Chapter 6

2079 Words
AIKO'S POV Nang makaalis si Dark ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding pagkapula ng dalawang tainga ko at ng magkabilang pisngi ko sa nangyari. Bwisit talaga 'yung taong 'yon! Bakit kailangan sa lahat ng taong naririto s'ya pa makakakita sa'kin na kinakausap 'yung sarili? Nakakainis! Bugnot na bugnot akong pumunta sa kwarto ko at pagbukas ko pa lang ng pinto ay may nakita na akong isang suit sa loob. Nakapatong 'yon sa sofa at nasa ibabaw ng suit na 'yon ay ang ipad ko. So, they're allowed to enter our rooms without our permission? Ang alam ko kasi ni-lock ko 'tong pinto bago ako lumabas kanina. They have access on our keys in every room? Or baka na'man high-tech 'to at isang pindot lang nila ay bubukas na agad? Kinunot ko 'yung noo ko. Don't they think that's pretty unfair for us, players? Wala ngang cctv sa rooms na'min, pero pwede silang pumasok anytime na gustuhin man nila? The game master's a little mous. You sneaky little bastard. Sinara ko na 'yung pinto pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto at dinampot na 'yung ipad ko para i-check kung ako ba ang magiging impostor kung sakali o hindi. Although may kutob na'man na ako na hindi ako 'yung impostor kasi nung sinubukan kong buksan 'yung vault na naririto sa kwarto ko, 'di ko magawa. Instead, na-kuryente pa nga ako no'n. But atleast 'di ba? I still have to check it for me to be sure na hindi ako 'yung impostor. I know wishing to not to be the impostor is pretty stupid of me, ayoko lang kasing maipit sa sitwasyon na hindi ko na'man kaya. Ang sabi sa mechanics ng laro, If you will be the impostor, you'll have to kill or exterminate atleast one of the participants of the game for the each of the rounds. Not until you get identified and revealed. Syempre, 'di ka na allowed pumatay pag gan'on. Ayokong maging mamamatay tao. And my twin is one of the participants. And If I will be the impostor, I have to kill him by any chance. At 'yun ang huli't huli kong gagawin. Speaking of getting identified and revealed as the impostor, what will happen to the impostor if we identified him correctly? Papatayin ba s'ya? Sa pagkakaalala ko, walang sinabi about do'n ang game master. "Oh well, not my problem anymore." wika ko. Siguro na'man 'di papatayin pag makilala bilang impostor ang magiging impostor. Ibinaling ko na 'yung tingin ko sa ipad at binuksan 'yon. VICTIM Guess I'm not the impostor. Napahugot ako ng malalim na hininga at may kalakasang binuga 'yon sa hangin. Good grief. In-off ko na 'yung ipad at napako na'man ang tingin ko sa itim na suit na nakapatong sa sofa. What is this suit for? Pinulot ko 'yon at inangat. It's a whole body suit. Pati 'yung sa ulong part ay covered. Ito susuotin na'min? Paano kami makakakita nito kung nakatakip lang 'to? Makakahinga ba kami dito? At tyaka 'di ba mainit 'to? Lakas talaga ng trip nung game master na 'yon eh, no? Adik na adik siguro s'ya sa among us kaya ganito pinag-iisip. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto, It's already 8:35 in the evening at 25 minutes nalang ay magsisimula na 'tong pinaka malaking kalokohan at katarantaduhang nalaman ko sa buong buhay ko. At pera lang ang puno't dulo. "Hay.. bahala na nga." saad ko at sinimulang ibuka ang zipper ng suit at ipasok ang sarili ko. Hindi na'man s'ya masikip. Tama lang at 'di ako nahirapang isuot 'yon. Nagulat ako nang masuot ko ang sa ulong parte ng suit ay may umilaw at sumulpot sa harapan. So this suit is high-tech? Ang nakikita ko sa screen ay ang nasa harap ko which is 'yung pintuan. Hindi na'man pala totally 'di makakakita pag suot suot ito. Even the temperature inside the suit is pretty cooling. Buti na'man, akala ko mas-suffocate na ako sa loob nito once na naisuot ko na. Napatigil ako sa pag-examine ng suit na suot ko nang biglang may magsalita sa bandang tenga ko. At first I thought na minumulto ako but it turns out that there's actually a small speaker as in small talaga sa bandang tenga ko. "Gather on the living area and wait until the game starts. Remember, when the timer starts clicking, you still have to act like nothings wrong. Act naturally. Goodluck, players." sabi nito. Alam ko nang 'yung game master 'yon kaya napairap na lang ako Binuksan ko na 'yung pintuan ng kwarto at nagsimula ng lumabas. Pagkarating na pagkarating ko sa living area ay nakita kong may iilan ng nauna roon. Pito na sila roon, ako ang pang walo. Ibig sabihin, may dalawa pang hindi nakakarating. Napansin kong naagaw ko 'yung atensyon ng iba sa kanila. Kung ikaw ang may suot ng suit na ito, hindi mo talaga mahuhulaan kung sino ang nasa loob ng iba pang mga suit. Kahit hubog ng katawan ay hindi mo mahuhulaan. This suit is pretty large just like the original game of among us. Ang pinagkaiba lang ay 'yung mga height na'min. But still, hindi mo mahuhulaan 'yung nasa loob ng ibang mga suit unless magsalita 'yon. Which is imposibleng mangyari dahil that's the most important rule of this game, do not speak or talk with each other. Naglakad na ako papalapit sa kanila at ang iba sa kanila ay iniwas na ang tingin sa akin. Pero may isa na nakatitig lang sa akin at hindi manlang iniwas kahit isang segundo 'yung tingin. It's player color white. Who's that by any chance? Si kuya ba? Or si Lili? Or baka na'man si Dark? Iniling ko 'yung ulo ko. Ang assumera mo Aiko! Bakit ka na'man tititigan no'n aber? Baka nga iniisip na no'n na may sayad ka sa utak dahil sa nangyari kanina. Tinuloy ko nalang ang paglapit sa sofa sa living area at hindi na tinitigan pa 'yung player na 'yon. 'Whoever that is, between lang kay Kuya or kay Lili 'yon.' bahagyang sabi ko sa utak ko. Wala pang limang minuto na pagdating ko ay s'ya na'mang pagdating ng natitira pang dalawang players. Nagsi-upuan kami sa harap ng isang malaking flat screen tv sa sala. Bumukas 'yon at iniluwa no'n ang mapa ng buong mansyon. "This map will be posted here in each of every rounds." biglang sabi sa screen. Bigla na'mang napalitan ng countdown 'yon at kitang kita na'min na limang minuto na lang, magsisimula na ang laro. Hindi ko man makita ang mga mukha ng mga kasama ko ay ramdam kong nakatitig din sila sa harap ng screen na 'yon. Ang iba ay may takot na nararamdaman, may iba na'mang nagagalak at ang iba ay kinakabahan. At ako? Lahat ng iyan ay nararamdaman ko ngayon. Maya maya pa ay tumunog na 'yon ng malakas hudyat na simula na ang laro. Naging 0.00 na ang timer sa screen. Naramdaman kong nanlalamig ang mga kamay at batok ko, hindi dahil sa cooling effect ng suit na suot suot ko kun'di dahil sa matinding kaba na nabuhay sa akin. Bumalik na sa screen ang naglalakihang mapa ng buong mansyon at ang iba sa mga kasamahan ko sa sala na 'to ay nagsimula nang magsi-alisan sa kani- kanilang mga pwesto. I have to act naturally. Tumitig ako sa screen at nakita roon ang library room na located dito lang din sa ground floor. Maybe I could go there to read some books? Iniling ko ang ulo ko. No, the last thing that I will do is to be alone. Parang sa among us game, If i'll be alone I'm giving the impostor a chance to attack me. Tama, tama. Yun nalang ang strategy na gagawin ko sa buong laro na 'to. I'll just have to stick with a group of people and the impostor will not have the chance to harm me. Siguro na'man naisip na 'din 'yon ni kuya. Wag sy'ang tatanga tanga, baka 'di s'ya tumagal dito. Tumayo na ako at sumunod sa ilang mga nakikita ko. Kung iisipin kong mabuti, I have to stick with groups na atleast 3 pataas ang numbers. Kung 2 lang kami, may tyansang ang makakasama ko ay ang impostor. Naglakad ako at sumunod sa nakita kong dalawang player na naglalakad. I think they're headed to the game room. Gusto ko pa sana pumunta sa library kaso baka ako lang ang naroon. Mapatay pa ako ng wala sa oras. I'm with pink and orange. Si pink ay may katangkaran at si orange na'man ay kasing tangkad ko lang siguro. Ang hirap talaga hulaan kung babae ba o lalaki dahil sa suit na ito. Speaking of suit, how can the impostor put his/her weapons or carry them kung 'yung suit ay ganito lang? Hindi kagaya sa among us game na there's a small shape like bag sa likod ng players na pwedeng paglagyan. Sa suot na'min? Wala. Siguro kukuhanin n'ya nalang lagi sa kwarto n'ya pag may naiisip na s'yang patayin? No, that will be too risky for him/her. Kung may naiisip na s'yang patayin I think he'll/she'll kill someone right away. Without a trace and in a clean way. Hindi na'man clean na walang dugo. Yung wala lang trace at makakahula na s'ya nga ang pumatay. Kung makapag isip ako dito 'kala mo ako 'yung impostor, lol Aiko. Nabaling ang tingin ko kay Pink na kasama ko sa silid na 'to. Pink is playing something called board game. Maybe I can join her? No, not possible. Bawal nga palang ma-involve sa kahit na sino sa mga participants ng laro. Napatingin na'man ako kay Orange na naglalaro ng billiard. I can't really think of something kung babae ba 'to o lalaki. Hindi lang na'man lalaki ang may kakayahang maglaro ng billiard. Guess I should start thinking of what to do to kill my boredom. 'Wow, Aiko. May gana ka pa talagang ma-bored sa lagay na 'to na anytime pwedeng may mamatay at magkalat ang dugo sa sahig?' my inner self said. Lumapit na lang ako sa isa sa mga claw machines dito sa game room at nagsimulang maglaro. I don't need to put coins in here to play, automatic na s'ya. Pwedeng pwede maglaro anytime. Nalibang ako sa kakalaro kaya 'di ko na namalayam ang oras. Nakakuha ako ng apat na bears, ang saya! Ngiting ngiti pa ako habang bitbit bitbit ang apat na bear na na-panalo ko at tumingin sa likod. Nawala ang ngiti ko nang mapansing Ako nalang at si Pink ang naririto sa game room. Wait, ilang oras akong naglaro at talagang 'di ko manlang namalayan na lumabas na si Orange?! Lumingon ako kay Pink. She's still playing that board game. Nakatalikod s'ya sa gawi ko. Oh no. I'm in trouble. What if s'ya ang impostor and I'm left alone with his/her right now?! Kinalma ko ang sarili ko at umayos sa paghinga. Okay self, be calm. Malay mo na'man hindi s'ya 'yung impostor. Wait, scratch that. Anybody here can be the impostor and I cannot let my guard down even just for a single second. Napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano nang biglang dahan dahang lumingon si Pink sa gawi ko. He/she stared at me. Napako ako sa kinatatayuan ko. I can feel my knees trembling in fear. Tinitigan ko nalang din s'ya kahit na nagsisimula na akong matakot. Pink's just staring at me at ilang minuto na ang nakalipas. Dahan dahan akong humakbang dala dala ang apat na bear stuff toy. Hinakbang ko pa isa isa ang mga paa ko nang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya. Mahirap na baka mamaya bigla nalang ako sugurin nito tapos saksakin sa leeg. Nooooo. Unti unti kong binilisan ang pag hakbang nang medyo nakalapit na ako sa pintuan palabas ng game room. Dali dali akong nag lakad-takbo nang nasa harap na ako ng pinto palabas ng game room. Nakakakaba 'yun ah! Nakahinga ako ng maluwag. Wala na'mang sinabi ang game master na hindi kami pwedeng pumunta sa kwarto pag simula na. Siguro do'n nalang muna ako sa room ko at iayos itong mga bear na 'to. SOMEONE'S POV I stared at the door na pinaglabasan ni Black. I know that's her. Napangiti ako sa kabila ng suit na suot suot ko. I just have to make sure that she's safe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD