Lhira POV Niyaya ako ni Miguel na pumunta sa Doctor upang malaman ang lagay ng baby namin. Wala na rin kasi siyang tigil sa kakakulit sa akin na magpatingin. Daig pa siya ang buntis. Palagi rin niya akong tinatanong kung may gusto akong kainin. Aside sa morning sickness wala na naman akong ibang nararamdaman. Pero maraming pagkain ang ayokong maamoy kaya tinatanong niya muna ako kung ano ang gusto kong kainin. Noong isang araw naman pumunta kami sa bookstore namili siya ng maraming libro about pregnancy lahat ng klaseng pamagat binili na niya. Gusto niya kasing maintindihan ang mga pinagdadaanan ko bilang soon to be mother. Nagtingin din kami ng maraming damit pambata. At gusto pa niyang bilhin kaya lang hindi pa namin alam ang gender ng baby. Siguro after ng honeymoon namin malalaman na

