Sa bandang huli hindi ko pa rin nasabi kay Mama ang tungkol sa pagkasisante ko sa trabaho at pagkawala ng scholarship ko. Ayaw kong sirain ang magandang araw niya. Bukod sa excited siya na makilala ako ng lalaking papakasalan niya. Hindi rin ako handa na mamoblema siya sa nangyari sa akin.
Sa totoo lang, wala din naman akong tiwala na magseseryoso si Mama sa isang lalaki. Wala ring nagseseryoso sa kanyang lalaki. Bukod sa cheating ang dahilan, palagi rin siyang sinasaktan. Kapag naman mas mahal siya ng lalaki, siya naman itong umaayaw na sa lalaki.
Nature na yata kay Mama na paiba-iba ang lalaking nakakasama niya. Kaya kung saan siya magiging masaya, susuportahan ko ito kahit pa sa kauna-unahang pagkakataon ikakasal siya sa isang mayamang lalaki na hindi ko pa nakilala.
"Tapos ka na ba sa pag-aayos anak?" tanong ni Mama sa labas ng kwarto.
"Malapit na po, Ma."
Ngumuso ako sabay tingin sa suot ko ngayon sa harapan ng salamin. Nakasuot lang naman ako ng isang maiksing red silky dress. Medyo labas ang dibdib ko, pinaresan ko lang ito ng sandals na isang high heels na may 3 inches ang haba.
Si Mama ang bumili sa akin nito. Branded at mamahalin ang presyo nang makita ko ito. Binigay niya sa akin ang dress kagabi kasama noong mga pinamili niyang mga mamahalin rin na damit na nakasilid sa mga paper bags.
Ang sabi niya sa akin pinag-shopping daw siya ng kanyang boyfriend na si Enrico at bumili na rin siya para sa akin.
Hindi ko akalain na magsusuot ako ng magandang dress para lang sa gabing ito. Hapit masiyado ang silky bodycon dress sa katawan ko. Bumagay talaga sa body figure na meroon ako. Nilugay ko lang ang straight at itim kong buhok. Naglagay lang din ako ng face powder at lipstick. Hindi ako masiyadong maalam sa make up kaya simple lang talaga ang ginawa kong pag-aayos sa sarili.
"Jade, nandiyan na ang kotseng susundo sa atin. Bilisan mo na diyan!"
Nagmadali ko namang sinuot ang earrings na binigay rin ni Mama sa akin. Isang pearl iyon.
Nang matapos lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Mama na maayos na rin ang suot nito. Masiyado itong sopistakada sa suot niyang backless white dress. Halos lumuwa na rin ang kanyang dibdib. Nakatali ang kanyang buhok at may suot rin siyang hair clips para gawing bunn ang style nito.
As usual mapula ang kanyang labi. Mahaba ang takong na bumagay sa kanya. Marami siyang suot na alahas sa kamay, sa daliri, at leeg. Lahat ng suot niya ngayon gawa sa totoong gold. Kumikinang ang ganda niya.
"Ang ganda mo, iha. Nagmana ka talaga sa akin," komento niya. Sinuyod niya ng tingin ang buong suot ko pagkatapos ngumiti na siya. "Gusto kong umayos ka roon at maging magalang ka sa anak ni Enrico at tratuhin mo rin ng maayos ang magiging step dad mo."
"Step dad?" taas kilay kong tanong. "I'm not ready to call him a dad, Ma."
"O siya...Ikaw na ang bahala sa kung ano'ng gusto mong itawag kay Enrico. I want you to be a good girl. Huwag mo akong ipahiya."
Bago kami bumaba ni Mama sa apartment may binigay muna siya sa aking gold necklace na may cross pendant at sa cross na iyon may silver na maliliit na kumikinang.
"Pinag-ipunan ko ito kaya alagaan mo ang kwentas na iyon. That's my pure hardwork, iha. Malapit na ang birthday mo kaya advance gift ko na lang ito sa'yo."
Hinimas ko ang pendant ng kwentas nang matapos niya itong isuot sa leeg ko. Napangiti ako sa kanya subalit na gustuhan ko ito.
"Tara na...Baka naghihintay na sa atin si Enrico."
Tumango ako saka kami nagpatuloy sa paglabas ng apartment. Pagkalabas namin ng gate. Nakita ko agad ang pick up truck sa labas. May lalaking lumabas doon. Nakasuot ng itim na suit. May suot rin itong earpiece na kinabit niya sa tenga.
"Good evening, Ma'am. Ako po ang maghahatid sa inyo sa bahay ni sir Enrico," pormal na sabi ng lalaki saka kami pinagbuksan ng pintuan sa backseat.
Ngumuso ako dahil naninibago pa rin ako sa lahat ng ito.
Habang nasa byahe panay sulyap ako kay Mama. Kalmado lang ito sa upuan at makikita mo talaga na excited din itong makita niya si Mr.Enrico. Pinilit ko ring pakalmahin ang sarili at hinayaan na lamang na bumyahe kami malayo sa siyudad.
Dumaan kami sa malapad na kalsada na tanging mga poste ang makikita. At klaro ko sa bintana ang liwanag ng siyudad na nagsisilbing ganda ng view sa tabi ng kalsada.
Parang nasa hills na kami, halos kita ko na ang buong siyudad. Ramdam ko rin ang grabeng lamig ng aircon. Until we stop in front of a gigantic gate.
May mga lalaking nakatayo roon. They were wearing a black suit kagaya nitong driver, they have earpiece. Tiningnan nila ang kotse pagkatapos diretso na sa pagpasok sa loob ng malaking gate. Base on their appearance, mukhang bodyguard ang mga ito.
Kumunot ang noo ko subalit ngayon pa lang ako makaka-encounter ng bahay na grabe ang seguridad. Maraming bodyguard sa bawat madadaanan namin.
Malapad ang kalsada at wala na akong makita kundi ang plain na paligid na puro grass. May mga puno rin, may mga taniman na naka trim at maayos ang korte. I saw a lot of fountain too.
Tiningnan ko si Mama at maski siya klaro ang pagkislap sa kanyang mata sa bawat nakikita namin sa paligid. Nagsusumigaw ng kayamanan ang Mr.Enrico na ‘yun. Hindi ito basta-basta.
"Unang beses mo bang pumunta dito, Mama?" tanong ko sa kanya.
"Oo anak...Hindi ko naman akalain na sobrang yaman talaga ni Enrico. Nalaman ko rin na malalaki ang Company niya. Marami din siyang negosyo at may charity. Grabe, ang swerte natin, iha. Kung matutuloy man ang kasal namin. Panigurado, dito na rin tayo titira."Humagiik pa ito.
Tumingin ako sa bodyguard na kasalukuyang nagda-drive. Kalmado lang siya sa harapan at mukhang hindi nito binigyan ng kahulugan ang narinig galing kay Mama.
Kahit madumi man ang trabaho ni Mama alam kong hindi niya ako ipapahamak sa mga plano niya. Sa mga salita pa lang ng ina ko halatang matagal na niyang pangarap na magkaroon siya ng asawa na magugustuhan niya at aahon sa amin sa kahirapan.
Panget man pakinggan pero alam kong gusto lang maging praktikal ni mama. Sana lang din talaga magustuhan ko ang ugali ng lalaking pinili niyang makasama.
Mukhang ito na yata ang pinakamayamang naging boyfriend ni Mama kung sakali.
"Nandito na po tayo, Ma'am." Huminto ang kotse sa tapat mismo ng malaking Mansyon. Puno ng ilaw ang paligid at makikita mula rito sa labas ang glass window. Kita muna ang eleganteng bahay na minsan mo lang makikita sa tanang buhay mo.
Kahit nakatingin lang ako rito sa loob ng kotse. Humanga na agad ako sa nakikitang disenyo ng Mansyon. Hindi ito basta-bastang modernong exterior. Halatang pinag-iisipan talagang gawin ang Mansyon sa mas maganda at maayos sa paningin ng tao.
Bumaba kami ng kotse ni Mama. Pareho kaming nakanganga sa malapalasyong bahay na ito. Mas nakita ko ang kabuuan nito nang makalabas kami.
Humawak agad ako sa braso ni Mama dahil pakiramdam ko, maliligaw ako rito kung hindi ako susunod sa kanya.
"Pumasok lang kayo sa malaking pintuan na iyan at may maids ang bubungad ho sa inyo. Dadalhin kayo sa dinning area kung saan naghihintay ang boss." Tinuro ng bodyguard ang malaking pintuan. Higanti din iyon. Magkasing haba ng gate.
Naglakad na kami ni Mama papasok. Dumaan muna kami sa hagdanan bago kami nakarating sa pintuan. Nang nasa tapat na kami ng higanting pinto, bumukas ito nang malaki at laking gulat ko nang may maids na bumungad sa amin.
Mga nasa anim na maids iyon. They are wearing uniforms. Naka-form in line sila habang kaharap ang pinto. Nakayuko din ang mga ito. At sa harapan ng anim na katulong may isang babae na may edad ang naiba sa kanilang suot. Ngunit alam mo na agad na siya ang head master sa anim na maids.
"Welcome home po, Ma'am. I'm Cresilda, mayordoma sa bahay na ito. Pumasok kayo sa loob. Naghihintay na po si Don Enrico sa inyo."
Malaki ang ngiti niya sa amin. Sumunod kami sa kanya at halos malula na naman ako sa ganda ng interior sa loob. Kung gaano ka ganda pagmasdan ang labas. Siguro five times ang kinaganda sa loob.
Maraming chandelier, maraming magandang disenyo na bumagay sa kulay ng bahay. Sobrang maaliwalas, matataas din ang kanilang mga kurtina. Maraming mga palamuti, kagaya na lang ng vase, mga abstract art sa dingding, may tanim na naka display.
Hindi ko na maisa-isa sa pagtingin ang buong bahay dahil sa lawak nito. Dumiretso na rin kami sa magarbong hallway patungo sa dinning area.
May malaking pintuan kaming hinintuan. Binuksan iyon ng mayordoma. Pagkabukas nito. As usual bumungad na naman sa amin ang mataas na ceiling at chandelier. Sa gitna nun, may mahabang lamesa na pwede nang pagdausan ng pyesta. Pinalibutan ito ng upuan. Sa pinakadulo nakita ko ang isang lalaki na may edad na at dalawang lalaki naman sa tabi nito.
"Della, you finally here." Agad tumayo ang lalaking may edad sa kanyang upuan para salubungin kami ng beso ni Mama.
Pakiramdam ko nanliit ako sa mga oras na iyon habang nakatingin ako sa lalaki. Tama nga si Mama, may edad man ito pero bata pa ring tingnan. Gwapo pa rin sa kanyang edad. Pormal ang suot na black suit, maayos sa pagdepina ang kanyang buhok.
"Enrico, pasensiya na kung natagalan kami." Humalik agad si Mama doon kay Enrico pagkatapos niyakap niya ito.
Humalakhak lang ang lalaki. "Nothing to worry, Hon...Siya na ba si Jade?" Baling naman nito sa akin.
Ngumiti ako rito nang sinuyod niya ako ng tingin.
"Yes, Enrico... She's my only daughter. Her name is Nikaella Jade Salvierra." My mother proudly represents me.
"Hello po," sabi ko sabay yuko. Hindi ko alam ang gagawin. I felt really soffucated. Hindi ako sanay na makipag-socialize sa mayamang tao. Si Mama lang talaga itong marunong dahil sanay na sa mga costumer niya.
"You're so beautiful, iha. Nagmana ka sa Mommy mo...Are you half or something?"
"I told you...Kano ang ama ni Jade. That's why she's very beautiful like me." Humalakhak si Mama.
Pilit naman ang ngiti ko. Sa oras na iyon nanginginig na ako.
Base sa kwento ni Mama sa akin. May boyfriend daw siyang American noon pero hindi nag work ang relasyon nila dahil maraming babae daw ang totoo kong ama kaya nilayasan siya ni mama.
"I see...Kaya pala. Pwede siyang maging model sa tindig niya. A side from being beautiful. Matangkad rin ang anak mo."
"Salamat po," tanging nasabi ko.
"Just call me tito Enrico, iha. I'm glad to see you today."
Natigil ang usapan nang makarinig kami ng tikhim sa likuran. Agad na alerto ang lalaki nang maisip niyang hindi lang pala kaming tatlo ang nandito sa dining area.
"Oh, I almost forgot. Nandito pala ang dalawang anak ko...." Ngumiti sa amin si tito Enrico.
I guess... That's what I called him from now on. Mas comfortable pa ako kay sa tawagin ko siyang Daddy. It's too awkward for me.
"Both of you, have a seat." Inalalayan kami ni Tito Enrico sa upuan. Katabi niya si Mommy at ako naman na upo ako one seated a part sa isang lalaki na anak ni Mr.Enrico.
Tahimik lang ang dalawang anak nito. Pasimple ko silang tiningnan. Both of them are good looking, iba-iba ang kanilang karisma. Ang isa bata pa lang. Siguro nasa teen pa lang ang edad habang itong nasa gilid ko na lalaki parang ka edad ko lang. He's more mature and very charismatic. Seryoso din ito. He is currently eating slowly on his food while the other man in front of us. Busy sa kanyang cellphone.
"I would like to meet you my youngest son...Krill Zavion," saad ni Tito Enrico. Iyong pinakabata ang pinakilala niya. "Krill, meet your tita Della and this is your ate Jade."
Tumigil sa pag gamit ng phone ang batang si Krill. Bahagya siyang tumingin sa akin gamit ang blangkong tingin. Mas nakita ko ngayon kung gaano ito ka gwapo sa simpleng ekspresyon lang. Mapungay ang kanyang mga mata. His cheekbones were kind of diamond shaped. His jaw is perfect on his facial. Ngunit makita mo ang kanyang pagka suplado.
"Seriously dad, should I call her ate? I didn't dream of having one." Tumaas ang kanyang kilay pagkatapos tinuon agad ang kanyang atensyon sa hawak na cellphone.
"Will you stop using your phone, son. We're at the table," reklamo ng kanilang Daddy. "And please respect our guests."
Tinigil rin naman nung Krill ang pag gamit ng phone. Tinago sa kanyang tabi pagkatapos kumain na ito.
"I'm sorry Della...Krill is just fifteen years old. Alam mo na, matitigas ang ulo ng mga kabataan ngayon," tito Enrico said.
"Walang problema sa akin, Enrico." Tumawa naman si Mommy.
"Oh...And this is my second son..." Pinakilala niya sa amin ang lalaking katabi ko na kanina pa tahimik habang kumakain sa hapag. "His name is Bruce Nixon..." dagdag ni Tito Enrico.
Nang balingan ko ang lalaki na may Bruce ang pangalan. Kunot ang kanyang noo. Walang makikitang ekspresyon sa kanyang itsura. Tanging side view lang ang nakikita ko. Matangos ang kanyang ilong, meroon siyang hard expression na hindi mo agad kayang iwasan kapag natitigan mo na.
I really felt a dead air on us lalo na nu'ng umimik itong si Bruce.
"I'm not happy seeing you with another woman, Dad. Ilang babae pa ba ang ipakilala mo sa amin?"
Bahagya akong natigilan sa baritono niyang boses. Agad naman akong kinilabutan nang titigan niya ang kanyang ama sa matalim na tingin. Habang kalmado naman si tito Enrico.
"I told you...She is my last woman, iho. Pangatlo pa lang si Della ang pinakilala ko sa inyo."
"I bet...pera na naman ang habol ng babaeng ‘yan sa inyo! Katulad ng mga nagdaang babae na pinakilala niyo sa amin," saad ni Krill sabay iling ng kanyang ulo. "Limang taon pa lang patay si Mommy. Gusto niyo na agad palitan."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Masiyadong mainit ang usapan rito at wala akong masabi. Tahimik akong nakikinig sa usapan nila.
"Kilalanin niyo muna ang tita Della niyo bago niyo siya husgahan. Hindi pera ang habol niya sa akin...Kung hindi niyo ako kayang e respeto. Mas mabuting umalis kayo sa pamamahay ko!" Sindak na ang naging boses ng kanilang ama.
"Hon, I understand them...Huwag na kayong mag-away. Naintindihan ko ang trauma ng mga anak mo. Natural lang na makaramdam silla ng galit sa akin. Hindi lang siguro sila sanay," sabi naman ni Mama. Pinapakalma ang katabi.
"Tsk...Ayaw ko lang bastusin ka ng mga anak ko, Della."
"Hayaan mo na... Kumalma na kayo...Nga pala...Akala ko tatlo itong anak mo, Enrico. Nasaan na ang panganay mo?" pag-iiba ni Mama sa usapan.
Kumunot naman ang noo ko... Tatlo ang anak niya?
"Oo nga nasaan ang kuya niyo? Bakit wala pa siya rito!?" tanong ni Tito Enrico.
Saktong pagkasabi niya nun nang biglang bumukas ang malaking pintuan ng dining area at pumasok ang lalaking matangkad, makisig, maputi, matangos ang ilong at malakas ang karisma kagaya ng dalawang lalaking nandito.
"Nandito na pala si kuya e..." sabi naman ni Krill. "Kayo na ang mag-usap dalawa."
Kinurap ko ang mga mata habang pinagmasdan ko ang lalaking nakapamulsang naglakad palapit sa lamesa. Tila tumigil ang paghinga ko nang magtagpo ang tinginan namin. Ang suot nitong longsleeve polo ay mas tumingkad ang kulay ng kanyang balat. Kumunot ang noo niya sa akin.
"What's going on here?" tanong ng kadarating lang na lalaki. Iniwas niya ang tingin sa gawi ko at binaling niya kay Tito Enrico. Tinapunan niya ito ng malamig na tingin.
"Bakit ang tagal mong dumating Alonzo? Where are you from?" tanong ni Tito Enrico.
"May tinapos lang akong meeting... What's happening here? What's the urgent meeting?" sunod-sunod niyang tanong. "And who are they, dad?" Baling niya sa akin at kay Mommy. Mababakas ang galit niyang itsura. "Another woman of yours? Dalawa pa talaga!?"
I can't get my eyes away from him. Parang familiar ang boses niya, maski ang pangalan nito.
Alonzo? I think I heard it somewhere.
"Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang tita Della niyo...We will have our wedding next month. Gusto kong tratuhin niyo siya ng tama. Parte na sila ng pamilya natin magmula ngayon... That's her daughter Nikaella Jade Salvierra ." Tinuro ako ni Tito Enrico. Namula ako sa mga oras na iyon. Buong oras yata tameme ako sa gilid. "Della...Iha, that's my eldest son...Alonzo Gavriel."
"Hello po sir." Yumuko ako bilang pagbati. Ayaw ko namang magmukhang bastos. Hindi ko rin alam ang itatawag sa kanya.
"This is ridiculous, Dad! I won't accept—" Hindi na natapos ang sasabihin nitong si Alonzo nang sumingit ang kanyang ama.
"As I have said... Magiging pamilya na natin si Della at si Jade. One of this days... Magpapakasal na kami at magiging parte na sila ng Arandiego."
Parang lalabas ang puso ko sa kaba nang marinig ang apelyido ng pamilyang ito.
Arandiego?
Inangat ko ang tingin sa lalaking panganay at ganoon na lang ang gulat ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Alonzo. Kumulubot ang kanyang noo, matalim ang titig sa akin. Tagis ang kanyang bagang.
Kahit nag-uumapaw ang kaba sa puso ko. Hindi ko maiwasang hangaan ang kanyang itsura. Kahit galit ito...Iba ang hatak ng karisma niya.
"Hindi ko matatanggap na may ibang tao ang maninirahn sa pamamahay natin...Not them, not with trash people," mariin niyang sabi na para bang ako ang pinagsasabihan niya nun.
"Iho! You're being disrespectful!" Tumayo si tito Enrico. "Humingi ka ng tawad sa mga pinagsasabi mo!"
"I won't do that. Hindi ko matatanggap ang dalawang babaeng ‘yan. Hindi ko hahayaang may dadagdag na palamunin sa bahay na ito!"
Suminghap ako at ramdam ang panginginig ko. Sa puntong iyon...Nakilala ko agad na siya ang lalaking nagsisante sa akin sa pinagtatrabahuan kong Company....He is the CEO...He is my boss. He is a heartless man.