Monique’s POV Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng opisina ni Julian, nag-aalangan kung kakatok ba o hindi. Paulit-ulit kong iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo—kung paano siya unti-unting nagbago sa pakikitungo sa akin. Oo, grumpy pa rin siya, pero hindi na siya kasing sungit tulad ng dati. Napapansin kong mas madalas na siyang nag-aalalang hindi ko dapat malaman. Mas madalas ko rin siyang nahuhuli na nakatingin sa akin, pero kapag nahuli ko, agad niyang iiwas ang tingin. Kaninang umaga pa lang, alam ko nang dapat ko nang sabihin. Hindi ko na kayang itago. Pero paano ko nga ba uumpisahan? “Ugh, Monique, bakit ka ba kinakabahan?!” bulong ko sa sarili ko habang nakayuko at pinipisil ang palad ko. Bago pa ako tuluyang magbag

