Mabigat ang mga talukap ng aking mga mata pakiramdam ko ay matagal na akong natutulog lang sa malambot na kama. Inilibot ko ang aking tingin sa malawak na kwarto. Kulay puti at itim ang pinaghalong desenyo nito. Pero hindi ko alam kong nasaan ako? Bakit ako nandito? Dahan-dahan akong lumapit sa salamin. Habang tulak-tulak ang sinasabitan ng dextrose na nakabaon sa aking kamay. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Tuyo at walang kulay ang aking mga labi. Malalim na rin ang aking mga mata. Pati ang tuyot at putla kong balat. Daig ko pa ang zombie. Anong mga nangyari? Ang huli kong naalala ay nakita ko ang tauhan ni Papa sa dulo ng bangka at nakatutok ang baril nito kay Miguel. Kaya hinarang ko ang aking sarili. Ang akala ko mamamatay na ako. Pero nandito ako ngayon buhay na buhay. Anong nangyaya

