KASALUKUYAN akong nagpapahinga dahil katatapos ko lang maglaba. Um-absent na muna ako sa trabaho dahil para akong lalagnatin sa pagod, isabay pa ang pag-inda ko sa aking maselang bahagi dahil sa dalawang beses na pag-angkin sa akin ni Jerson. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang nadama ang sakit, na tila ba ramdam ko pa rin ang pagbaon ng kaniyang sandata sa akin. Habang nagpapahinga ay naamoy ko ang niluluto ni Jerson sa may kusina. Siya kasi ngayon ang nagluluto ng aming tanghalian. At sina Mama Jenina at Papa Benson naman ay maagang nagpunta ng kanilang fish pond, iyon kasi ang main source ng negosyo nila. At bago ang tanghalian ay napatanaw ako sa bintana ng bahay dahil may tumatawag mula sa labas. "Tao po, delivery po!" sigaw ng lalaking nasa labas. "Ay, wait lang po!" pasigaw ko ri

