Chapter 40: Fragmented Love Mayari Calleope's Point of View "Mayari? Oh my gosh." Gulat na gulat si Alex nang makita niya akong nakatayo sa harapan ng kaniyang pintuan, luhaan at basang-basa ng ulan. Wala akong ibang maisip puntahan kung hindi siya. Wala pa kasi sa Cebu ang iba pa naming mga kaibigan. Si Amara ay nanatili sa Manila, habang sila Ashley at Sophia naman ay nasa family vacation. "Alex..." Humihikbing tawag ko sa kaniyang pangalan. Malamlam ang mga matang nakatingin siya sa akin, may bahid rin ng lungkot ang kaniyang mukha. Hindi siya sumagot sa tawag ko, sa halip ay mabilis niya akong hinila papasok ng kaniyang unit at ibinalot sa yakap. "Alex... Niloko niya ako... Niloko nila akong lahat." Parang bata na sumbong ko kay Alex habang taas-baba ang balikat ko sa pag-iyak.

