Chapter 10

2114 Words
THIRD PERSON'S POV Sa isang malaki at marangyang mansyon, nagaganap ang isang larong hinding hindi aakalain ng isang tao na mangyayari sa totoong buhay. Sa gabing 'yon, nasa kusina ng mansyon ang dalawa sa mga manlalaro ng naturingang patimpalak, na ang mga buhay nila ang kapalit. Tahimik na nag sa-salo ang dalawa. Lingid sa kaalaman nila na may isang taong kalahok din ng paligsahan, ang s'yang magmamatyag sa kanila. Sa isip isip ng taong 'yon, itinatanong n'ya sa sarili kung anong mayroon sa dalawang kan'yang nasasaksihan? 'Nag uusap ba ang dalawang 'yon? Magkakilala ba sila? Hindi ba't ipinagbabawal ang pakikipagusap sa mga kasamahan dito sa mansyon? Ano 'yung ginagawa nila?' sunod sunod na tanong ng taong 'yon sa isipan n'ya. 'Magkasabay pa silang kumain, ang lalakas ng loob.' aniya pa. Napakuyom ang kanyang mga kamao habang nakatingin sa dalawa. "Hindi ako makakapayag na may mga tao ditong umaabuso na pala sa mga batas ng game master pero hindi nahuhuli. Samantalang ang iba na hindi na'man sinasadyang gawin ay mapaparusahan.." SOMEONE'S POV Pagkatapos ng eksenang 'yon ay dito ako dumiretso sa Security Room. Wala akong panahon para sayangin sa mga ganoong tao. I just need to make sure she's safe and her brother too, that's all. Kasalukuyan akong nagtitingin tingin sa mga monitor ng screen ng CCTV's sa buong mansyon nang may mapansin ako. There's one player in the living are. It's player color Yellow. Kung pwede lang pumatay pa ngayong araw ng isa, pinuntahan ko na 'yon. What is that player doing there anyway? Siningkit ko ang mga mata ko nang mapansin kong naadaan s'ya sa may pintuan ng kitchen are na nakabukas. Natigil s'ya at nagtago sa bandang gilid no'n. What is Yellow up to? Hindi ko mahulaan kung lalaki ba o babae ang player na 'to dahil masyado s'yang pino kung kumilos. There are 2 persons here inside this mansion na ganoon ang kilos. One boy, and one girl. Hinanap ko ang screen ng CCTV sa kusina at napataas ang kilay ko nang makitang naroroon si Aiko sa kusina. She's with another player. Naitaas ko ang aking mga kilay nang mapansin kong kumakain sila. She's having a midnight snack with another player? Inside this mansion? Seriously? And that player is not Aki, I can tell on the suit that player is wearing. It's White. Mukha namang hindi sika nag uusap at kumakain lang ng kumakain. If we, players who wears these suits ay kumain ng suot suot 'yon, kusang umaangat 'yung suit sa parteng bibig. And if someone's near that person at nakauot din ng suit na suot suot n'ya, he/she cannot see the visuals of the mouth of that person. Kaya kahit magkakaharap kaming kumain, kung suot suot na'ming lahat ang suit na 'to, there's no way we can see each other. Naalala ko tuloy 'yung oras na nakausap ko ng harap harapan 'yung game master ng larong 'to. Flashback I was about to go to my room para malaman kung ano ang magiging role ko sa larong 'to. Magiging impostor kaya ako? Sana nga na'man. I can use that opportunity to look after the twins. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay nagtaka na agad ako nang makitang patay ang ilaw sa loob. I don't remember anything that I turned off the lights noong lumabas ako kanina. Why is it turned off? "Seems like our impostor is here." isang baritonong boses ang aking narinig sa kalagitnaan ng dilim na bumabalot sa buong kwarto ko. Napako ako sa kinatatayuan ko. "Who's that?" I asked. I just heard a man's laugh as a response. Maya maya pa ay bumukas ang ilaw sa loob ng kwarto ko. Naiharang ko 'yung palad ko dahil sa silaw. Napatingin agad ako sa kama ang mapansing may lalaking nakaupo do'n. I felt my hands trembling nang ma-realize kung sino ang nasa harapan ko. It's the game master. He's wearing a mask. A smirking mask, with a beard. Guy Fawkes Mask. Is this man a fan of anonymous protests? Or the 2005 film, V for Vendetta? "Hello my dear.. Did I surprised you?" He asked and then he laugh. Hindi ako nagsalita o gumalaw manlang. His presence is enough for me to feel different kinds of fear on my whole body. What is he doing here anyway? Hindi ba s'ya nag iisip na baka may biglang pumatay sa kan'ya dito? "That is not possible, and will never be. Bago pa man ako mapatay ng kung sino sa inyo, patay na ang taong 'yon." sagot n'ya na naging dahilan para mas lalong mamuo ang mga pawis sa noo ko. Hindi lang dahil sa sagot n'ya kaya ako nakaramdam ng matinding kaba, kundi sa kadahilanang HE CAN READ MY MIND? Napatingin ako sa mga kamay n'ya nang ituro n'ya ang sintido n'ya. "Almost all the furnitures inside this mansion is high tech. And you're still wondering how in the world I can read your mind?" he asked me. Tama nga na'man s'ya. "Anyways, I came here to congratulate you." Napakunot ako ng noo. Congratulate me? "Congratulate me for what?" tanong ko. Tumitig lang ito sa akin at hindi nagsalita ng ilang segundo. I can feel that he's staring at me with a mischevous smile plastered on his face underneath that mask. Just thinking of it makes me shiver with fear. After ng ilang segundong pagtitig lang sa'kin ay itinuro n'ya ang isang parte ng sahig sa kwarto ko. Itinaas ko ang kilay ko sa pagtataka. Noon ko lang napansin na may kasama kaming mga tauhan n'ya sa loob ng kwarto ko. Sinenyasan n'ya ang mga 'yon at kumilos na'man sila para lumapit sa parte ng sahig kung saan itinuro ng amo nila. Nabuksan nila 'yon gamit lang ang mga kamay nila. Napatingin ako doon at unti unting lumapit. Nakita ko ang isang hazel brown na vault na nasa baba ng sahig. Ito ba 'yung tinutukoy n'yang vault na may nilalamang iba't ibang armas and high tech gadgets na gagamitin ng impostor para sa extermination? "Yes. Just as you thought it is." biglang salita ng lalaking naka maskara sa gilid ko. "Go on, touch it. If you feel electrified since that vault is protected by an invisible electric field, you aren't the impostor. But if you feel nothing when you touched it, alam mo na kung anong dahilan no'n." He whispered those words on my left ear. Napatingin akong muli sa vault na 'yon at unti unting inilapit ang kanang kamay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko bago 'yon tuluyang hawakan. Napadilat ako nang walang nangyari. Wala akong naramdamang kahit anong kuryenteng dumapo sa kanang kamay ko nang hinawakan ko 'yon. clap clap clap Napalingon ako sa game master nang may marinig akong ilang palakpak. "You know what that means, right? You are the impostor. Congratulations HAHAHA. I know that you are the impostor since I'm the one who chose you. Pinapakaba lang kita HAHA." sabi nito sabay tawa. Sinamaan ko s'ya ng tingin. He's so tricky as hell! Humakbang s'ya papalapit sa'kin at bumulong sa tenga ko. "I wouldn't be the game master of this game if I'm not.." lumapat ang mga kamay n'ya sa braso ko. I can feel him stiffened beside me. Kahit ako ay natahimik. What is this feeling? Why do I feel like I know him for a long time? Inilayo n'ya agad ang kamay n'ya na hinawak sa akin at naglakad dire-diretso sa pader ng kwarto ko. Sisigaw na sana ako at sasabihing "pader 'yan hindi pintuan!" nang makita kong lumusot s'ya doon. What the f**k? Ang mga tauhan n'ya na'man ay sa pintuan palabas ng kwarto ko dumaan. What the f**k just happened? Okay, I need to digest everything. I'm the impostor of the game. I also discovered the fact that he can read people's minds if they are in a close space. Napahawak ako sa balikat ko na hinawakan n'ya. And that unfamiliar feeling.. What the hell is that? End of flashback Napahawak ulit ako sa balikat ko na hinawakan nung game master. Ay ewan, bahala na. Nabalik ang aking pansin sa screen at sa pag-aanalisa ng suit. Speaking of eating while wearing the suit, mahahalata kasi kung babae o lalaki ang player kung maipapakita ang parte ng hugis ng bibig nito. That's why the game master created this suit, for us to not know who each other is. How did I knew that? Pagkasuot ko palang ng suit ko, lahat ng information tungkol dito, nalaman ko na. Ang mali lang ng masked man na 'yon, hindi lahat ng tao ganoon katanga para walang mapansin. Napakunot ako ng noo nang ma-realize na 'yung player na nasa labas ng kusina which is player color Yellow ay pinagmamasdan ang dalawa. Who is that Player? I zoomed in sa parte ng katawan n'ya at ang pinaka napansin ko ay ang mga kamay n'yang nakakuyom. May galit ba s'ya sa isa sa dalawang nasa loob no'n? Or is that person jealous? I need to watch out that Player, baka may masamang balak 'yon kay Aiko. At 'yun ang pinakahuling bagay na hinding hindi ko hahayaang mangyari. *** AIKO'S POV Naunang matapos si White kumain kay'sa sa'kin. Hindi ko manlang nasilayan yung hugis ng parte ng bibig n'ya habang kumakain. Literally, hindi ko talaga nakita o napansin manlang. Ako na'man habang sumusubo, pansin ko 'yung labi ko pag isusubo na 'yung laman ng tinidor. Hinihigop ko pa nga 'yung pasta. Paano nangyari 'yon? Natigil ako sa pag iisip nang tumayo s'ya bigla at naglakad na patungo sa sink. Nilapag n'ya lang 'yon do'n at naglakad na papasok sa isa pang pintuan sa kusina. Papunta 'yon sa library. Hindi pa s'ya matutulog? Hating gabi na ah. I shooked my head nang ma-realize ko ang mga sinabi ko. At ano na'man ang pakialam ko kung magpupuyat s'ya at hindi muna matutulog? Napaka pakialamera mo Aiko. Tinapos ko na lang ang pagkain ko at tumayo na rin para ilagay sa sink ang pinagkainan. Kahit gusto kong hugasan 'yon ay hindi pwede. May mga maids dito na assigned sa paglilinis at pagsa-sanitize ng buong mansyon na 'to, at wala kaming karapatan para pakialaman sila. Nakakatakot din mga maids dito. Nung kahapon sinubukan kong mag walis kais may nakita akong dumi sa lapag, hinablot ba na'man bigla sa'kin 'yung walis. Attitude masyado. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay naramdaman ko na parang may nakamasid sa'kin. Inilibot ko agad ang paningin ko at napatingin sa pintuan banda sa living area. Pero walang tao doon. Guni guni ko lang ba 'yon? Bahala na nga. Makaakyat na lang sa kwarto at magpapahinga na ako. Mamaya n'yan maabutan pa ako ng impostor dito. YELLOW (player) POV Nang mapansin kong lilingon na 'yung color Black na player na 'yon ay dali dali na akong umalis sa pwesto ko. Naglakad ako papunta sa pathway. Saka nalang ako magkakalap ng impormasyon tungkol sa dalawang 'yon, kung may koneksyon nga ba silang dalawa. Ang unfair na'man kasi, 'yung dalawa na nag sagutan lang ng tig isang sentence, mapuputulan na ng parte ng katawan? Tapos 'yung nag chi-chikahan pa habang kumakain, hindi? May nakasalubong akong player sa pathway, si Red. Dire diretso lang akong naglakad at hindi na s'ya pinansin. Nang makalampas kami sa isa't isa ay sinundan ko ng tingin ang likuran n'ya. Napansin ko agad ang dugo na dumadaloy sa daliri n'ya kaya napatingin na lang akong muli sa dinadaanan ko sa harapan. S'ya ba 'yung impostor? Imposible na'man ata 'yon. Kung hindi ako nagkakamali, s'ya yung kaninang umiiyak sa tabi ng bangkay ni Riley. Pero posible din na'man. Hindi porket nag drama, wala ng kasalanan. Malay na'min kung palabas n'ya lang 'yon para hindi s'ya isa sa mga pagdudahan, hindi ba? Tama na'man ako, no? Iniling ko na lang ang ulo ko at naglakad nalang papunta sa kwarto ko. Napadaan ako sa harapan ng kwarto ni Riley. Kung tutuusin hindi dapat na'min nakikita 'yon pero since patay na s'ya, siguro ganoon pakana ng baliw na lalaki na nagkulong sa'min dito? "Aray!" bigla ako nakaramdam ng sakit sa bandang binti ko. Ano yun? May tumulong dugo sa bandang binti ko at nakita ang isang sinulid. Sinulid? Kinuha ko 'yon tinignan. Tinignan ko rin 'yung banda ng binti ko na nasugatan. May tuklap 'yung suit ko sa parteng 'yon dahilan para masugatan ako. Masugatan dahil sa isang sinulid? Inilabas ko 'yung isa kong hintuturo at diniin bahagya do'n ang sinulid. Nakita ko kung paano dumugo ng konti 'yon. Matulis na sinulid? Seryoso? Tinignan ko kung saang parte ko 'yon nakita. Sa sahig sa tapat ng kwarto ni Riley, kung saan na'min s'ya nakitang walang buhay at naliligo sa sariling dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD