"What? Sinabi mo sa kanya ang lahat, Ariella?" bahagyang galit na turan ni Alonzo sa kanyang fiance. Pansin ko naman na naiiyak ang babae bagama't mukhang galit si Alonzo sa kanya. She's also shaking. Hinawakan niya sa braso ang lalaki. "Yes, Hon...Sinabi ko kay Gary na step-sister mo si Jade at nagpapanggap siya ngayon na mayaman para pagtakpan ang totoo nilang identity ng mama niya." Yumuko si Ariella nang napamura si Alonzo nang malutong. "This should be a secret between my family and you. Bakit mo pinagkalat sa iba?" buong-buo ang boses ni Alonzo. Nakakakilabot kung pakinggan. "Pinsan ko si Gary at kaibigan mo siya. Alam mo namang mapagkatiwalaan mo siya. Hindi ba? Mula bata, magkasama na kayong dalawa. So, bakit hindi niya pwedeng malaman?" "In this world, I don't trust no on

