Matapos matagumpay na makumpleto ang check-in ng mga bagahe at ang proseso sa imigrasyon, na walang anumang naging problema, tumungo na kami sa departure area upang doon na hintayin ang aming flight patungong L.A.
Ngunit tila hindi ko na kailangan ng pampalipas-oras habang naghihintay. Sumakit na ang leeg ko sa walang tigil na paglingon dahil sa dagsa ng mga guwapong lalaki sa paliparan. Saan man ako bumaling ng paningin, may nakikita akong kaakit-akit na mukha. Pilipino man o dayuhan, kumikislap ang aking mga mata, at lubos akong nabubusog sa aking nakikita. Maputi, moreno, matangkad, may tattoo, may rugged na itsura, o di kaya ay mga daddy ang datingan, lahat ay aking sinulyapan. Sa loob ng aking isip, marami na kaming nabuo na mga eksena.
Busog na busog ang mga mata ko, subalit kabaliktaran naman ito ng nararamdaman ng aking sikmura. Nagsisimula na akong magutom, ngunit nagdadalawang-isip akong sabihin ito sa mga kasama ko. Ayoko kasing mauna o maging mukhang reklamador.
"Tara, kain muna tayo. Gutom na ako, maya-maya pa naman 'yung flight natin," dinig kong turan ni First Engineer kaya agad akong napalingon dito.
"Oh my God! salamat! ang bilis niyo naman, wala pa akong hinihiling sayo pero pinakinggan mo na ako." bulong ko. Ang mga salitang iyon ay parang musika sa aking pandinig. Ngunit iba talaga ang gusto kong marinig mula kay First. Sa gitna ng aking gutom, tila nag-iinit pa rin ang aking imahinasyon.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo ba akong kainin? Tara, pagsawaan mo 'ko?" naglalaro sa isip ko. Ayaw pa rin paawat ng aking libog. Malakas naman kasi ang datingan nitong si First Engineer, 'yong tipong pang-romansa ang katawan tapos mukhang kantutero pa. Lihim tuloy akong nagtataka kung gaano kalaki ang b***t niya.
Sumang-ayon naman ang aming mga kasama, at naghanap na kami ng makakainan. Nag-alok naman si Kapitan na siya na raw ang magbabayad, kaya lalong natuwa ang lahat.
"Ano ang kakainin mo, 'det?" Tumabi si France sa akin at nag-iisip din ng o-orderin niya.
Isa-isa kong tiningnan ang menu, "Carbonara na lang sa akin," tugon ko sabay ngiti nang tipid sa kanya. "Paborito ko talaga basta malapot. Parang t***d mo din siguro, masarap," gustong-gusto ko sanang sabihin dito, pero pinigil ko ang aking sarili.
Matapos kaming maka-order ay inaya niya ako na sabay kaming kumain. Nagkuwentuhan kami tungkol sa iba’t ibang bagay, at marami akong tinanong tungkol sa trabaho namin, na sinasagot naman niya nang maayos. Dahil dito, sa tingin ko ay madali kong nakagaanan ng loob itong si France.
Habang masaya kaming nagtatawanan, napatingin ako sa gawi nina Gio, at doon, nagkasalubong ang aming mga mata. Hindi man lang siya umiwas, bagkus, nakipagtagisan pa ito. Walang emosyon na mababakas sa mukha niya kaya ako na ang nag-iwas ng tingin. Bigla akong napatahimik at napaisip, ang mga mata niya ay hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kung makatitig sa akin si Gio.
Natapos kaming kumain. Nagpaalam ako sa kanila na magbanyo muna, ngunit sumabay din ang dalawa pa naming kasama. Hindi ko pa alam ang pangalan ng dalawa dahil hindi pa naman kami nagkakausap masyado, at nahihiya akong magtanong sa kanila. Maliban kay France na siya ang nag-approach sa akin.
Pagpasok sa CR, pumagitna ako sa kanila. "Baka naman maka-tsamba ako at may masilipan," naisip ko. Ngunit naghinay-hinay muna ako, hindi nagpapahalata, at pasimple lang ang mga galaw. Gayunpaman, natapos kaming umihi, at bokya—wala akong nakita.
Nauna na ang dalawa dahil nagpaiwan pa ako upang maghilamos. Kailangan kasi, laging fresh ang dating ko para naman kaaya-aya akong tingnan.
Matapos maghilamos, inayos ko naman ang aking buhok na nagulo. Habang abala ako sa pagsusuklay, may pumasok na isang guwapong lalaki. Matangkad ito, maputi, at makinis ang kutis.
Tinitigan ko siya sa salamin, at napatingin din siya sa akin. Sa suot niya, halatang isa itong Flight Attendant.
Dumiretso itong umihi sa urinal. Nakikita ko sa repleksyon ng salamin ang panay lingon niya sa gawi ko. Pagkatapos nito ay tumungo rin siya sa lababo. Muli kaming nagkatitigan habang papalapit siya. Naghilamos pa siya, nakaramdam naman ako ng paanyaya nang hindi sinasadyang magdikit ang aming braso. Tumingin ako sa salamin, kung saan nakatitig din siya sa akin. Ang konting dampi na 'yon ay nagpadala ng init sa aking katawan.
Alam ko na ang mga ganitong galawan, at na-master ko na ito. Lalo na sa mga mall tuwing may makakasalubong ako, ang tindi makipagtitigan sa kapwa lalaki, kahit kasama pa ang girlfriend o asawa nila. Sa bus o eroplano tuwing may nakakatabi akong pogi, pasimple kong sinasagi ang aking kamay o tuhod. Kapag may irita sa mukha ng mga ito o kapag umiiwas, iiwas na rin ako at hindi na susubukan pang muli dahil masapak pa ako. Pero kapag gumanti ang mga ito—'yon na.
Tumango siya sa akin kaya humarap ako sa kanya. Sumenyas siya patungo sa nakahilera na cubicle. Agad kong nakuha ang gusto niyang mangyari, ngunit nag-aalangan ako noong una, baka kasi hanapin ako bigla ng mga kasama ko. "Tsk! hindi ko naman pwedeng mahindian ang isang 'to, nakakapanghinayang kung hindi ko matitikman," Tiningnan ko ang aking relo. May higit isang oras pa akong makipaglaro, kaya pagbibigyan ko na ang aking sarili dahil masakit na rin naman ang puson ko gawa nang hindi ako nakapagpalabas kanina matapos akong kantutin ni Ninong.
Naisip ko rin na baka wala rin akong matikman sa barko, at higit siyam na buwan pa akong muling madidiligan kaya hindi ko pagkakaitan ang aking sarili.
Naunang pumasok ang flight attendant sa dulong bahagi ng mga cubicle. Ako naman ay nagpaiwan pa sandali, at nagkikiramdam muna sa paligid, bago sumuong sa giyera ng matinding pagnanasa.
Pagpasok ko pa lang, agad niya akong sinunggaban at siniil ng halik.
"s**t, ang lambot ng mga labi niya, at ang bango pa ng hininga," bulong ng aking isip, isang matinding papuri sa gitna ng init. Nasamyo ko pa ang mamahalin niyang pabango—isang amoy na nagpapatindi sa libog ko, tila nagbibigay ng go-signal sa aking katawan.
Todo laplapan kami, parang gutom na gutom at hayok na hayok sa isa’t isa. Ang aming mga dila ay nag-eeskremahan sa loob ng aming mga bibig, naghahanap ng kiliti at init. Kasabay nito, nagkikiskisan na rin ang aming mga b***t na sobrang tigas at handang-handa na lumaban. Dahil limitado lang ang aming oras, walang pasubali kong binuksan ang zipper ng aking pantalon, at tinulungan ko na ring hubarin ang pantalon ng lalaki. Habang naghahalikan, sabay naming sinasalsal ang sandata namin, pinapabilis ang init at pagnanasa.
Maya pa ay humawak siya sa aking balikat at marahan akong itinulak pababa. Alam ko na ang nais niyang ipagawa, kaya lumuhod na ako nang walang pag-aalinlangan at hindi na sinayang pa ang oras. Sinubo ko na agad ang b***t niya na sa tantiya ko ay nasa sais ang haba at sakto lang ang taba.
Malumanay lang muna ang pagsubo ko upang masanay ang aking lalamunan at para hindi ako gaanong maduwal—mahirap na baka kasi may makarinig sa amin mula sa labas. Kailangan kong maging maingat at tahimik.
Napakapit siya sa dingding, napatingala, habang nakapikit nang mariin ang mga mata at kinagat-kagat nito ang labi sa matinding sarap. Nang masanay na ako sa haba niya, swabe ko na lang itong naisubo nang sagad. Nagsimula na rin siyang kadyut-kadyutin ang bunganga ko—dahan-dahan, pero sinasagad niya sa aking lalamunan. Hindi siya makaungol nang malakas dahil sa pagtitimpi, kaya todo kagat-labi lang ang nagagawa niya. Kitang-kita ko sa mata niya ang walang-kapantay na sarap na tinatamasa. Ang mga ugat sa leeg niya ay nagpapahiwatig ng gigil na hindi niya maipahayag.
Sa gitna ng aking masarap na pagtsupa ay bigla niya akong pinatigil at saka pinatayo. Tumalima lang ako. Pag tayo ko, yumuko naman siya at agad na sinubo ang aking matigas na sandata. Lagpas sais lang din ito—pero bawi naman sa taba, kaya’t umaaray naman ang mga babae at lalaking nakakantot ko.
Pansin ko na hindi pa siya gaanong sanay sumubo dahil sumasagi pa ang ngipin niya sa aking kahabaan, pero nagawa ko pa rin na masarapan dahil libog na libog na ako kanina pa. Hinawakan ko ang kanyang ulo para igiya ang bibig niya at tulungan siyang makapagkasya ang t**i ko sa bunganga niya.
Halos tatlong minuto lang niya akong sinuso at tumayo ulit siya. "Pwede bang pasukin kita?" bulong niya, ang hininga ay mainit at may bahid ng pagmamakaawa.
"Matatagalan tayo niyan. Palabas na lang tayo. Baka kasi magtaka ang mga kasama ko at mahuli tayo rito," Turan ko, tumango na lang siya bilang pagsang-ayon.
Nagsalsal kami ulit habang magkadikit at walang humpay ang aming halikan. Hindi kami kumawala sa isa’t isa; ang aming mga labi ay nag-uugnay sa amin hanggang sa pareho naming unti-unting nararating ang sukdulan. Wala kaming magawa, kahit gustong-gusto na naming umungol sa sarap—tanging malalim na paghinga at pagdampi ng aming mga katawan ang naririnig.
Sabay naming naabot ang rurok. Sumabog ang pitong sunud-sunod na sirit ng aking t***d sa aking kamay, tumalsik din ito sa dingding at sa pader—gawa sa kanina pa ito naipon. Marami ring inilabas ang kapareha ko, na sarap na sarap din sa pagpaparaos niya. Ang mainit at malapot na likido sa aking kamay ay nagbigay sa akin ng matinding ginhawa, isang matamis at mainit na pagtatapos sa aming maikling tagpo.
Pagkatapos magpaputok, dali-dali kaming nag-ayos ng aming mga sarili, tinitiyak na walang anumang ebidensya ang aming iiwan. Nauna akong nagpaalam sa kanya. Lumabas ako ng CR at sumenyas na lalabas na ako. Tumango naman siya sa akin, hindi ko na siya hinintay pa dahil bumalik na agad ako sa mga kasama ko, dala-dala ang init ng aming sikretong engkwentro.
Pagbalik ko ay hindi naman nila ako inusisa dahil busy rin ang mga ito sa kani-kanilang cell phone. Nililibang ang sarili o 'di kaya kausap ang mahal sa buhay. Sa aking pagkaupo ay nakaramdam din ako ng panghihinayang dahil hindi ko man lang nakuha ang account ng flight attendant sa social media. Pero hindi bale, ang mahalaga ay nabawasan ang libog ko at nagkatikiman kami.
Dumating na ang oras ng aming paglipad. Habang nakapila kami para mag-boarding, halo-halo ang nararamdaman ko, isang matinding pagkasabik para sa bagong buhay na naghihintay, ngunit may kasabay rin na kaba sa hindi tiyak na bukas. Pagkaupo ko sa aking assigned seat, lalo akong hindi mapakali. Hindi lang dahil sa tensiyon ng paglipad kundi dahil din sa bigat ng paglisan—parang mayroong pira-pirasong parte ng aking buhay ang na naiiwan.
Habang paangat sa himpapawid ang eroplano, tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kayang pigilan ang bigat ng pag-alis. Nakaramdam ako ng lungkot at pangungulila—na mawawalay ako nang matagal sa aking pamilya.
Bagong buhay, bagong pagsubok. Lahat ay nagsasama-sama, ang pagod mula sa mga nakaraang buwan, ang aking mga pagtitiis, ang lungkot ng pag-alis. Ngunit kakayanin ko, para sa mga pangarap ko at sa pamilya.
Labing-walong oras ang ginugol namin sa loob ng eroplano hanggang sa dahan-dahang lumapag sa lupain ng Estados Unidos, dala ang bigat at pag-asa. Mula sa himpapawid, mabilis akong napadpad sa maingay at abalang pantalan.
Ang mga sandali ay mabilis na lumipas, hindi ko namalayan marami na ang naganap—parang sa isang iglap lang ikaapat na araw ko na pala buhat noong sumampa ako. Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan. Naninibago pa ako sa mga trabaho rito at hindi pa ako masyadong nakakatulog dahil nag-a-adjust pa ang aking sistema. Nakaramdam ako ng matinding culture shock sa tindi ng trabaho. Kung alam ko lang hindi na sana ako tumuloy pa, pero wala na, nandito na ako, wala na itong atrasan at kailangan ko na lang itong harapin.
Pagdating pa lang namin sa barko, nagbihis na agad kami ng pangtrabaho kahit kakagaling pa lang namin sa biyahe, kailangan na naming tumulong sa paghahakot ng mga supplies, gamit pangtrabaho, pintura, spare parts, at provision namin.
Tila nabigla ang aking katawan dahil hindi naman ako sanay sa mabibigat na gawain, kaya pagod na pagod talaga ako pagkatapos. Ang malala pa roon, ni hindi pa nga ako nakapagpahinga ay agad akong pinatawag dahil may duty pa ako sa gangway. Ito ay ang Cargo Watch, ang pagbabantay namin sa pagkarga o di kaya ang pagdiskarga ng aming kargamento.
Habang nasa duty, minsan kapag napapasandal ako sa dingding ay napapapikit ako at bigla na lang nagigising kapag muntik na akong bumagsak. Kaya naman, para maiwasan kong antukin, inayos ko ang sarili ko, nag-unat at naglakad-lakad. Habang ako ay nagmumuni-muni napansin ko ang isang lalaki na papaakyat ng gangway kaya naman ay sinalubong ko ito.
"How may I help you sir?" bungad ko dito at pilit na nakangiti, habang pinipigilan ang hikab na gustong kumawala sa akin.
Kailangan kong maging propesyonal, pero ang mata ko ay gumagawa ng sarili niyang trabaho. Hindi ko maiwasang mamamangha dahil ang tangkad nito at ang gwapo pa. Ang laki din ng katawan, na gaya sa mga kantuterong napapanood ko sa mga pinagpaparausang malalaswang pelikula. Nawala tuloy ang antok ko, napalitan ng panibagong init at bahagyang nagising ang alaga ko sa loob ng aking cover-all.
"Hey, I’m the Supercargo, and I wanna check the cargo holds," saad nito at ngumiti sa akin kaya nasilayan ko ang kanyang mga mapuputing ngipin.
"Sure sir, but can I have your i.d first?" Binigay naman ito ng lalaki at isinulat ko ang pangalan niya sa logbook at saka pinapirma bago ko siya hayaang maglibot sa kubyerta.
"Ilang poging foreigner pa kaya ang makakasalamuha ko sa buong kontratang ito?" tanong ko sa aking sarili. Ang pag-asa na makakita ng mga banyagang b***t ay nagbigay tuloy ng panibagong excitement sa akin, "gaano kaya ka laki," parang kinikiliti ako sa aking naiisip.
Maya-maya pa ay bumalik din sa gangway ang pogi kong partner sa duty na si Gio, galing ito sa pagcheck sa kondisyon ng mga lubid at pag-iikot na rin sa kubyerta.
Sa bawat araw na lumilipas, lalo lamang lumalakas ang dating niya sa akin. Nahihiya akong tumingin sa kanya na direkta, pero madalas ay panakaw ko siyang pinagmamasdan. Medyo nagkakailangan pa kami kaya hindi kami masyadong nag-uusap—isang tanong, isang sagot, tapos tahimik na naman ulit. Ang katahimikan sa pagitan namin ay nagdadala ng tensiyon na hindi ko maipaliwanag.
Para maalis ang bumabalot na katahimikan sa pagitan namin, kung minsan ay nagtatanong-tanong na lang ako tungkol sa mga bagay na hindi ko lubos maintindihan sa mga ginagawa dito sa barko. Partikular kong kinokonsulta ito sa mga kumplikadong aspeto ng operasyon sa pagkarga ng mga kargamento. Masaya naman akong natututo dahil mahinahong ipinapaliwanag ni Gio ang lahat sa akin.
"Oh, partner, kamusta?" bungad ng isang AB na kwatro-otso na si Ernie. Napatingin ako sa aking relo. Menos diez na pala bago mag-alas kwatro, oras ng pagtatapos ng duty namin ni Gio. Dahil sa pag-uusap namin, hindi na tuloy namin namalayan ang oras.
Nag-turnover na ang dalawang AB, at ganoon ako sa karelyebo kong O.S. na si Red pagkadating nito. Ibinilin ko ang lahat ng mga ipinag-uutos ni Chiefmate kanina, pati ang kasalukuyang sitwasyon ng operasyon sa kargada namin.
Pagpasok namin ni Gio ay nakasalubong namin ang aming kaduty na Oiler at si Segundo ay naghihintay sa ship's ofice habang nagsi-cell phone, inaya pa nila ako para kumain ng agahan ngunit tumanggi ako.
"det, matutulog ka na? Almusal muna tayo, nagluto ako kanina," aya ni Segundo sa akin.
"Pasensya na, sir. Sa susunod na lang. Antok na antok na talaga ako," malumanay kong tanggi habang kinukusot ang aking mga mata sa pagod at dahil gusto ko na rin ipahinga ang aking katawan.
Hindi na rin niya ako pinilit pa at tumango siya na may pag-unawa, "Ah, sige. Magpahinga ka na muna. Tirhan ka na lang namin para kapag nagutom ka ay may makakain ka."
"Sige po, sir. Salamat."
Dumiretso na sila sa crewmess habang ako ay umakyat na sa aking kabina. Paghiga ko, napatulala ako sa kisame. Doon, sa katahimikan ng aking kabina, unti-unti kong naisip na hindi lang pala basta pisikal na pagod ang kalaban sa barko. May kaakibat din itong matinding puyat at mataas na pressure sa trabaho. Ngunit higit sa lahat, nagsisimula na akong maramdaman ang lungkot—ang hindi maipaliwanag na pangungulila na madalas ikuwento ng karamihan.
"Ang pagiging marino pala ay hindi lang tungkol sa paglalayag, kundi sa pagtitiis at pakikipaglaban sa sarili," bulong ko habang dinadama ang bigat ng katotohanan.
To be continued.....