Kabanata 22 Bumalik kami sa room pagkatapos idetalye ni Ren ang lahat sa akin tungkol kay Rhona. Ngayon ay alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang lalim niya kung mag isip. "Nagpakita pa ba ang babae pagkatapos ng nangyari?" Tanong ko habang tinatahak namin ang room namin. Magkahawak kamay kami na naglakad papunta sa room. "Hindi na..." Umiling Siya. "May kasunduan at hindi pwedeng baliin nino man." Dagdag pa Niya. Tumango ako sa kaniya. "Sasabihin niyo ba ang totoo kay Rhona?" Tanong ko. "It's up for Reena. Pero sa palagay ko ay hindi na ata niya sasabihin iyon pero karapatan pa rin ni Rhona na malaman ang totoo!" Sabi niya. Tumango ako dahil totoo naman ang sinabi niya. Karapatan ng Bata na malaman ang totoo niyang pagkatao. Pero si Reena naman alam kung mahihirapan siya. Ang h

