Chapter 43: Melodies of Forgiveness Mayari Calleope's Point of View Handa na ako at nakabihis na upang pumunta sa bar ni Riley. Kinuha ko ang aking cellphone at muling binasa ang kaniyang mensahe sa akin. Alas-kwatro ng hapon ang nakatakdang pagkikita namin at alas-tres palang kaya naman may isang oras pa akong natitira para i-compose ang sarili ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Mula pa kagabi itong kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong reaksiyon ang maipapakita ko kapag nakita ko si Riley. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari ngayong gabi. Ipinilig ko ang aking ulo. Kung ano man ang kahahantungan ng gabing ito ay malugod kong tatanggapin. "You can do this, Mayari. You need to face the problem or else the problem will never be resolved." Bulong ko sa aking sarili. K

