Tagay at Tukso

3745 Words
"'det, pakibigay mamaya ito kay Gio pagbaba mo," pakiusuyo ni Segundo, inabot sa akin ang spray na pain reliever. "sige po," Kinuha ko ang maliit na bote at itinago sa bulsa ko. Nasa bridge kasi ako ngayon dahil nagbigay ako ng daily maintenance report kay Chief Mate. Pagdating ko sa kabina ni Gio ay nakaawang ang pinto niya kaya itinulak ko ito. Nasa loob pala si Rodel at nag-iinom silang dalawa. Kasabay ng tunog ng malakas na pagtawa nila. Nakita ko ang bote ng whisky na nakatihayad sa mesa at kanilang mga mukha ay bahagyang namumula. "Oh, 'det, napadalaw ka? Tara, pasok," pag-anyaya ni Gio, nakangiti at inalok sa akin ang pwesto sa tabi niya. "Nakaamoy kasi ng alak, pre, kaya natunton tayo," pahayag naman ni Rodel, isinandal ang likod sa ding-ding at humalakhak. "Luh! Akala mo sa'kin ikaw? Laging present kahit saang tagayan," ganti ko, may halong biro at pang-iinis, 'tsaka naglakad palapit sa kanilang dalawa. "Ah, gano'n pala, ha? Halika dito!" Agad niyang hinila ang braso ko palapit sa kanya. Umiwas ako, sinubukan kong pihitin ang kamay ko palayo, pero naging mabilis ang kamay niya at kanyang nahila ang damit ko. Dumampi ang mga daliri niya sa balat ko sa aking tagiliran, na nagdulot ng kiliti na nagpataas ng balahibo ko. Ang lakas ng paghila niya ay naging dahilan upang mawala ang aking balanse. Napatukod ako sa hita niya, ramdam ko agad ang matigas na kalamnan sa ilalim ng manipis na tela ng shorts niya, at hindi sinasadyang nasalat ko ang tulog niyang alaga. Dumampi ang palad ko diretso sa umbok ng tite niya. Ang biglaang pagdikit ng aking kamay sa maselang parte ng katawan niya ay nagpakalabog ng aking dibdib. Mabilis akong umalís sa posisyon na iyon, itinaas ko ang kamay ko, pero ang mga hita ko ay parang nanghina pa rin sa gulat. Ang tingin niya ay nakakaakit, nakadama tuloy ako ng pang-iinit sa aking katawan. Patay-malisya kaming pareho. Ang katatapos na nakakailang na sandali ay tahimik naming binura. Walang sinabi, walang tawa, parang hindi nangyari, pero ramdam ko pa rin ang malambot na alaga niya sa palad ko. Nagkatitigan kami, isang mabilis na sulyap na punong-puno ng hindi na kailangan ng mga salita. Kinagat niya ang loob ng labi niya, at walang naging reaksyon ang kanyang mukha, tinatago ang anumang pagnanasa na naipahayag kanina. Hindi lang ako sigurado, pero ramdam ko at naaninag ko sa kanyang mata na gusto pa niya. Bigla, narinig ko ang boses ni Gio. "Buti at hindi ka na kailangang tawagin pa. Matic na nandito ka na," saad pa ni Gio, ang boses niya ay punung-puno ng panunukso. Nilingon ko siya. Ang mga mata ko ay sinalubong ang kanya, tinitigan niya ako na may pilyong ngiti habang nagsasalin ng alak. Umayos ako ng upo sa tabi ni Rodel. Ang divan ay lumubog sa bigat namin, halos magkadikit na ang mga hita namin, at ang init ng kanyang katawan ay agad kong naramdaman. Agad naman siyang nakaakbay sa akin, ang braso niya ay dahan-dahan na gumapang sa balikat ko, nagpapakalat lalo sa init na aking nararamdaman. Nagsimulang kumilos ang kamay niya, hinahaplos nito ang aking balikat—ang mga daliri niya ay dahan-dahang gumagalaw, nagdudulot ng kiliti na gumapang sa braso ko. Parang natuod naman ako, naramdaman ko na lang na umakbay na siya sa aking balikat, kinabig pa niya ang aking katawan upang lalong mapalapit sa kanya at bahagya akong isinandal sa dibdib niya. Ramdam ko ang matigas niyang dibdib laban sa likod ko, nalalanghap ko ang natural na amoy ng kanyang katawan, at ang t***k ng puso niya na halos marinig ko. Kaagad ko naman siyang itinulak kahit na sana gusto ko pa na makulong sa mga bisig niya—isang maliit na pagtutol, isang paglalaro na alam kong pareho naming gustong magtagal. "Ipinabibigay nga pala ni Segundo," inabot ko kay Gio ang pain reliever, na agad niyang kinuha. Tumango lang siya bilang pasasalamat habang ang mata niya ay nakatutok dito. "Ano 'yan, dre?" tanong ni Rodel, ang boses niya ay malalim at nagtatanong habang tiningnan ang botelya sa kamay ni Gio. "Pain reliever. Ang sakit kasi ng bandang baba ng likod ko, eh. Kakayuko ko ata 'to," paliwanag ni Gio, tapos ay bahagyang inunat ang likod. "Nanakit ang likod mo, eh wala ka namang ginagawa," biro ko dito, tapos ay sumimangot ako kunwari, dahilan para kantiyawan naman ito ni Rodel, ang tawa niya ay umalingawngaw sa loob kabina. Nagsalin si Gio ng alak sa baso at inabot ito sa akin. "Oh! Ang dami mong sinasabi, umiinom ka," "Mamaya na, busog pa ako," tanggi ko, bahagyang itinulak pabalik ang baso. "Maganda nga 'yan, eh, pampatunaw," paghihikayat pa ni Rodel, na marahang hinaplos na naman ang aking braso. Inismiran ko silang dalawa at tinungga ang laman ng baso. "Ang tapang!" bulalas ko, hindi maipinta ang mukha at umubo nang bahagya. "Sus! Sa umpisa lang 'yan. Kapag lasing ka na, parang tubig na lang 'yan," pahayag ni Rodel, 'tsaka tumatawa. "Kung makaarte parang ngayon lang nakatikim ng alak," puna rin ni Gio, ngumisi at tiningnan ako. "Parang pinagtutulungan niyo akong dalawa, ah! Makaalis na nga," tumayo ako at akma sanang aalis nang niyapos ako ni Rodel sa baywang. Ang mga kamay niya ay mabilis na pumulupot sa akin, at humigpit ang kanyang yakap. Hinatak niya ako kaya napakandong tuloy ako sa kanya ang puwet ko ay bumagsak sa kanyang hita tapos ay naramdaman ko ang init ng maskuladong katawan niya. Bakas ang gulat sa aking mukha, hindi dahil sa paghila niya kundi ay naramdaman ko sa puwet ko ang alaga nito. Ang bahagyang paggalaw ko ay nagpadama sa akin ng isang malaking bukol sa ilalim ng shorts niya, na kung saan ay tumama at saktong tumapat sa pagitan ng aking pwet. "Saan ka pupunta, 'det?" tanong niya sa akin, hinigpitan ang yakap sa aking baywang. Ang kanyang boses ay malalim, malapit sa tenga ko, nagdudulot ng kiliti sa akin. Ang init ng hininga niya ay parang nagpapawala ng kontrol ko sa aking sarili. Napamura na lang ako sa isip ko dahil ang bakat ng kanyang t**i ay malinaw sa aking puwet, dahil manipis lang ang shorts namin. Ramdam ko at nakakasiguro akong may kalakihan ang tite nito dahil kahit malambot pa ay may ipagmamalaki na. Ang bawat paghinga niya ay nagpadama sa akin ng pag-angat at pagbaba ng kanyang dibdib. Sa una ay hindi ko alam kung aalis ba ako o idiin ko pa lalo ang pagkakaupo. Ang isip ko ay naglalaban, gusto kong tumakas pero gusto ko ring manatili. Subalit pinilit ko pa ring umalis sa kandungan niya. Nagpumiglas ako nang bahagya, sinusubukang itulak ang sarili ko pataas, pero ang yakap niya ay masyadong mahigpit. Ang problema nakapulupot ang kamay niya sa baywang ko. "Rodel bitawan mo nga ako," reklamo ko at pilit kumakawala sa kanya. Sa bawat paggalaw ko ay kumikiskis na pala ang katambukan ko sa p*********i niya. Ang bahagyang pagkiskis ay nagdudulot ng unti-unting pagkagising naman ng alaga ko, ang kanyang tite ay dumulas sa gilid ng puwet ko. Hindi ako sigurado kung guni-guni ko lang ba na napansin ko na parang tumitigas ang bukol niya dito. "Inumin mo muna 'to, papakawalan kita," sabi niya at ibinigay sa akin ang tagay niya. Agad kong nasamyo ang matapang na amoy ng alak. Napatingin ako kay Gio na nanonood lang sa amin at bahagyang nakangisi. Ang ngisi niya ay punung-puno ng panunukso, parang alam niya ang nangyayari at gusto niya lang manood. Tinanggap ko na lang ang baso, hindi para pakawalan niya ako, bagkus ay gusto kong manatili ng matagal sa kandungan ni Rodel. Ang init niya ay lumalaganap sa katawan ko, ang tite naman niya ay patuloy pa na lumalaki laban sa puwet ko. Nanunuyo ang lalamunan ko, parang nauhaw ako bigla. Ang pagnanasa ay unti-unting lumulukob sa akin, at hindi ko na maitatago. Sa pagkakataong ito, sigurado na ako, ramdam ko na talaga ang pagtigas ng b***t niya. Ang bakat ay mas malinaw, ang tigas ay hindi na maikakaila. Kumikislot pa ito na parang nag-aaya. Pakiramdam ko ngayon ay parang nakaupo ako sa sanga ng kahoy. Matigas, matatag, at bahagyang gumagalaw. Ang kamay niya ay gumagalaw sa tagiliran ko, bahagya niyang pinipisil-pisil ang laman dito. Tila ba gusto niyang lamasin ang katawan ko pero nagpipigil lang ito. Tinungga ko ang tagay, gumihit sa lalamunan ko ang alak, pati paghinga ko ay ramdam ko ang alcohol na sumingaw. Ang anghang ng alak ay dumagdag sa init na nararamdaman ko. Labag man sa loob ko, matapos na maubos ko ang laman ng baso ay tumayo na ako, lumuwag naman ang pagkakayapos niya sa akin. Ang aking mga binti ay bahagyang nanginig habang tumatayo, ang init at amoy niya ay naiwan sa akin, na nagpapaisip kung kailan ulit. "Ito naman, parang binibiro lang, eh, bilis magtampo," sabi ni Gio, napailing-iling. "Saglit lang, iihi muna ako, maiwan ko muna kayo. Huwag mo nang patakasin si Kadete, ha?" bilin ni Gio kay Rodel at naglakad ito papunta sa pinto. "Oo, akong bahala dito," tugon ni Rodel, ang boses niya ay malalim at may katiyakan, para bang nangangako na tutuparin niya ang sinabi ni Gio. Tapos ngumisi ito paharap sa akin, ang ngisi niya ay puno ng malisya, nagpapahiwatig ng libog at pag-asam. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, na para bang ginagapang niya ang bawat sulok ng katawan ko. Tila isang mabangis na hayop, sinusuri ang pagkain bago niya ito lapain. Inismiran ko naman siya, pilit kong tinago ang kaba at pagnanasa ko sa pamamagitan ng pagkunot ng noo at pagdikit ng labi. Sa pag-alis ni Gio at tuluyang pagsara ng pinto, naiwan kaming dalawa ni Rodel sa loob ng kabina. Ang biglaang katahimikan ay sinira lamang ng mahinang tugtog mula sa palabas na nakasalang sa laptop at ng bahagyang kaluskos habang inaayos ko ang aking upo. Naramdaman ko na naman ang paghimas ni Rodel sa braso ko. Ang mga daliri niya ay magiliw na dumampi sa aking balat. Ang kanyang kamay ay bumaba mula sa balikat ko patungo sa aking siko, at bumalik ulit, marahan at paulit-ulit, parang may tinutuklas, ang bawat haplos niya ay nagpapataas ng panggigigil na sumasabay sa malalim kong paghinga. Ang bawat paggalaw niya ay nagpapaalala ng insidente kanina, kung paano niya ako hinila at kung paano ko naramdaman ang tigas ng kanyang alaga sa puwet ko. "Ang lambot ng balat mo, 'det, at ang kinis, parang ang sarap romansahin," sabi niya, ang boses niya ay bahagyang bumaba—isang bulong na sadyang para lang sa akin, halos hindi ko marinig sa gitna ng aking kaba. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi, pero hindi ako makagalaw. Nagkatitigan kami. Ang tingin niya ay malalim, at ang mga mata ko ay tila nakadikit sa kanya. Matagal ang aming tinginan, parang may sarili kaming mundo, na ang oras ay huminto. At hindi ko magawang umiwas ng tingin sa kanya. Para akong nahipnotismo. Kitang-kita ko sa mata niya ang matinding pagnanasa, tila isang apoy na nagliliyab, na halos lumamon sa akin. Tila hinuhubaran ako nito sa kanyang titig, bawat sulok ng aking katawan ay parang nabubunyag. Ramdam ko ang pagtaas ng temperatura sa pagitan namin, ang buong kapaligiran ay parang nagiging mas mainit. Wala siyang sinabi, pero ang kanyang mga mata ay naghahamon at may gustong ipahiwatig. Isang tahimik na imbitasyon, isang pakiusap na hindi na kailangan ng salita. Panay ang mura ko sa aking isipan, gusto kung bumigay sa barakong ito. Alam ko at halatang inaakit niya ako. Isang sakmal ko lang sa labi nito o hawak sa tite niya, tiyak matitikman ko rin ito. Siya na mismo ang nagpapahiwatig sa akin. Siya na ang nagbigay ng motibo. Kung papatangay lang ako sa libog ko, nakakatiyak akong magpapakasawa ako sa malaking tarugo niya, nakakatakam pa naman ito. Ngunit mahirap na magpadalos-dalos, hindi ako nakakasiguro sa kanyang intensyon. Napabitaw lang ito sa akin nang bumalik si Gio. Bumalik ito sa upuan niya at nagpatuloy ang tagayan nila. Ako naman ay paminsan-minsan lang umiinom dahil ayaw kong malasing. Hindi na namalayan ang mabilis na paglipas ng oras, alas siyete y media na ng gabi, kaya tumayo na si Rodel. "Sige, mga dre, duty na ako," paalam niya. Tiningnan niya ako sa huling pagkakataon, ang kanyang mga mata ay may kakaibang titig na nagpapahiwatig na may hindi pa natatapos sa pagitan namin. "Sige, dre, good watch," tugon ni Gio, habang umiinom ng alak. "Si Kadete, lasingin mo," bilin ni Rodel, tumatawa habang palabas ng pinto. Ang tawa niya ay malalim at may ibang kahulugan. "Ako ang bahala dito, gagapang 'to mamaya pabalik sa kabina niya," sagot ni Gio, kinindatan ako. Ngumiti si Rodel bilang tugon sa sagot na ito ni Gio, isang tahimik na kasunduan na tila naghatol sa magiging kapalaran ko ngayong gabi. Naiwan kaming dalawa ni Gio. Ang katahimikan ay biglang bumigat, at ang amoy ng alak ay sumabay sa pamilyar na init na muling umakyat sa aking pisngi. Nang magsara ang pinto, nasa akin na ang buong atensyon ni Gio. "Oh, 'det, kanina ka pa pass nang pass, inumin mo na 'yan," aniya, habang inaabot ang baso. "Nahihilo na 'ko," may bahid ng pagrereklamo sa boses, pero kinuha ang tagay at inubos ito. "Ang init ng katawan ko, 'det, parang gusto ko magpalabas. Ano, jakol ulit tayo?" tanong niya, walang paligoy-ligoy, ang kanang kamay niya ay nakasapo sa kanyang harapan. "Taglibog ka ngayon," sabi ko, nagkukunwari akong nagtataka, pero ang boses ko ay may halong tawa at pahintulot, iniisip ko na oo, kailangan ko rin. Hindi siya tumugon sa tanong ko, "Nood ulit tayo?" pag-anyaya niya. "Ikaw bahala ah," sagot ko, pinanood ang bawat galaw niya. Tumayo siya ng bahagya, inaabot ang laptop, ang galaw niya ay mabilis pero kontrolado lang, pinatay niya ang kasulukuyang pinapanood namin na pelikula at pinalitan ng porno. Habang nanonood, hindi ko mapigilan ang sarili ko, panay ang sulyap ko sa kanya. Bawat galaw niya, ay nakukuha ang buong atensyon ko. Hindi ako mapakali. Ang aking tingin ay pabalik-balik sa screen at sa katawan niya na bahagyang nakahubad na. Ang bawat pagbalik ng tingin ko sa hubog ng kanyang braso o abs ay parang gusto kong pulutanin ito. "Bagay din ata sa akin ang maging porn star, 'det, 'no? Sa tingin mo?" tanong niya, may himig ng pang-aakit sa boses niya. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin, naghihintay ng aking sagot. "Sa katawan at hitsura, oo, pwede," tumango-tango bago nagpatuloy sa sasabihin ko, "Pero hindi ka naman magaling kumantot," pambabara ko sa kanya 'tsaka tinaasan ko siya ng kilay. Ipinilit kong maging kaswal ang tinig ko, kahit ramdam ko ang tensyon sa katawan ko. "Ako pa ba? Hinahanap-hanap lagi ang pagbayo ko, boy," pagmamayabang niya. Tapos ay inilapit ang mukha niya sa akin. "Kuwento mo 'yan, siyempre. Malamang ikaw bida diyan," sabi ko at umiling-iling. Sinikap kong kontrolin ang hininga ko, baka marinig niya ang bilis ng pintig ng puso ko. "Sira ka," wika ni Gio, pero sa mata niya at mababakas ang pagnanasang namamayani sa kanya. Kaunti pagbuyo lang dito ay nakakatiyak akong magpapaalipin na naman ito sa init ng kanyang katawan. "Sige nga, sample ka kung nakakaakit," hamon ko. Nilaro ko ang apoy, kahit alam kong delikado. "Huwag na, baka tigasan ka sa'kin," aniya, ngumisi nang malaki at hinayaan niyang magtagal ang kanyang tingin sa labi ko. "Kanina pa 'ko tigas," tugon ko sa kanya at ipinakita ang bakat sa aking shorts, pero hindi ko inialis ang tingin sa mga mata niya. Natawa lang din naman ito, pero halata sa panginginig ng gilid ng labi niya ang pagpigil sa mas malaking ngiti. Sinimulan niyang hubarin ang kanyang suot na sando. Ang mabagal niyang paggalaw ay sadyang nagbigay-daan para pagmasdan ko ang bawat detalyeng nakaukit sa katawan niya. Nakangising aso ito habang mabagal niyang itinaas ang laylayan ng kanyang damit, dahan-dahan na naaninag ang matigas na abs nito. Hindi ko naman mapigilang mapalunok ng laway dahil sa tindi ng pagkakaakit na dala ng hitsura niya. Hinimas niya ang kanyang dibdib, tapos ay susulyap sa akin. Nilapirot pa niya ang nakausling mga u***g nito kung saan ay titingala siya na nakakagat labi habang nakapikit. Kay sarap pagmasdan ng reaksiyon niya kaya hindi ko na napansin na napatulala na pala ako at ang masaklap pa ay napakagat labi pa ako habang takam na nakatingin sa kanya. Nang magsalubong ang mga titig namin, doon lamang ako biglang natauhan. Nakangiti lamang ito sa akin. Mas lalo pa niya akong inakit. Itinaas niya ang dalawang braso at inilagay sa kanyang ulo, kaya lalo akong nag-init nang masilayan ko ang buhok nito sa kili-kili, na siyang kahinaan ko. Gusto ko ito sunggaban at humirin. Kumislot pa ang alaga ko nang dinilaan niya ang magkabilaang braso at inamoy-amoy ang sariling kili-kili. Parang lalabasan na ako kahit ito pa lang ang ginagawa niya. Ang tindi nga ng tama ko sa gagong 'to. Kumindat ito sa akin bago niya marahan na ibaba ang mga kamay at ipinagpatuloy ang paghimas hanggang sa dumako ito sa harapan niya na matigas na din dahil bukol na bukol ito sa shorts niya. Marahan niya itong nilamas at bahagyang pinipisil-pisil. Kitang-kita ang hulma ng b***t nito. Nanuyo ang lalamunan ko at nag-aabang na muling masilayan ang kanyang katigasan. Nag-init na ako kahit na malamig sa loob ng kabina niya. Namumuo na ang pawis ko sa noo dahil sa tensyong nararamdaman ko. Hindi na ako nakatiis, hinubad ko na rin ang suot kong t-shirt at sinimulang haplusin ang katawan ko. Nilapirot ko ang aking u***g habang magkaharap kami. Nakahiga siya sa kanyang kama habang ako ay nakaupo sa upuan. Nilawayan ko ang aking daliri at saka nilaro ang u***g ko habang ang isang kamay ko ay nagsimulang himasin ang bukol sa loob ng shorts ko. Nagtaas-baba ang kamay ko sa bakat ng aking kahabaan. Hindi humiwalay ang titig ni Gio habang mabagal niya hinubad ang suot na shorts at brief. Tila spring naman na umigkas ang matigas na alaga nito. Tirik na tirik ito at napakatikas. Napadukot tuloy ako sa b***t ko at marahan na sinalsal ito. Napapamura ako dahil parang hindi ako mapakali, parang makati ang katawan ko na hindi ko mawari kung saan banda ang kakamutin. "Aaaaaaaah!" mahabang ungol niya, nagsimula siyang salsalin ang alaga niya. Mabagal na nagtaas-baba ang kanyang kamay habang malanding nakatitig sa akin. Dinilaan niya ang kanyang labi, kaya nangintab ito dahil sa laway niya, lalo tuloy ito naging masarap itong halikan. Lalo pang umigting ang katigasan ko kaya hinubad ko na nang tuluyan ang natitirang saplot sa aking katawan. Tumatagas na rin ang paunang katas ko kaya pinahid ko ito gamit ang aking daliri at inilagay sa u***g ko 'tsaka pinaikot-ikot dito. Nakikiliti ako sa dulot na dulas nito. "f**k, 'det, ang tigas-tigas ng b***t ko," halinghing niya, ang kanyang mga titig ay parang nag-iimbita. "Ang sarap, puta, sige hagurin mo lang. Sasabayan kita," sagot ko, parang lumalabo ang isip ko, unti-unti akong nawawala sa wisyo at libog na lang ang namamayani sa akin. Hindi na namin napansin ang palabas sa laptop niya dahil nakatuon lang ang aming atensyon sa ginagawang pagbate sa alaga namin. Parang ayaw kong kumurap, ayaw kong makaligtaan ang pagsalsal ni Gio. Nakakalibog, mas nakakapagpa-init pa kumpara sa mga porno na napapanood ko, lalo na ang barako niyang ungol na tila panggatong na nagpapasiklab pa lalo sa naglalagablab na apoy sa pagitan namin. "Malapit na ko, 'det, puta, ugh!" Lalong lumakas ang ungol niya at nagsimulang manigas ang kanyang binti. Nagsimula din umangat ang kanyang balakang na animo'y sinasalubong ng kadyot ang kamao nito. Ang pagsalsal niya ay naging mabilis at masidhi, ang kanyang paghinga naman ay putol-putol. Inangat niya ang kanyang dibdib, tinatangkang lumanghap ng hangin, habang ang kanyang buong atensyon ay nakatuon na lang sa matinding sarap na malapit na niyang marating. "Hmmmn! Hmmmmmn!" Mabilis na rin ang ritmo ng pagsalsal ko. Sinasasbayan ko ang bawat pag-ulos na ginagawa niya. "Sige, iputok mo, Gio. Pakawalan mo na 'yang t***d mo." "Heto na ko, 'det! ngggggh.... Putcha, 'di ko na kayang pigilan!" Hiyaw niya, ang boses ay tuluyang nawasak dahil sa tindi ng kagalakan. "Aaaaaah, tangina!" Ang kanyang katawan ay biglang umarko, at ang kanyang mga daliri ay kumapit nang mahigpit sa alaga niya. Sabay sa huling atungal niya, lalo pang umigting ang p*********i niya, kasunod ang malakas na pagsirit ng masagana niyang katas. Makailang ulit na pumislit ang t***d niya, na lumanding sa kanyang leeg at dibdib. Hindi maitago sa mukha niya ang matinding sarap na sumakop sa kanya, at siya ay napakurap-kurap pa habang nanginginig ang kanyang katawan. Ang amoy ng kanyang t***d ay agad na kumalat sa buong silid. Nanghina siya at bumagsak sa kama. Hindi naman nagtagal. Habang nakita ko ang matinding pagkapagod at pagkasabik ni Gio. Humabol ako sa kanya, makailang ulos pa ng palad ko, at naramdaman ko na rin ang nalalapit na pagbulwak ng t***d ko. Binilisan ko ang pagkadyot ng aking balakang, at ang presyon sa aking ulo ay nagpahiwatig na wala na akong kontrol. "Ooooooh, f**k! Ayaaan na.... s**t Gio, eto na rin akoooo!" Namimilipit ako sa tindi ng sarap. Ang aking likod ay umarko nang kusa, kasabay ng pag-igting ng aking kalamnan. Napaunat ang aking paa, sabay napayukom ang mga daliri sa tindi ng sensasyon. Naramdaman ko ang sunud-sunod na pagkislot ng alaga ko, hanggang sa bumulwak ang malapot kong t***d. Tumama ito sa ulo ko, tapos sa aking pisngi at nagkalat sa aking tiyan. Nanginig ang aking panga, ang aking mga mata ay napapikit, damang-dama ko ang ginhawa kasabay ng mabagal na paghinga at pagluwag ng aking katawan. "Ang dami kong nilabas, tanginang 'yan," Mababakas ang pagod sa boses niya. Itinuro niya ang basang bahagi ng kanyang dibdib at leeg. Ang kanyang balat ay basang-basa rin ng pawis. Isinandal niya ang katawan sa dingding, natatawa siya na hindi makapaniwala. Tapos ay napatingin siya sa akin. Hindi maiwasang mapangiti ito nang makita niya rin ang itsura ko na pagod na pagod tapos ang mga t***d na nagkalat sa akin. Ako naman ay nakayuko, inaayos ang paghinga. Naramdaman ko pa ang pag-agos ng t***d ko sa aking pisngi kaya pinahid ko ito damit ang aking daliri. "Nanghina ako, nyemas. Ang layo ng talsik, umabot pa sa ulo ko," reklamo ko, kinapa ko ang aking ulo kung saan dumapo ang t***d ko. Nakatitig lang siya sa akin, at ang kislap sa kanyang mata ay nagpalambot sa tensyon sa pagitan namin. "Libog mo kasi, eh," wika niya, umaabot sa akin ang kanyang paa at marahan akong sinipa sa binti. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD