang may papalapit na mga yabag sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumingon. Muntik na niyang malulon ang sariling dila nang magtama ang mga mata nila ni James. Nagtiim ang bagang nito. Why does he seem so mad at her? Para namang hindi nito girlfriend si Charlotte kung umasta. “I’m almost done, hon.” Hindi na lang niya pinansin ang kakaibang reaksiyon nito. Sa halip ay mas nilambingan pa niya ang boses. “Wait mo na lang ako sa dining.” Hindi sumagot si James. Tumingin lang ito sandali sa kaniya. Saglit silang nagtitigang dalawa bago siya nito nilagpasan. Sandaling itinigil ni Alex ang ginagawa at sinundan niya ng tingin ang fiancé. Kumunot na naman ang noo niya nang kumuha ito ng tasa at iniabot kay Manang Lily. “Paki-timpla nga ho ako ng gatas. Pakilagyan na rin ho ng mas maraming malamig na tubig.” Bahagyang umawang ang bibig ni Alex. Kaya ba ayaw nito ng coffee dahil mas gusto nito ang malamig na gatas? “Para naman palang baby ‘to!” hindi napigilan na bulalas niya na ikinalingon sa kaniya ni James kaya nabitin ang muntik na niyang paghagikhik. “What did you say?” matigas ang boses na tanong nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD