Chapter 14

1440 Words

MABILIS NA tumakbo ang mga araw dahil dumating na ang pinakakakabahang araw ni Jerson, ang araw ng kaniyang board exam. Mabuti na lamang at natapat ng day off niya ang araw na iyon. Sadyang kay bilis ng mga araw dahil Setyembre na. Bago magsimula ang araw ay hinatiran niya muli ako ng almusal kagaya nang parati niyang ginagawa. "Good morning," pagbati niya at mabilis niya akong sinalubong ng yakap kahit na kababangon ko lang sa higaan. "Pampagana para sa exam," wika pa niya at kumindat pa siya dahilan para mapangiti ako. "Loko, halika na at sabayan mo na akong kumain," pang-aaya ko at napangiti rin siya. Agad kaming nagtungo sa may kusina upang magtimpla ng kape. At habang nagtitimpla siya ng kape ay hindi ko maiwasang mapatitig sandali sa kaniya. "Nakasanayan mo na talagang dito mag-a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD