Lhira POV Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila Mama at Papa. Pero hindi na ako muling pinalabas sa aking kwarto. Nalaman ko din na isinama nila si Thea. Hindi man lang kami nagkausap na muli ni Thea. Pero kung wala na siya sa poder ni Paolo mas magagawa ko na ang plano kung pagtakas mamayang gabi. Umalis si Paolo kanina kaya mas kakaunti ang tauhan niyang naririto. Saka ko na iisipin kung paano ko itatago sila Thea at ang kapatid niya kapag nakatakas ako mamayang gabi. Pabalik-balik ako sa paglakad sa aking kwarto. Malapit nang lumubog ang araw. Kailangan kung tumakas dito! Nagsuot ako ng pantalon at polo-shirt para handa ako mamaya narinig ko kasi sa mga tauhan niya na gagabihin daw si Paolo. Kaya malakas ang loob ko. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya kanina

