Nakauwi na ako sa bahay at tina-transfer ko nga sa record book lahat ng nakalista sa papel na pangalan namin.bilin kasi ni sir yun bago ako umuwi."Luna,how was the first day of school?naging maayos naman ba?mama said.nang hindi ko namalayan nakapasok na pala sa kwarto ko.Yes ma,madami rin akong naging friends.ngiting sagot ko."buti naman kung ganun.pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo bumaba kana at kakain na tayo...sige po..at bumaba na nga si mama.tinuloy ko nadin ang pagsusulat at malapit ko naman ng matapos.Pagkatapos ko ay bumaba narin ako kumakalam na kasi talaga ang tyan ko gutom nadin ako.naupo na ako at yun kumain na nga kami.
Tapos na akong kumain at umakyat na ako ulit at nag shower bigla pumasok aa isip ko ang sinasabi ni anne kaninang nasa CR kami.pero winala ko nalang iyon at nagpatuloy.paglabas ko ng banyo ay nahiga na agad ako.at diko namalayang nakatulog na pala ako.buti nalang at may alarm clock ako na siyang gumising sakin.Nakabihis na ako at nakakain narin isasabay nalang ako ni mama pero hindi na siya papasok ng school.okay na yun kesa maglakad.
Nasa tapat na naman ako ng school.huminga ako ng malalim at saka nagpatuloy sa paglalakad patungong second building,pagpasok ko sa room ay nag uusap usap ang mga kaklase ko kung sino daw ba magiging kalaban ni shiela.Oo nga pala ngayon pala ang campus election.pero ayaw ko na maki alam jan iboto ko nalang kung sino ang karapat dapat.basta ayaw ko dun sa bruha."Luna tara na.hila sakin ni sam papuntang labas..Huh! Eh kakapasok ko palang lalabas na naman tayo?-punta tayo sa gym dun nandun na lahat ng mga istudyante at tayo nalang ata wala...sige at nagsilabasan na nga kami at nagtungo sa gym.nandun na nga ang mga ibang mag aaral pero madami pa naman nagdadatingan.buti nalang at may naupuan pa kaming apat kahit medyo siksikan na."Okay everyone, listen, choose the one who deserves to be voted for our campus president.sabi ng MC mukang bakla rin katabi niya rin sa harap si sir alvin at mga iba pang guro.
Karamihan ay puro shiela ang naririnig naming pangalan syempre siya na ang naunang naisukat sa malaking blackboard sa harap.at sumunod naman ang trisha ang pangalan at yung nica."Anyone else?We need one more,sigaw ulit ng MC..nakita kong kanina pa nakatingin sa akin si anne.alam ko na kung anong pinapahiwatig nito,napaisip ako sa mga sinabi niya sakin.kaya kahit ayaw ko.humugot ako ng lakas at saka sinabi sa kanila na sabihin nila ang pangalan ko.Nagulat pa ako ng biglang nagsisisigaw si mikay sa tabi ko."Sir si Luna Cruz"..sir si luna cruz.paulit ulit na sigaw nito medyo may kalayuan nga kami sa harap.pero narinig naman kami ni sir alvin at ng MC kaya agad akong pina baba.hindi ko alam kung tama lang ba ginawa ko.medyo nakaramdam kasi ako ng kaba habang papunta sa harap.napansin ko ngang nakatingin sakin ang bruha na tila kinakain na ang dugo't laman loob ko sa sobrang talim at nanlilisik na mga mata.inirapan ko nalang siya at tumabi kay nica."Who wants to vote for shiela? Sigaw ulit ng MC,madaming bumoto kay shiela kaya ang alam ko talong talo na talaga ako.madami silang may gusto kay shiela kaya lahat kada section nandun ang kanilang adviser para mabilang kung ilan ang bumoto sa section nila.naming lahat pala."Okay next..Who wants to vote for trisha?-sakto lang ang bumoto sa kanya..Who wants to vote for nica?-ganun din kay nica sakto lang...alam na kasi namin na binili ni shiela ang boto ng ilang mag aaral."OKAY..Who wants to vote for Luna?a new student of NVU?sigaw ni sir MC.at nagulat nga ako ng ang daming magtayuan at naghiyawan.kasama pa dun ang mga classmates kong maiingay.halos section B lang ang naririnig ko.wala panalo na ako haha.natalbugan ko ata yong queen bee nila.kahit kabang kaba ako kay tumingin parin ako kay shiela.kanina pa pala nanlilisik ang mata.gusto na ata bumuga ng apoy ang bruha na toh.."Okay everyone listen..we have a new president and I hope he can fulfill his role as president.natutuwang sambit ni sir MC.Ang Haba ng oras na naituon namin dahil sa campus election at natapos rin iyon.tuwang tuwa nga ang mga kaibigan ko dahil napalitan na si bruhang shiela as campus press nila.Luna,ang galing galing mo talaga buti nalang at ikaw ang nanalo hindi yung isa.natatawang sabi ni sam na naka yakap sakin.Oo nga Luna congrats.sabay namang sabi ni anne at mikay..Thank you guyz.sa support niyo sakin...naku!ikaw pa kaibigan mo kami kaya support kami sayo at pumasok na kami sa room para kunin ang mga baon namin.balak kasi naming kumain sa canteen."What did you do para manalo ka?binayaran mo sila no?-Don't talk to me like that why would I do that?..kasi mandaraya ka.nandaya ka."It's not my fault if they want me to be the campus president and not you...How dare you talk to me like that you don't even know me.naiinis na sabi nito sabay turo sa mukha ko."I don't care who you are, we are just the same students here at NVU,at baka nakakalimutan mong ako na ang pumalit sa pwesto mo.I am your new campus president you should respect me,nakasimangot kong sagot sa kanya.inirapan lang niya ako at umalis na siya.Guys tara na kain na tayo nagutom ata ako dahil sa bruha na yun nakangiting sabi ko sa mga kaibigan ko.at pumalakpak lang sila sa akin na ikinatuwa ko naman.
Tara na kainan na..kailangan mong magpakabusog luna para may lakas kang sagot sagutin si shiela,patawang saad ni mikay.habang kumakain nga kami ay nagtatawanan kaming apat na para bang shunga lang.Hoy!ang iingay niyo ah.sabi ng diko naman kilalang basta nalang naupo sa harap namin.Ramrammmm..sigaw ni mikay.si ramram pala ito ang gwapo niya nga pero dugong bughaw kasi.sayang lang...Siya pala si ramram.-yes ako nga.and congrats natalo mo yung bakekang sa pagka president huh..lakas din ng kapit mo.pabirong sabi nito.naikwento na siguro nina sam ang about sakin kaya,para bang matagal na kaming magkakilala kung umasta pero okay naman yun sa akin gustong gusto ko na may kaibigan akong beki maingay parang lata pero masaya naman kasama.'Luna is that you?tinig ng babae sa likod ko.napatingin ako kay mikay at sininyasan akong humarap sa likod,nagtataka ako andito rin pala sina angel mga dating kaibigan ko.classmates pala.A-Angel andito din pala kayo?By the way mga kaibigan ko pala.Hi.agad na bati ni sam.nginitian lang naman nina angel sina sam mikay at anne."Sabi ko na ikaw nga yung nakita ko kanina sa harap akala kasi namin namamalik mata lang kami-sabi ni mark na boyfriend pala nitong si jenny.Sige guys mauna na kami luna.pagpapaalam ni angel samin at umalis na sila pagkalayo nila saka nagtanong sina samantha sakin."Luna are you okay?pag aalalang tanong ni anne sakin. "ah oo..o-okay lang naman ako.tara na balik na tayo sa room at agad ko ngang kinuha ang bag ko at naglakad papuntang room ni hindi ko na pinansin kung nakasunod ba sina mikay sakin o hinde."Mukhang hindi okay si luna..bakit kaya ganun ang reaksiyon niya kaninang kaharap niya yung angel nayun?mikay said.tara na sa room luna need us saad naman ni sam..****
'BAKIT parang malungkot ata ngayon ang campus president natin,hindi kaba masaya o nakokonsyensya ka kasi hindi ka naman dapat nanalo-"B*tch...can you pls stop!I don't have time to joke with a witch like you so get out of my face now.sigaw ko sa kanya.hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at bigla nalang kumulo ang dugo ko sa bruha na yun.How dare you para tawagin akong b*tch,at saka niya ako sinabunutan.dahil sa init at kulo ng dugo ko pinatulan ko siya..Stop it! Pasigaw na tinig ng lalaki si cedrix iyon at hawak niya ang kamay ni shiela."Why me? Siya ang nauna.inis na sagot nito.' I saw everything you did earlier at the gym shiela,Do you want me to tell you one by one?-Why are you on her side?..
I'm not on her side and especially she didn't pay,just to win as our campus president.I know na alam mo yan shiela.kunot noong paliwanag nito.Bakit parang nabigla ako.pinagtanggol ako ng isang prince charming.hay nagkakalat na naman ang mga imagination ko.pero sa totoo lang nag tatalon ang puso ko medyo kinilig ata.bulastog nga si cedrix pero may pagka gentleman din naman pala minsan.pero hindi ko siya crush ah nagwapuha lang talaga ako sa kanya. "BOTH of you sit down!pagdadabog ni sir alvin nasa room na pala siya.ibig sabihin nakita niya kami?"Luna very proud ako kasi sa section na ito galing ang campus president pero inumpisahan mo na kaagad mahinahon na ang pagkakasabi ni sir habang nakatingin sakin.syempre lilinisin ko pangalan edi sumagot ako..
Sorry sir,hindi kasi matanggap ni shiela na natalo siya kaya niya ako inaaway paawa effect kong sabi.tumahimik na kayo.So ngayon home room officers naman ang i elect natin.1.,2,3,go nominate na kayo.sigaw ni sir habang naka tayo sa harap.
"SIR I RESPECTFULLY NOMINATE LUNA CRUZ FOR PRESIDENT."pasigaw na sabi ng lalaking papasok palang sa pinto.
"OH!kelvin kamusta ang bakasyon?naka ngising tanong ni sir.kelvin pala ang pangalan niya pero bakit niya ako kilala?"hello sir namiss kita nakangiting sabi niya at dumeretyo patungo sa tabi ni cedrix.siguro tropa rin siya niya,matipuno at gwapo rin siya katulad ni cedrix parehas silang matangos ang ilong at maputi."luna stand up..yes sir..who else? Syempre kalaban ko na naman si bruha..Okay ngayon unahin natin si shiela.sinong may gusto kay shiela?.at tumayo ang limang kaibigan ni shiela nagtaka ako bakit lilima lang?ayaw naba nilang maging homeroom president si shiela?luna halika kana dito sa harap at ikaw na magpatuloy pagtatawag sakin ni sir na agad ko namang pinuntahan.si cedrix nga ang naging vp.ko at si shiela ang ginawang secretary.pinahirapan pa talaga nila tagasulat sa blackboard napapatawa nalang ako mag isa sa harap dahil kay shiela ininis ko pa nga lalo ito at tinawag ko siya sa harap para siya ang mag sulat nanlilisik nga siyang tumingin sakin,pero sinunod parin niya padabog na inagaw sakin ang chalk at eraser."eww i can't do this,pag iinarteng sabi niya.ang arte arte mo kaya mo yan ikaw pa.inis na sagot ko.Tapos na nga at uwian na namin.gusto ko narin magpahinga kaya nag paalam na ako kina sam.ganun din sila sakin.Nag commute nalang ako hindi ko kasi makita si mama baka kasi nasa office pa siya kaya umuwi nalang ako.pagkarating ko ng bahay at wala pa nga ang kotse ni mama kaya buti nalang at nauna ako baka kung hinintay ko pa ay gagabihin talaga ako.Oh! Luna andyan kana pala bungad sakin ni nanay lita.dumeretyo nalang ako sa kusina at nagtingin kung ano ang pwedeng makain. May nakita akong na slice na apple at kumuha ako sabay alis patungong kwarto ko.Hindi pa ako nakakapag palit ay humiga nalang ako pumasok sa isip ko ang nangyari kanina samin ni shiela.hindi talaga si shiela ang naalala ko kundi yung pagtatanggol sakin ni cedrix.bumangon ako at tinapik tapik ang pisngi ko.bakit ko ba naaalala mukong na yun.para yun lang gentleman na baka gentle dog lang.
Luna kain na tayo baba kana dyan pagsisigaw ni nanay lita mula sa baba.hindi na nga ako nagpaligoy ligoy at bumaba na ako.andun na din pala si mama na mukhang pagod galing sa trabaho."Ma.ako ang campus president sa NVU ang ako din ang homeroom president.pagbabasag ko ng katahimikan."Talaga?at ngumiti lang ito.nagtataka ako bakit hindi ata masaya si mama,hindi na nga ako umimik at baka pagod lang talaga si mama kaya wala siya sa mood.pagkatapos ko kumain ay umakyat nako at pumasok sa kwarto ko.nakahiga ulit ako at iniisip bakit walang reaksyon si mama kanina..may ginawa na naman ba ako?dahil ba sa nakipag away ako sa school?pero dapat sinabi na niya sakin yung kung nalaman niya.may may ibang dahilan.haysss pasigaw na sabi ko..nauuhaw nga ako at nagmamadali akong bumaba ng may marinig ako sa kwarto ni mama na tila may kausap siya "Masaya na siya wag mo na siyang paki alaman.tila nangingiyak na sabi ni mama pero hindi ko nalang pinansin yun at dumeretyo ako sa kusina at uminom
"You left us and then you want to take luna from me,rinig ko pang sabi ni mama ng paakyat na ako sa hagdan.pumasok ako sa room ko at naupo saglit nag iisip kung sino ang kausap ni mama.si papa siguro yun pero bakit niya ako kukunin?hindi.ayoko dito lang ako kay mama napahiga nalang ako ng tumutulo na pala ang mga luha ko...