Kabanata 37 "Wala ba kayong balak bumili ng meryenda dyan?" Tanong ni joe. Nakalipas ang ilang oras naming pagkwekwentuhan tungkol sa secreto ng isat isa na hindi nasasabi sa amin ay nakaramdam ng gutom si joe. Kanina ko lang din pinapakiramdaman ang iba kung sino ang magkukusang bibili ng meryenda Namin. Naikwento ko rin iyong nangyari kanina. Iyong sa aming apat ni John Paul, Ren, Chiona at ako kanina bago sila magising. Nagulat sila na nandito na nga raw talaga si John Paul. Napatingin kami kay Ren ng tumunog ang phone niya. Agad naman niyang kinuha at tinignan kung sino iyon. Tumingin Siya sa amin pagkatapos niyang magtipa bilang tugon roon sa message na natanggap niya. "It's reena." Ren said and look at us. "I asked her to buy a snacks bago sila tuluyang magpunta rito." He added.

