CHAPTER 1 (Zyrene’s POV)

1245 Words
Napahilot sa sentido niya si Zyrene. Kanina pa niya inaayos ang mga data sa documents na ginagawa niya pero hanggang ngayon hindi pa rin iyon nag t-tally. Frustrated na inilapag niya ang calculator na ginagamit niya kanina pa.   She looked at all the documents presented to her. Lalong napakunot ang noo niya nang mabasa niya kung ilan ang tons sa transaction documents ng mga delivery trucks. Kinuha niya iyon at tinitigan. Apat lang ang mga trucks na nag q-quarry ng mga bato mula sa excavation sites. Kaya hindi dapat lalagpas ng 2 tons ang nakukuha nila kada week, sa pina-process ng bawat machines.  Hindi kasi basta madadaya ang tons na nakukuha sa quarry site pero pwedeng madaya ang total produce kapag nilagyan na ng ibang factors. She can’t help but to think that the calculation for the total produce is being manipulated. Are the employees trying to make some kickbacks?   Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili niya. Ilang beses na bang nangyari ito simula ng naging operational manager siya? Minsan kulang minsan sobra ang produce na hindi naman nag a-align sa mga data. Pumikit siya saglit. Then she exhaled the breath she was holding.   Umiiling na pinindot niya ang intercom sa office niya, na konektado sa office ni Mr. Santos. “Mr. Santos. Pwede bang pumunta ka sa office ko. I have a few questions again regarding the data.”   She heard a rummaging in the other office. Tila nag mamadali pa ang lalake dahil narinig niyang may tunog ng nasagi na mga upuan. She rolled her eyes. Baka wala na naman sa station nito ang matanda.   “H-Hello Miss Vergara. P-Punta na po Miss.” Then he hung up.   Napatapik tapik siya sa lamesa niya habang nakasandal doon. Ilang minuto siyang nag antay na pumasok ito sa office niya. Agad niyang binigay dito ang papel. Nakakunot ang noo na tinitigan niya ito. She saw how the old man gulped.   “Can you explain to me. Why the data does not tally? Ayon sa delivery report natin we only have 4 delivery trucks. They can carry 1 ton per truck and since 5 kilometers lang ang site mula sa processing plant it will take 1 hour for the truck to go back and forth, and the site can accommodate 2 trucks. We have 8 hours of work and no over time, di ba? Meron tayong total count kung ilang beses lang nakapag deliver ang mga truck and that is 16 count in total.”   Nakita niya ang pag likot ng mata ng lalakeng kaharap. Umikot siya para maupo sa swivel chair niya. Matiim na tinitigan niya ito habang mag kasalikop ang mga kamay niya.   “Can you calculate Mr. Santos?”   Mabilis itong tumango. There was a bead of sweat in his forehead. He was also fidgeting with his fingers. “M-May ibang factors po na nakakaapekto sa-----“   “Don’t play me for a fool Mr. Santos.” Her lips were set into a thin line. “1 troy ounce is equal to 31.1034768 grams. High-grade underground mine has 8 to 10 grams per ton. Ipagpalagay na natin na ang average grade na meron tayo ay 9 grams per ton, and the metallurgical recovery per machine is 90%. Calculating for the required grams of gold in ore to produce 1 troy ounce is 31.10 divided by 90% is equal to 34.56 g. The required tonnage to be mined in order to produce 1 troy ounce is 34.56 divided by the average grade of 9 grams which is equal to 3.84 tons. We can produce 4.16 tons sa loob ng 16 count na delivery. Then why the hell my calculation wouldn’t tally? Even if the factors are considered hindi ganito kalaki ang kulang sa total produce sa data ng document na binigay mo. In fact, sobra dapat.”   “S-Sorry mam. It seems nagkamali po kami ng calculations. I-I will advise this to your father Miss.”   “You better be.”   Mabilis itong yumuko sa kanya at umalis sa office niya.   Napahilot siya sa sentido niya. Bakit ba hindi ito nakita ng dating operations manager? Matagal na ba itong nangyayari sa kumpanya nila? She needs to visit the site personally when she has the time. Tumayo siya. Pupuntahan na lang niya ang dad niya.   Baka nauubos na ang pera ng kumpanya sa mga kickbacks na ginagawa ng ibang employee, and her father isn’t even aware of this. Lumabas siya ng opisina niya. Hindi makatingin sa kanya si Mr. Santos nang dumaan siya, pati na ang iba nilang kasama na involve sa pag bigay ng documents na may discrepancy sa kanya.   Deri-deritso siyang pumunta sa office ng dad niya. Kumatok siya doon.   “Come in.”   Naka kunot pa rin ang noo niya ng buksan niya ang pinto at humarap sa dad niya. Agad ata nitong napansin ang pagkainis niya. Her dad chuckled a little.   “Ano na naman ang nangyari?”   “Can you fire Mr. Santos? Mali mali ang binibigay na data sakin. Ang bata ko pa dad para mamatay sa highblood.” She really felt so exhausted. Maghapon niya na kasing inuubos ang oras niya sa documents na binigay nito sa kanya. When she has so many pending documents to attend to.   “I think he is getting old, kaya mali mali na ang binibigay sayong data. Hayaan mo. Pag sasabihan ko. No need to fire the old man. He needs the money for his family.” Yumuko ito at may pinirmahan ulit na documents.   Napaikot siya ng mata niya. Her dad really was a sentimental man pagdating sa mga employees. Hindi ito basta basta nag f-fire ng mga tauhan nito. Unless it’s really necessary.   She chewed her bottom lip. But the thing that’s really bothering her is about the over produce of gold yet the calculations was totally off. “But dad. I think there is something going on here. Yung data. Marami tayong na produce na gold ayon sa machines yet pagdating sa calculations nagkakaroon ng discrepancy. Yung mga binigay sakin na documents. Ayon doon na m-meet lang natin ang quota.”   Nakita niya ang paghinto ng dad niya sa pag pirma. She smiled. Mukhang na gets na nito ang ipinupunto niya. Tuluyan itong nag angat ng tingin. “What you are trying to say Zyrene, …….is the employees are making a kickback sa kita ng kumpanya?”   She shrugged her shoulders. “Yeah. Why not. Si Mr. Santos he recently bought a car. Tapos, he was also rebuilding his house. Hindi ba yun resulta ng kickback niya sa kumpanya?”   His father smiled at what she said. Napangiti din tuloy siya. Maybe he was getting her point. But her smile fell with what he said next.   “I don’t think na magagawa yan ni Santos. He was loyal to me and the company.”     Pailing iling pa ang dad niya. Naalog ang balikat nito sa pag tawa habang pumipirma sa mga papeles na nasa harap nito. She scoffs. Bakit ba ayaw maniwala ng dad niya sa kanya?   “Bahala kayo dad. Basta binalaan ko na kayo.” Tumayo siya at umalis sa harap nito. Hindi siya nito inintindi. Napahinga na lang siya ng malalim habang palabas ng office nito. Siya ang anak pero hindi siya nito pinapaniwalaan sa mga sinabi niya. Kung ayaw nitong mag imbestiga siya na lang ang gagawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD