15 (Last Part)

3215 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ------------------------- At muli na naman siyang napaluha. "Utol ko pala siya... Kaya pala ang gaaan-gaan ng loob ko sa kanya!" sambit niya. At isinagawa ang eulogy para kay Prime. Sa harap ng mga nakiramay na kamag-anak ng papa ni Prime na nasa Amerika na, mga kaibigan nila ng kalive-in partner niya, mga kasamahan sa GLBT group, nagsalita ang ina ni Prime. Pinuri niya si Prime sa kanyang kabaitan. Ibinahagi niya ang mga masasayang alaala nila ni Prime habang nakasama pa niya ito, ang pagka-sweet ni Prime sa kanyang ina. "Si Prime ay isang bata na puno ng pangarap, isang batang may panindigan. At bagamat dalawa ang kanyang ama, isa ang biological at isa ang legal..." tiningnan niya ang dalawang ama ni Prime. Napalingon na rin kami sa kanilang kinaroroonan. Napayuko silang dalawa pansin ang kanilang pagluha. "...sabik na sabik siya sa pagmamahal ng isang ama. Simula bata pa lang siya ay naghahanap na siya kung nasaan ang kanyang ama. Isang beses pa nga, tinanong niya ako kung bakit daw hindi sa amin umuuwi ang papa niya. Kung hindi ba raw kami mahal ng papa niya kung kaya hindi ito umuuwi sa amin. Ang ibang mga bata raw ay may mga papa at naiinggit siya. Napakasakit pakinggan ng kanyang mga katanungan... mistulang mga sibat na tumama sa aking puso ang mga ito. Sa simpleng tanong niya na iyon ay parang gumuho ag aking mundo sa sobrang tindi ng sakit. Tumalikod na lamang ako upang hindi niya makita ang pag-agos ng aking mga luha. Hindi ko alam ang aking isasagot ngunit ang nasabi ko na lang sa kanya ay, 'isang araw... darating din siya. Huwag kang mag-alala anak.' Nagkatotoo nga ang sinabi kong iyon. Nandito na ang kanyang papa – at ang dalawa pa niyang papa... ngunit sobrang ironic; kasi, kung kailan sumulpot ang kanyang mga ama, ay siya namang pagpanaw niya. Hanggang sa dulo ng kanyang buhay ay pinagkaitan pa rin siya ng pagmamahal. Hindi ko malimutan isang araw, 10 taon na siya noon at nagkataon na wala kaming pera. Nakita niya akong umiiyak. Tinanong niya ako kung bakit. Sinabi kong wala kaming pera at hindi ko alam kung saan maghanap ng makakain kapag naubos na ang aming supply. Sinagot niya ako na hindi na lang daw siya kakain at sa akin na lang daw ang natirang kakainin namin. 'Kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral, hindi na tayo maghihirap mama. Hindi ka na rin magtatarabaho. Ako na ang maghanap ng pera para sa atin.' ang sabi pa niya. Marami siyang plano, marami siyang gustong gawin para sa amin. Nguit alam ko, mananatili na lamang ang lahat sa aking alaala... dahil sa paglisan niya sa mundong ito, kasama niyang ilibing ang mga pangarap niyang iyon..." Ako ang sunod na nagsalita. Isiniwalat ko rin ang mga masasayang alaala namin, ang aming mga kantyawan, mga harutan, mga biruan, gimik, ang mga ginawa niyang nakaka-inspire sa akin. Ngunit sinabi ko rin ang isang insedente kung saan nasa pinakamababang parte ang aming pagiging magkaibigan. At dahil alam na ng kanyang legal na ama ang tungkol sa amin, dagdagan pa na maraming mga myembre ng GLBT na kaibigan ng legal na papa ni Prime at partner nito, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa pagsiwalat sa aming kuwento. "May isang bagay po akong isisiwalat. Ngunit bago po iyan, hayaan po ninyong kantahin ko ito –" One-sided love broke the see-saw down I got to get rough when I hear the grudge And you went your way and I went wild And you'd understand if your heart was mine If we had an exchange of hearts Then you'd know why I fell apart You'd feel the pain when the mem'ries start If we had an exchange of hearts... "Aaminin ko na sa kabila ng pagiging mag-bsetfriend namin ni Ian, may lihim akong naramdaman para sa kanya. Mahal ko siya. Dahil hinid alam ni Prime ang aking tunay na pagkatao, pilit kong pinigilan ang sarili at itago na lang ang lahat. Ngunit humantong din ako sa puntong hinid ko kayang kontrolin ang sarili. Habang nalasing kami, painagsamantalahan ko siya. Nagalit siya sa akin. Sobrang galit na hindi na niya ako pinansin, hindi pinatawad at ang masaklap pa, naghanap siya ng ibang barkada at nakikipag girlfriend pa. Sobra akong nasaktan. At noong narinig ko ang kantang iyan, nakapagbitiw ako ng salita, at ipinalangin ko na sana, maramdaman din niya ang sakit na naramdaman ko. Na sana, maranasan din niyang masaktan kagaya ng nangyari sa akin, kagaya ng sinabi ng kanta. At tila nagkatotoo ang ninais ko. Di nagtagal, sinuyo niya ako. Noong una ay hindi ko siya tinanggap. Noong nag-usap kami, dinakot ko ang buhangin at inilagay iyon sa kanyang palad. Nagkalaglagan ang mga butil noon. Ang sabi ko na tulad ng mga nagkalaglagang butil ng buhangin ay ang tiwala sa ko na hinayaan niyang magkalaglagan. Umiyak siya. Ngunit imbes na itapon ang buhangin, isinilid niya ang mga natirang buhangin sa isang maliit na garapon. Ang sabi niya, aalagaan daw niya ang natitirang tiwala ko sa sa kanya. Isang simbolismo ng pagpakumbaba. At sa kasusuyo niya sa akin, hindi ko rin siya natiis. Pinatawad ko siya at ibinalik namin ang dati naming magandang samahan. At pinuno ko na rin ang kanyang garapon ng buhangin. Nitong huli, nagparamdam siya na gusto niyang maging kami. Ngunit nasaktan ko ang kanyang damdamin. Inaamin ko, may naramdaman pa rin ako sa kanya. Dahil sa kanya, natuto ang puso kong umibig. Ngunit may mahal na akong iba noon..." napahinto ako at tiningnan si Marco. Nakita kong yumuko siya. "At naintindihan naman niya ang lahat. At ang sabi pa niya ay kung si Marco ang mahal ko, tanggap niya ito. Ngunit palagi daw siyang nand'yan para sa akin. At handa siyang maghintay. Noong naaksidente siya, naalala ko ang singsing na ibibigay niya sana sa akin ngunit hindi niya itinuloy gawa nang sinagot ko ng 'OO' ang tanong niya kung mahal ko si Marco. Masama ang loob niya at inilibing na lang niya ang singsing na iyon sa ilalim ng puno ng talisaya at sinabihan ako na kung mahal ko na siya, saka na niya ito ibibigay sa akin o di kaya ay hukayin ko ito at isuot sa aking daliri..." Itinaas ko ang aking kamay. "At ito ang singsing niya" ipinakita ko ang singsing. "Noong iniwan ako ni Marco, doon ko naisip na kailangan niya ang aking suporta, ang aking pagmamahal. Noong dinala na rito sa Amerika si Prime, kinausap ko siya. Nagpaalam ako at sinabihan ko siyang huwag gumive-up at lumaban. Noong nakita ko ang isang malaking butil na luha na dumaloy sa kanyang pisngi, doon ko napagtantong narinig niya ako. Mistulang piniga ang aking puso sa nakitang patak ng luha niya. At iyon na rin pala ang huli kong makikitang manipestasyong buhay siya. Hindi niya ako nasagot ng salita ngunit ang isang patak ng luha na iyon ay nagsasabi ng lahat; nagdurugo rin ang puso niya. Noong tinawagan ako ni tito Edgar na pumunta rito, ang buong akala ko ay bumuti na ang kalagayan niya. Akala ko..." Napahinto ako at pinigilan ang paghagulgol. "Akala ko ay gumaling na siya at matuloy ang pangako ni tito Edgar na makasal kami dito. Ngunit kabaligtaran pala ang lahat. Ang sakit sakit... ang hirap tanggapin." at doon na ako humagulgol. Pinahid ko ang aking mga luha. "Ngunit... wala tayong magagawa. Noong may isang beses na nagkuwentuhan kami tungkol sa kamatayan, sinabi niyang handa na raw siya. Nagalit nga ako sa kanya noon kasi, takot akong pag-usapan ang kamatayan. Ang babata pa kasi namin upang magkuwento kami sa mga ganoong bagay. Ang sabi niya, kapag oras na raw natin, wala na tayong magagawa. Kaya gawin daw natin ang best natin sa lahat ng pagkakataon dahil hindi natin alam kung kailan ang oras natin. At sabi pa niya na sa kamatayan daw ng isang tao, hindi humihinto ang pag-ikot ng mundo. Kapag may namatay, may nabubuhay. At tama siya... sa kanyang pagkamatay, may isang taong nabigyan ng pangalawang buhay... ang kapatid niyang si Marco. At tama rin ang sinabi niyang hindi raw natin nalalaman ang halaga at kabuluhan ng ating buhay hanggang may ibang buhay din tayong napasaya, natulungan, o naisalba. At dugtong pa niya, na gusto rin daw niyang maging makabuluhan ang buhay niya; iyong kahit wala na raw siya sa mundo ay may maiiwan siyang alaala. At ito ang tanging konsuwelo na kahit papaano, sa paglisan niya, naging makabuluhan ang maiksing pagtira niya sa mundong ito..." Ang sunod na nagsalita ay ang biological na papa ni Marco at doon inilahad niya ang kanyang matinding pagsisisi at pagkaawa kay Prime; na hindi man lang niya nalaman na may anak pala siya sa una niyang naging kasintahang si Kristina. Doon din niya inilahad ang kanyang kuwento tungkol sa pag-iibigan nila ng ina ni Prime; na ito ang kanyang first love; na wala siyang tangkang iwanan ito, at na hindi nawala ang pagmamahal niya dito. Nagkataon lang daw na nagkamali siya at nabuntis ang ina ni Marco. At dahil sa nangyari kung kaya galit na galit sa kanya ang ina ni Prime at pinutol nito ang lahat na ugnayan at kumunikasyon nila. Isinalaysay din niya na hindi nagtagumpay ang relasyon niya sa mama ni Marco dahil sa hindi pagkakaunawaan sa mga bagay-bagay. Pati ang nangyaring divorce niya sa naging asawa niyang Filipina-Amerikana sa Amerika, ay isiniwalat din niya. Ngunit nagulat ang lahat sa kanyang rebelasyon noong sinabi niyang, "Sa iyo Prime, anak, maaring huli na ang lahat dahil wala ka na, ngunit alam kong ito rin ang nais mo; ang mabuo muli ang ating pamilya. At dahil hindi na matutuloy pa ang mga pinangarap mo para sa iyong ina na mabigyan siya ng kaginhawaan, na magkaroon siya ng katuwang sa pamamagitan mo, dito sa harap mo, sa harap ng mga taong nakikiramay, liligawan ko muli ang mama mo at pakakasalan ko siya kung papayag siya..." Biglang nagpalakpakan ang mga tao. Iyon bang sa gitna ng lungkot ay may sumibol na pag-asa at magandang kinahinatnan. Nilingon ko ang mama ni Prime. Yumuko siya at nakita kong nagpahid siya ng kanyang kuha. Ramdam ko na hindi iyon luha ng lungkot kundi luha ng panghihinayang na sana ay narinig ni Prime ang lahat ng sinabi ng kanyang biological na ama. Alam ko, may saya siyang naramdaman sa kanyang puso. "Ipangako ko sa iyo anak na hindi ko siya pababayaan at hindi na papayagan pang muling mawala siya sa piling ko." Dugtong pa ng biological na man ni Marco. Ang sunod na nagsalita ay ang legal na ama ni Prime. Kagaya ng biological na ama ni Prime, puno rin ng pagsisisi ang tono ng kanyang pananalita. Ngunit kung nagulat kami sa sinabi ng biological na ama ni Prime, mas nagulat naman ako sa sinabi ng legal na ama ni Prime. "Anak... kahit huli na rin ito pero alam kong gusto mo ring mangyari ito. Tutuparin ko ang pangako ko na ikasal kayo ni Ian dito, at bago maiuwi ang mga labi mo sa Pilipinas. Iyan ay kung papayag si Ian." Sabay lingon sa kniaroroonan ko at naghintay sa aking sagot. Mistulang huminto bigla ang aking mundo at nabingi ang aking mga tainga sa aking narinig. Para akong nabilaukan at hindi makapagsalita. Lumingon ang mga tao sa aking kinauupuan kung saan ay katabi ko si Marco. Tinignnan ko si Marco, iyong tingin na parang nagtatanong, nanghingi ng tulong kung ano ang isasagot ko o ano ang aking gagawin. Ngunit kalmante lang si Marco. Binitiwan niya ang isang ngiti sabay pisil sa aking kamay. "Payag ako..." bulong niya. At ibinaling ko ang aking paningin sa nagsalitang legal na ama ni Prime at tumango ako. Nagpalakpakan ang mga tao. "Kung ganoon anak..." lingon niya sa kabaong ni Prime, "Ihanda mo na ang iyong sarili dahil bukas na bukas din, ipakakasal ko na kayo." Nagtawanan ang mga tao. Nagpalapakan. Alas 9 ng umaga ang nakatakdang kasal namin ni Prime. Alas 7:30 pa lang ay naroon na ang pamilya ni Marco. Ang kanyang ama, ang kanyang tito. Pati pala ang kambal ni Marco na si Marlou at ang asawa nito na nasa Amerika na rin pala ay dumalo. "Burj... gusto kong i-bigay kay Prime ang p-puso ko..." sambit ni Marco sa akin. "B-bakit? Nasaan ba?" ang gulat kong tanong. Hinugot ng nurse mula sa bag ang isang sealed na garapong kasya lang ang tinanggal na puso ni Prime. Puno rin ito ng formalin. Sinadya pala nila itong ilagay sa isang garapon upang makita ni Marco at magsilbing alaala niya sa bahagi ng katawang tinanggal. Mistula naman akong nangilag sa nakita. Pakiwari ko ay nanindig ang balahibo ko. Hindi ko maimagine na kung ganoon ang nangyari sa akin na tanggalin sa akin ang aking puso ay baka hindi ko kakayanin. Baka hindi na ako magising pagkatapos ng operasyon. "I-iyan pala ang puso mo..." ang nasambit ko na lang. "Oo, ito ang pusong minahal mo..." sagot din niya. Dahil sa mungkahi na iyon nio Marco, inilagay nga ang puso ni niya na nasa loob ng sealed na garapon sa katawan ni Prime. Natuloy ang kasal. Ang paligid na bago noon ay nagluksa, ay puno na ng mga palamuting pangkasal. May mga bulaklak, may mga balloons, may mga malalaking ribbons. At ang gitna ng lobby ay may ginawang aisle at sa gilid nito ay may mga nakaupong bisita na nasa 100 ka tao, ang karamihan ay mga meyembro ng GLBT. Sa dulo ng aisle naman ay makikita ang isang mesa na nagsilbing altar kung saan gaganapin ng mago-officiate ang seremonya. At sa gilid nito, nandoon si Prime, sa loob ng kabaong na sinadyang nakatayo. Si Marco na naka-wheel chair pa ang aming best man. Ang legal na papa naman ni Prime ang nag-escort sa akin patungo sa altar. Noong naglalakad na kami sa pasilyo, pinatugtog ang kantang – One-sided love broke the see-saw down I got to get rough when I hear the grudge And you went your way and I went wild And you'd understand if your heart was mine If we had an exchange of hearts Then you'd know why I fell apart You'd feel the pain when the mem'ries start If we had an exchange of hearts... "Do you, Ian, take Prime to be your lawful wedded partner...?" tanong ng nag-ooficeiate ng kasal. "I do." Ang sagot ko. At baling kay Prime, "Do you, Prime, take Ian to be your lawful wedded partner...?" tanong din niya kay Prime. At dahil hindi naman nakakasagot si Prime, sumingit ang nagconduct sa kasal ng, "Silence means yes" Tawanan ang mga tao. At sa suotan ng singsing, ako ang nagsuot nito sa daliri ni Prime. Ngunit ang nagsuot naman nito sa daliri ko ay si Marco. Feeling ko tuloy, kaming tatlo ang ikinasal. Pagkatapos ng kasal ay ang kainan. At may party pa. Imbes na magluksa, nabalot ng saya ang lugar. "Burj... s-sorry ha?" ang sambit ko kay Marco. "Sorry saan?" "Na heto, kami ni Prime ang ikinasal." "Ano ka ba! Ok na ok sa akin iyon. My bro deserves it. At pinakasalan mo rin naman siya na ang puso niya ay akin; binigyan rin niya ako ng panibagong buhay sa pamamagitan ng puso niya upang patuloy kitang mahalin..." sagot niya. Iniuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Prime kinabukasan kaagad. Kasama ako sa entourage, sampo ng kanyang ina, legal na ama at partner niya. Pagkatapos ng tatlong araw at sina Marco naman, ang papa niya at pamilya ang umuwi ng Pilipinas. Inilibing si Prime isang linggo pagdating ng mga labi niya sa Pilipinas. At ang lahat na mga nakilibing – classmates, mga estudyante, guro, kakilala, kaibigan, tagahanga sa pagkakanta niya sa resto-bar – ay may dalang garapon na puno ng buhangin, simbolismo sa tiwalang nabuo muli. Sa harap ng kanyang puntod, ibinulong ko ang aking pagmamahal sa kanya. "Salamat sa lahat. Salamat sa kabaitan mo, salamat sa pagdating mo sa buhay ko. Ang lahat ng mga masasayang ala-ala natin, ang lahat ng mga aral na ipinakita mo sa akin ay iingatan ko. Mahal na mahal kita... Palaging nandito ka sa puso ko tol. Huwag mong kalimutan iyan." "Bro... nanghinayang ako na huli ko nang nalaman na mag-utol pala tayo. Sana, kung noon pa ay nalaman ko na ang lahat, mas nag-eenjoy pa sana tayo. Ngunit salamat sa kabaitan mo. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pangalawang buhay. Salamat sa puso mo. Hindi kita malilimutan. Habang patuloy na pumipintig ang puso mo sa katawan ko, manatiling buhay ang ala-ala ko sa iyo. Pangako ko, alagaan ko ang ibinigay mong alaalang ito sa akin. Pangako ko rin sa iyo na alagaan at hinding-hindi ko pababayaan si Ian." Bulong naman ni Marco na hawak-hawak pa ang kamay ko. Lumipas ang halos isang taon. Tuluyan nang naging close sa isa't-isa ang mama ni Prime at tunay niyang ama. In fact, pinagawan na rin niya ito ng magarang bahay. At plano nilang magpakasal sa darating na first year death anniversary ni Prime. Ipinlakad kasi ng legal na ama ni Prime ang annulment ng kasal nila sa mama ni Prime upang mabigyang laya siyang makasal sa tunay na mahal niya at biological na ama ni Prime. At ang plano namin ni Marco? Babalik kami sa Amerika kapag nakatapos na kaming dalawa sa aming pag-aaral. At doon kami magpakasal, at magsimula sa aming bagong buhay. Tunay ngang mahiwaga at masalimuot ang buhay. Hindi ka nakasisiguro kung hanggang kailan mo malalasap ang saya at kung kailan darating ang mga pagsubok. Kagaya rin ng pag-ibig. Minsan, akala mo, iyon na. Ngunit smoke screen lang pala ang lahat. Dahil sa likod nito, ay may nagbabadyang panganib. Lahat naman kasi ng pag-ibig ay dumadaan sa pagsubok. Lahat ng taong umiibig ay nasasaktan, nagkakamali, ngunit umaasa. Kadalasan nga lang ay hindi tayo natututo sa ating mga pagkakamali. Sabi rin ng iba, paminsan-minsan daw ay hinahayaan ng Diyos na mangyari ang mumunting masasamang bagay sa ating buhay; upang tayo ay matuto ng leksyon; matutong lumaban, at maappreciate ang sarap sa pagkamit ng tagumpay sa harap ng mga pagsubok. At kung ang pag-ibig ay wagas at sadyang nakatadhana, ito ang maghahanap ng paraan upang malusutan ang kahit na pinakamatinding unos ng buhay. Gagawin nito ang lahat kahit na ang hahadlang pa rito ay kamatayan. Kagaya na lang sa pag-ibig ni Prime. Sa kabila ng kamatayan ay patuloy na ipinaabot niya ang kanyang pagmamahal. Kagaya rin sa pag-ibig ni Marco. Sa kabila ng tawag ng kamatayan ay pilit siyang lumaban upang ipagpatuloy ang buhay at ang kanyang pagmamahal... Ang pag-ibig nga naman. Hahamakin ang lahat, kahit hahantong pa ito sa isang... palitan ng puso. "Burj... nakakalungkot naman, hindi na tayo buo sa motorsiklo mo! Kulang na tayo ng isa..." ang malungkot kong sabi kay Marco habang naka-angkas ako sa motorsiklo niya isang araw patungo kami sa restobar upang muling kumanta. "Buo pa rin naman tayo ah. May mahalagang bahagi ng katawan si Prime na naging bahagi na rin ng taong siya mong niyayakap ngayon." Binitiwan ko ang pilit na ngiti. "Sabagay... Ngunit hindi ko talaga maiwasangi hindi ko siya ma-miss." "Turuan mo ang sariling tanggapin ang lahat burj. Isipin mo lang na sa pag-alis ni Prime, ito ang dahilan upang magsudlong ang pag-iiibigan nating tatlo. Mahal mo ang puso ko na nasa kanya, ngunit mahal ka naman ng puso niya, na nasa akin..." WAKAS.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD