Chapter 2.

2097 Words
26 years before, "The accused is found not guilty." "The defendant is not guilty." "-- is not guilty." "--not guilty." Every trial I could hear the sound of that hammer as it touches the wooden circle, mean that it ended and someone will be punished. I would immediately go out inside that room and wait for my dad outside the courtroom. Looking so innocent I will approach him as he go out along with his client. "Papa!"i shout as I ran to him. "Frea, didn't I told you to go home already?" he ask annoyingly. "But I want to see you working." "But you are not suppose to be here." and eye me, meaning that he does not like that I'm here. "Mukhang close kayo ng anak mo Mr. Almodavar, what is your name baby girl?" the guy then said and ask me sweetly. I smile back. "Freatch Almodavar sir." "Nice name. Your daughter is beautiful." he said and look at my father,it confuses me. "Thank you, I want to be like my father." i said proudly but he just laugh, like he's amaze from what I said. "Really? Well a big goodluck." he said with the hint of sarcasm. "May I excuse myself Mr. Almodavar? By the way thank you for representing me." my father just nod and shake hands with him. "Goodbye Miss." he said before turning away from us. I then look at my father, he is still not in a good mood. I followed him as he get on our car. The ride is so quite and it scared me, my father is angry I could feel it. When we reach the house I quickly run to my mother and hug her. "Kumusta ang school?" she ask melodiuosly. I smile at her, showing my whole white teeth. "It's great." I cheerfully said while jumping. "Magbihis kana sa taas." I nod and run upstairs but I stop midway as I heard a loud slap, and again, and again, and again, it happened 4 times, I look back. My mother is facing sideway infront of my father, but her left cheek is swollen red. What happen? I ask myself. "Punyeta! Hindi ba sinabi ko sayong huwag mong papupuntahin yang anak mo sa korte. Pinapahiya niya ako sa mga kliyente ko. Pati mga kasamahan ko pinagtatawanan ako dahil may baliw akong anak na babae na gustong maging abogado." sigaw ni papa kay mama, samantalang tahimik naman si mama at humihikbi. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni papa, hindi ba siya proud sa akin dahil magiging abogado din akong kagaya niya, bakit galit siya kay mama? "Napakabobo mo, bakit ba kasi sa daming bobong babaeng napakasalan ko ikaw pa? Punyeta walang silbi." galit na galit na sabi ni papa bago tumalikod at lumabas. Tumakbo naman ako pababa ng hagdan para lapitan si mama. "Mama, okey lang po ba kayo?" I ask while wiping my tears. Nasasaktan ako kasi umiiyak si mama. My mother smile at me and guide me to my room unknowingly. "Ayos lang ako, bakit ba lagi kang pumupunta sa korte?" she ask the moment we sit on my bed. "Hmmm." im holding my chin as I think. "Because I want to be a lawyer po like papa and tito and lolo." "Why?" It took me, hindi ko alam kong bakit ako mag-aabogado maliban sa gusto kong maging katulad nila papa. "Mama hindi po ba proud si papa sa akin, ayaw niya po bang maging abogado ako kagaya niya?" I ask innocently. "Hindi naman, hindi kasi basta-basta ang pagiging abogado, kailangan matatag ka at malakas ang loob." she said sweetly as she run her hands through my hair. "But always remember that I believe in you." and she smile warmly. Tumango naman ako. I look at her face bakas na bakas pa ang kamay ni papa sa kaliwa at kanan niyang pisnge, pero mukhang wala lang yun sa kanya. She help me get dress and just put a cream on her cheeks and it fades. That cream always amazes me, napapagaling niya kasi si mama sa mga sugat at galos niya. As a young child I could not fully comprehend a lot of things, hindi ko maintindihan kong bakit galit sa akin si papa at sinasaktan niya si mama. As a 6 years old hindi maipaliwanag ng utak ko ang lahat ng bagay, kong bakit bigla nalang hinahawakan ng principal namin ang hita ng mga teacher naming babae, minsan naman ay sa dibdib. Kadalasan ay malalaman na lang namin na hindi na si ma'am ang teacher namin at may bago na kaming teacher. Hindi ko maintindihan kong bakit madaming pasa sa katawan si tita katulad ni mama at ng ibang asawa ng mga kapit-bahay namin. At ang dahilan kong bakit lagi akong pumupunta sa korte ay dahil hindi ko maipaliwanag kong bakit babae lagi ang may kasalanan at babae lagi ang nakukulong. Masakit isipin dahil hindi ko maipaliwanag ang mga bagay na nangyayari sa lugar namin. I'm on my sixth grade when I heard 2 men talking in a coffee shop, at mukhang ako ang topic nila dahil narinig ko ang pangalan ng pamilya namin. "Narinig mo ba? 1st daw yung anak ni attorney Almodavar." the first guy said. "Alin doon yung panganay na lalaki o yung bunso." ask the second guy. "Hindi pare yung babaeng anak." "Talaga?" "Oo, ang balita pa mag-aabogado daw katulad ng tatay niya." "Pare, baka naman nagbibiro lang yung bata." tawa pa ng lalaki na parang isang malaking biro ang narinig. "Tsaka isa pa wala namang silbi kahit na first yung anak na babae ni attorney, sa huli eni mieni mini mo lang naman ang katapat niyan."dagdag niya pa at sabay na silang tumawa noong lalaking kausap. Hindi naman ako mapakali, gusto ko silang sagutin at sabihin na hindi ako nagbibiro at lalong hindi maganda na pinag-usapan nila ang ibang tao. Pero pinigil ko ang sarili ko, at huminga ng malalim. "Pero sayang pare at matalino." sabi ng pangalawang lalaki na halatang nanghihinayang. "Sayang nga, pero aminin na natin pare wala pang babae ang nakapasok sa kolehiyo lalo na at pag-aabogasya pa ang kukuning kurso." "Sabagay, ganun talaga kapag babae." Hindi kuna tinapos ang usapan nila at lumabas na ng coffee shop. Nagpupuyos ako sa galit, kaya padabog din akong naglalakad pauwi. Hindi ko naman iniintindi ang mga tao sa paligid ko na tumitingin sa akin at nag-iisip na para akong baliw. I'm not just a woman, ano bang problema ng mga tao dito sa amin? Nakakainis! "Hoy, bat ganyan ka maglakad?" I startle when someone suddenly talks at my back. "Grabe girl, talon talaga?" I look at Thea with shot eyes. "Wow! gulat na gulat." tumatawa niya pang sabi. Samantalang nakangiti naman si Dorothy sa tabi niya. "Sinong hindi magugulat, makakita ka ba naman ng mangkukulam." ganti ko namang sagot. "Tss, ang pangit mo." "Mas pangit ka." "Pinakapangit ka." "Ikaw ang pinakapangit sa buong world wide, kasama outer galaxy, period walang kasunod, kandado tapon susi sa sun." parang hinahabol ng kabayo kong sabi. Sinimangutan lang ako ni Thea, habang tumatawa naman si Dorothy sa aming dalawa. "Pag naging lawyer ka hindi kita kukunin, siguradong ipapatalo mo ang kaso ko." inis niyang banat sa akin. "Tsaka ikaw Dorothy pag naging teacher ka wag mong turuan yung anak niya." dagdag niya pa, kaya naman hindi na din ako nagpatalo. "Pag naging lawyer ako, hindi kita tatanggaping kliyente. Ang pangit mong engineer. Tsaka hindi naman ganyan ang ugali ni Dorothy ah." sabi ko at tumalikod na para maglakad. Sumabay naman silang dalawa sa akin. "Ahh, basta pag naging engineer ako magpapatayo ako ng sarili kong kompanya. Hihigitan ko yung pangalan ni papa tsaka nila kuya para hindi na nila ako maliitin." puno ng pag-asa niyang sabi. Tumango naman kaming dalawa ni Dorothy at sabay ding ngumiti kasabay ng mumunti naming panalangin. Magiging lawyer din ako. Huminto na ako sa harap ng gate namin para magpaalam. "Oo nga pala, happy birthday pasensya kana hah, wala kasi akong pera ngayon pero pag-engineer na ako bibilhan kita ng cake taon-taon." biglang sabi ni Thea kaya naman napangiti ako ng sobra. "Sige hah, asahan ko yan. Bantay ka lang." "Oo ba, basta pag lawyer kana din ibibili mo ako ng cake taon-taon sa birthday ko." dagdag niya pa. "Sige." Natahimik naman kaming dalawa ni Thea ng may iabot sa aking maliit na box si Dorothy, nakabalot pa yun ng pink na wrapper. "Para sakin?" excited kong tanong. "Oo, happy birthday." malumanay niyang sabi, para talaga siyang si mama minsan kong magsalita. "Talaga, salamat!" tuwang-tuwa kong sabi sabay kuha ng box sa kamay niya. Ngumiti lang siya sa akin ng marahan. "Dorothy dapat pag birthday ko bigyan mo din ako niyan hah." singit naman ni Thea pero tumango lang din ako habang nakatingin kay Dorothy. "Oo naman, pag birthday mo binigyan din kita." natatawa niya pangsabi. "Sige, aayos." sabi ni Thea at pumorma pang nanalo sa lotto. "Sige pasok na ako samin, ingat kayong dalawa." paalam ko at kumaway pa. Gumanti naman sila ng parehas na kaway at ngiti. Nagmadali akong pumasok sa bahay pero dumaan ako sa likod, dadaanan ko kasi yung isang libro sa kwarto ni kuya Ayen na tungkol sa criminal justice law. Hindi ko man maintindihan lahat pero pinipilit ko, panay ang tingin ko sa dictionary kapag mga ganoong aklat ang binabasa ko. Hindi pa ako tapos sa librong pinuslit ko galing sa kwarto niya pero mas okey na ang may reserba minsan kasi ay natatapos ako ng mga alas-sais ng gabi sa isang aklat kaya minsan ay nababagot ako dahil wala na akong mabasa. Marami na din akong naiintindihan sa mga nangyayari dito sa lugar namin, ngayon naiintindihan kuna na mali pala ang mga yun pero hindi parin nasasagot ang tanong sa isip ko kong bakit laging natatalo ang mga kaso ng babae dito sa amin. Naligo na ako at bumaba sa kusina para kumain, wala si mama dahil nasa labas siya at nagdidilig ng halaman namin. Hindi ako mahilig sa halaman kaya nga hindi ko rin sila hinahawakan at inaalagaan kahit anong ganda nila. "Oh nandyan kana pala. Nasa labas si ma'am kasama si manong Lito nagdidilig ng halaman." sabi ni manang Karla ng maabutan ko sa kusina na nagluluto. "Manang anong ulam natin?" "Pinakbet, tsaka adobo." sagot niya sakin habang nakatalikod at nagluluto. "Kung gusto mong kumain, may ice cream dyang gawa si ma'am at tsaka cake, tsokolate ang flavour, dahil nga daw birthday mo." Dali-dali naman akong nag-open ng ref at kinuha ang isang lalagyan ng ice cream. Halos tumulo ang laway ko habang binubuksan ko ito pero ganun na lang din ang dismaya ko ng makita ko ang laman. "Nang bakit ganito?" nagmamaktol kong saad. "Pasensya kana din pala, dumating kasi dito ang kuya mo kasama yung mga kaibigan niya, eh yan yung nakita tapos sumabay pa si Christof. Ayun naubos buti na lang at may naitira pa." malungkot na sabi ng matanda. Parang gustong pumatak ng luha ko sa sakit at sama ng loob. Pinipiga yung puso ko dahil sa nararamdaman ko. "Bakit ganun Nang, pagbirthday ko parang wala lang, halos hindi ko pa nga matikman yung handa ko ubos agad, samantalang pagbirthday ni kuya at ni Topi buong bayan imbetado halos ayaw pa nga akong ipalabas ni papa sa kwarto." umiiyak ko nang sabi. Ang sakit. "Nananadya naman si kuya eh." halos mapiyok kong saad. "Lagi nalang pagbirthday ko dinadala niya yung mga kaibigan niya tapos sila yung umuubos ng handa, ni mga kaibigan ko nga hindi ko mapakain ng handa ko, pero yung mga taong hindi ko naman kilala sila lang yung uubos." Naramdaman ko nalang na niyakap na ako ni manang. "Manang bakit? Bakit sila ganoon? Ang unfair naman." patuloy kong tanong sa pagitan ng mga hikbi ko. Mabilis ko namang pinunasan ang luha ko at kumalas sa yakap ni manang, hindi na ako nakapagpasalamat dahil umakyat na ako agad sa kwarto ko. Nandito na si papa. Yun agad ang naisip ko ng marinig ko sa labas ang ungong ng kotse namin. Naghilamos na ako ng mukha para hindi halatang umiyak ako, kinuha kuna lang yung librong pinuslit ko galing sa library ng kwarto ni kuya. Common Legal Words Yan yung pangalan ng libro. Binuklat ko naman kong saan ako huminto at binasa ito ng tahimik. State attorney- an attorney who represents the state in criminal case. The prosecutor. Statute- a law enacted by the legislative body. Stay- temporarily stopping a judicial proceeding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD