“Inaantok na ako,” reklamo ko kay Revas dahil ala-una ng madaling-araw ay nakikipag-usap pa siya sa ilan sa mga bisita ni Asher at nang pamangkin nito. Masakit na rin ang paa ko dahil halos magdamag na akong nakasuot ng sandals na may takong. “Hindi pa ba tayo uuwi, Rev?” “Inaantok ka na ba?” “Kanina pa.” “Okay, sige. Magpapaalam lang ako sa kanila,” sabi niya sa akin bago siya tumayo para lapitan si Asher. Napatingin pa si Asher sa akin habang kinakausap ito ni Revas. May itinuro ito na kung ano kay Revas na sinagot naman ni Revas ng tango bago siya lumapit sa akin. “Let's go.” “Uuwi na ba tayo?” “We will stay at Asher's house for the meantime.” “Malapit lang ba rito ang bahay niya?” “Yes.” “Okay. So, tara na?” Tumango si Revas at inalalayan akong maglakad palabas. Sa sob

