Miguel POV Napatingin ako sa kawayang pinto nang magbukas 'to. "Okay ka lang ba?” Usisa ni Lucas. Tumango ako sa kanya. Puno na pala ng pawis ang aking katawan. Umupo ako sa kawayang papag. Ilang gabi ko ng napapanaginipan si Lhira. Siguro dahil ito sa palagi ko siyang naiisip. Kaya kahit pagtulog ay nasa panaginip ko. “Narinig kong tinawag mo si Lhira.” Wika niya na umupo sa tabi ko dala-dala ang tasa ng kape. Napabuntong hininga ako. “Nawalan ng direksyon ang buhay ko nang mawala si Lhira. At dahil lahat yun kay Lucio. Ang mas masakit na katotohan ang mas nagpapahirap sa akin. Dahil siya pa ang ama ng babaeng pinakamamahal ko at ngayon wala na akong magawa kundi ang tangapin na wala na siya. Kahit masakit, kahit hindi ko kaya. At pagbayarin si Lucio sa lahat ng kasalanan niya sa ami

